(From left) Jean Garcia, Lotlot de Leon, and Mylene Dizon will all play mermaids in the TV adaptation of the classic comics character Dyesebel.
Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na natuloy ang scheduled pictorial ng buong cast ng Dyesebel kaninang hapon, March 31. Nagsimula ng ala una ang pictorial na ginanap sa Studio 3 ng GMA Network. Masaya at excited ang cast sa pagpo-pose habang kinukunan ng litrato para sa bagong fantaserye ng GMA-7.
Nai-text din sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bubuo ng cast ng Dyesebel. Sila ang makakasama nina Marian Rivera bilang Dyesebel at Dingdong Dantes bilang Fredo sa fantaserye na sa last week ng April na raw magsisimula. Read the rest of this entry »