Kampo ni Dyan, pumalag dahil sa mga batikos

BINASAG na ng kampo ng sportscaster na si Dyan Castillejo ang pananahimik ukol sa inani nitong batikos at puna sa diumano’y “abusadong” pagtutok at pag-i-interview sa Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao.

Narito ang mahabang depensa galing sa ABS-CBN Corporate PR: “Sunud-sunod at walang mintis ang mga binibitawang report ng senior sports correspondent ng ABS-CBN na si Dyan Castillejo.

“Kumbaga sa boksing, naka-knock-out na siya sa mga eksklusibong report  tungkol sa pambansang kamao na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

“Sa tulong ng magigiting na cameramen na sina Val Cuenca at Rene Casibang, sa ABS-CBN lumabas ang unang interview kay Pacquiao pagkatapos ng laban kay Oscar Dela Hoya at ang unang panayam at footage kay Jinkee Pacquiao pagkatapos manganak sa pang-apat na si Queen Elizabeth.

“In fairness kay Dyan, na pinangaralan ng Golden Dove Awards nu’ng 2007 na Best Field Reporter, matagal na siya sa industriya at may limang taon na ring kinu-cover si Pacquiao, kaya gamay na niya ang gawi nito.

“Malapit din ang grupo niya sa kampo ng boksingero.

“Atleta rin siya dati kaya alam niya kung kailan ito pupuwedeng kausapin at kung ano ang pupuwedeng tanungin. Kuwento nga ni Dyan, hindi birong i-cover si Pacman dahil sa mahigpit na iskedyul.

“Gayunpaman, wala siyang masabi sa kabaitan ng boksingero. Tulad nu’ng humingi siya ng interbyu para sa dokyumentaryo, hindi nag-dalawang-isip si Manny at sinabing puwede itong gawin sa party ni Gov. Chavit Singson.

“Doon ay 35 minuto, hindi tatlong oras gaya ng napabalita, na nagkuwento si Pacman ng buhay sa harap ng iba pang bisitang nawili sa pakikinig.

“Umabot ng double-digit ang rating ng dokyumentaryong Kamao ng The Correspondents, kung saan lumabas ang interbyung ’yon.”

Dagdag pa ng bossing ng ABS-CBN news gathering na si Charie Villa, “Sa galing, propesyonalismo at magandang pakikitungo ni Dyan, hindi nakapagtataka kung nakakaiskor siya ng magandang kuwento. Kahit ang mga banyaga nga tulad ni Erik Morales, nakukuha niya ang loob sa pag-e-Español pa lang niya.”

“Ilan lang sina NBA MVP Kobe Bryant, golf living legend Tiger Woods, dating boxing king Floyd Mayweather Jr., bowling legend Paeng Nepomuceno, billiards champ Efren “Bata” Reyes at UFC star Chuck Liddell sa mga bigating manlalarong kinober ni Dyan bukod kay Pacquiao.”

Journal Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: