Jake Cuenca reportedly ends relationship with Roxanne Guinoo

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang very reliable source na tuluyan na diumanong nag-break ang magkasintahang sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo.

Ayon sa kuwento ng PEP source, na kapwa malapit kina Jake at Roxanne, na nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa nang mag-celebrate ng kanyang kaarawan last month sa Embassy Cuisine sa The Fort, Taguig, ang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal. Sa naturang party, marami ang nakasaksi sa pagseselos diumano ni Roxanne sa isa pang artist ng ABS-CBN na si Denise Laurel.

Nagsimula raw sa isang text message ang naging pagseselos ni Roxanne kay Denise. Pero ayon nga sa mga nakakakilala kina Jake at Denise, nasa GMA-7 pa lang sila ay magkaibigan na talaga sila dahil nagkasama sila noon sa youth-oriented show na Click.

Jake Cuenca reportedly ends relationship with Roxanne GuinooAyon pa sa balita, sa birthday party ni Deo ay nalasing daw nang husto si Roxanne at nag-iskandalo. Noong gabi rin daw na ‘yon ay nag-cool-off sina Jake at Roxanne, pero muli ring nagkabalikan the following day. Yun nga lang, mukhang may iba pang problema sa kanilang relasyon ang magkasintahan dahil ilang araw makalipas ang naturang insidente, balita ngang tuluyan nang nag-break ang dalawa.

Sinabi rin ng aming source na si Jake ang nag-initiate ng breakup nila ni Roxanne.

Ang tanong ngayon ay kung totoong break na sina Jake at Roxanne, may balikan pa kayang magaganap? Balita kasing nang makipag-break si Jake ay isinoli na rin daw ni Roxanne ang singsing na ibinigay ng binata sa kanya.

Pero in fairness naman daw kina Jake ay Roxanne, since sila pa rin ang magkapareha sa Lastikman, hindi naman daw naapektuhan ang pagtatrabaho nila together ng kung anumang personal na isyu meron sila. In fact, kahit break ay mukhang magkaibigan pa rin naman daw ang dalawa.

Bukod sa Lastikman, magkasama rin sila sa bagong bubuksang teleserye ng ABS-CBN, ang Palos. Pero balitang tatanggalin agad si Roxanne sa naturang palabas at papalitan siya ng dating Gokada Go star na si Valerie Garcia, na mas kilala bilang Bangs.

Samantala, sa presscon ng Shake, Rattle & Roll 9 last December 2 ay itinanggi ni Roxanne sa interview sa kanya ng kolumnistang si Mario Bautista na nag-break na sila ni Jake. Pero inamin ng young actress na uminom nga siya, ngunit wala raw kinalaman dun si Jake.

Ayon kay Roxanne, “Totoo pong uminom ako that night, pero hindi dahil I’m having problems with Jake or with anything. Katuwaan lang. I’m not denying na uminom talaga kami ng mga kasama ko, pero huwag na lang bigyan ng ibang kulay.

“Hindi rin kami nag-break ni Jake dahil doon. As a matter of fact, we’re celebrating our eight month of being together sa Pasko, kasi April 25 nang mag-on kami officially.”

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: