Mayor Alfredo Lim says Gabby Concepcion’s case in Manila was dropped already

Mayor Alfredo Lim says Gabby Concepcion's case in Manila was dropped already

 

“Ang sa akin, kung nagsisisi na siya and start a new life, let’s give him a chance,” says Manila Mayor Alfredo Lim (inset) about comebacking actor Gabby Concepcion (main photo).

Inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagdi-dinner si Manila Mayor Alfredo Lim sa formal grand opening ng bagong Ozeano Fusion restaurant sa Manila Ocean Park sa likod ng Quirino Grandstand sa Luneta kagabi, March 30. That time, katatapos lang ng first live interview sa The Buzz ni Gabby Concepcion, na nagbalik sa Pilipinas pagkatapos ng 13 years kahapon lang din ng madaling-araw.

Si Mayor Lim din ang punong-bayan ng lungsod ng Maynila nang maganap ang Manila Film Festival (MMF) scam noong 1994, kung saan nadawit si Gabby. Ang dati niyang manager niya na si Lolit Solis ang nagmaniobra ng resulta ng awards night kaya nanalo si Gabby bilang best actor para sa pelikulang Loretta; si Edu Manzano ang totoong nanalo.

Matatandaan na isa sa mga banta sa pagbabalik ni Gabby sa Pilipinas ay ang nakaumang na kasong hindi pa rin niya nase-setlle sa Maynila. Kaya ang usap-usapan, kapag dumating sa airport ng Pilipinas si Gabby ay posible maposasan ang aktor-na hindi naman nangyari.

Kinuha ng PEP ang pahayag ni Mayor Lim tungkol sa kaso ni Gabby.

“Ang pagkakaalam ko niyan, this has to be verified, ha… Kasi ang tagal na niyan. Ang alam ko, hindi siya kasama sa nademanda at tapos na naman ang kaso, e,” sabi ni Mayor Lim.

Ayon pa sa mayor ng Manila, na-drop na raw yung case sa ibang personalities na nadawit sa MMF scam kaya na-drop na rin daw yung case ni Gabby.

“But not in my time ha,” paglilinaw ni Mayor Lim. “In my time, si Lolit Solis, nag-plead guilty at nabigyan siya ng sentensiya under the probation law. Aba’y nung time na ni [former Manila Mayor] Atienza, parang na-dismissed.”

Kaya sa pagkakaalam ni Mayor Lim, wala nang kinakaharap na kaso si Gabby ngayon.

“Ang alam ko wala, e. Dangan kasi nandun lang siya sa audience. Wala naman siyang participation sa stage. Ang nademanda ay yun lang nasa stage,” paliwanag ni Mayor Lim.

Matatandaan na nasangkot din sa kaso sina Ruffa Gutierrez at ang kapatid nitong si Rocky, ang Miss Universe contestant from Mauritius na si Viveca Babajee, ang co-artist ni Gabby sa bakuran noon ni Manay Lolit na si Nanette Medved, at si Gretchen Barretto.

Pero bago umalis si Gabby papuntang Amerika ay may pinasabog siya tungkol sa kanyang dating manager at tila nagsisi sa naging partisipasyon niya dahil sa pagpayag niya sa kagustuhan diumano ni Lolit.

“Kaya nga, because of the length of time, I’m not so sure. But I’m going to verify tomorrow. Kung gusto ninyo, mga one o’ clock we’ll check sa [Manila] City Hall. Para to be fair with them kasi baka may masabi ako na hindi tama. Kailangan accurate,” maingat na pahayag ni Mayor Lim.

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Mayor Lim sa pagbabalik ni Gabby sa Pilipinas.

“Ang sa akin, kung nagsisisi na siya and start a new life, let’s give him a chance,” aniya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: