The surprising transformation of comedienne Jinky Oda

The surprising transformation of comedienne Jinky Oda

“Sino ang makakapagsabi na makukuha pa pala akong endorser ng isang pampaganda? Wala, di ba? Kaya iba talaga ang naging epekto ng magandang relasyon sa Panginoon,” says comedienne Jinky Oda.

Masasabing isang milagro ang paputiin mo ang isang taong ipinanganak na maitim. Sa isang tulad ng comedienne na si Jinky Oda, hindi na raw siya umasa noon na mag-iiba pa ang kulay ng kanyang balat. Pero nabigyan ng bagong pag-asa si Jinky at siya ang kinuhang endorser ng GlutaMAX, ang bagong produkto from YSA Skin Care Corporation.

Noong i-launch si Jinky noong November 12, sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan, ang daming nagulat dahil ibang-iba na ang hitsura niya mula sa nakilala nating si Bale sa sitcom na Okay Ka, Fairy Ko. Ipinakita rin ang before and after photos ni Jinky at kitang-kita ang malaking pagkakaiba sa kulay ng komedyana.

Hindi rin makapaniwala si Jinky sa mga nangyari sa kanya. Never daw niyang naisip na may pagbabago pa na mangyayari sa kulay ng kanyang balat.

“Actually, nagulat ako kung bakit ako ang pinili nila,” pagtataka pa noong una ni Jinky. “Kakauwi ko lang from Australia noon at ang taba-taba ko. As usual, negra pa rin naman ako. Noong nilapitan ako para sa product na ito, hindi muna ako na-convince kasi hindi naman ako naniniwala na mag-iiba pa ang kulay ng balat ko. Pero sa naging paliwanag nila sa akin, sinubukan ko na rin.”

Tatlong buwan daw ginamitan si Jinky ng mga produktong GlutaMAX at paunti-unti niyang nakita ang resulta. Nag-lighten ang dating dark skin tone niya hanggang sa pumantay na ito. Pinag-diet din siya kaya nabawasan ang kanyang timbang.

Gusto ni Jinky na maging inspirasyon siya ng maraming dark-skinned girls na tulad niya noon. Na may pag-asa pa na maiba ang kulay ng kanilang balat sa paraan na mabisa, epektibo, at safe.

THE FATHER OF JINKY’S SON. Kasama ni Jinky na umuwi from Australia ang kanyang anak na si Rickland. Katorse anyos na pala ito at guwapong bata. Pero sabi ni Jinky, wala raw hilig sa showbiz ang kanyang anak kahit na may mga gustong kumuha rito. Mas type daw nitong mag-aral na lang.

Tinanong namin si Jinky kung nakilala na ba ni Rickland ang kanyang ama na si Ricky Recto, kapatid ni dating Senator Ralph Rector. Ayon sa comedienne, hindi raw siya nag-attempt na gawin ‘yon dahil alam niyang walang mangyayari.

“Bata pa lang naman ang anak ko, sinabi ko na kung sino ang daddy niya,” sabi ni Jinky. “Ayokong itago ‘yon sa kanya. Pero okey naman ang anak ko dahil hindi ‘yon nakasira sa pagkatao niya. Lumaki naman siyang maayos at kahit kaming dalawa lang, maganda ang naging buhay namin.”

Nagtatanong ba si Rickland tungkol sa kanyang ama?

“Dati, noong bata siya pero hanggang, ‘Where’s my daddy?’ lang. Ang sagot ko palagi ay ‘Nandiyan lang.’ Noong lumalaki na siya, hindi na niya ito tinatanong. Okey lang kasi choice naman niya kung gusto niyang makilala ang father niya or hindi.”

Dinarasal ba ni Jinky na sana isang araw ay kilalanin naman ng ama ni Rickland ang kanyang anak?

“Sino ba namang magulang ang ayaw ng gano’n, di ba? Noong baby pa lang naman ang anak ko, yun na ang dasal ko. Pero may time para diyan, e. May tamang oras for all of that. Ngayon, tanggapin man o hindi ang anak ko, he’s still my son at maganda ang pagpapalaki ko sa kanya,” pahayag ni Jinky.

Sinabi rin ni Jinky na single at wala siyang lalake ngayon sa kanyang buhay. Naging very active si Jinky sa kanyang spiritual life kaya tama na raw ang kanyang direktang relasyon sa Panginoon Diyos.

“Lahat ng mga katanungan ko sa buhay, Siya ang nagbigay ng sagot. Noong mga panahon na nasa mali akong pamumuhay, Siya pa rin ang nag-lead sa akin sa tama. Kaya malaki ang pagkukulang ko sa Kanya dahil lalapit lang ako kung kelan ako may problema. Ngayon, Siya na lang ang karelasyon ko. Mas maganda ang naging buhay ko.

“Tulad na lang ngayon, sino ang makakapagsabi na makukuha pa pala akong endorser ng isang pampaganda? Wala, di ba? Kaya iba talaga ang naging epekto ng magandang relasyon sa Panginoon,” pagtatapos ni Jinky.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

1 Comment »

  1. 1
    Jinky Oda and Ryckllan Says:

    Thank you so much for your good comments to us.
    We really appreciate your writeups. You’ve done a great job.
    God Bless you and Happy New Year.


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: