Gabby Concepcion is an exclusive Kapamilya star, but will honor commitment with GMA Films

Gabby Concepcion is an exclusive Kapamilya star, but will honor commitment with GMA Films

FLT Films producer Mrs. Rose Flaminiano (left) accompanied Gabby Concepcion (middle) upon his return to the Philippines after 13 years. Gabby was welcomed by his father, Mr. Rolly Concepcion (right).

Sa dinami-rami ng showbiz personalities na sumubok himukin si Gabby Concepcion na bumalik ng Pilipinas at umarte ulit, bukod-tanging ang FLT Films showbiz personalities na sumubok himukin si Gabby Concepcion na bumalik ng Pilipinas at umarte ulit, bukod-tanging ang FLT Films producer na si Mrs. Rose Flaminiano ang nakapagkumbinsi sa aktor pagkatapos ng 13 years. Kasabay na dumating ni Gabby si Mrs. Flaminiano kahapon ng madaling-araw, March 30.

Mas kilala si Mrs. Flaminiano sa showbiz bilang si Mommy Rose. Marami na rin siyang na-produce na malalaking pelikula sa industriya na pinagbidahan ng mga bigating artista gaya nina Rudy Fernandez at Robin Padilla. Ang huling pelikula na iprinodyus ni Mommy Rose ay ang life story ng boxing champ na si Manny Pacquiao na pinagbidahan ni Jericho Rosales.

GABBY’S NEW MANAGER. Pagkatapos ng interview ni Gabby sa The Buzz kahapon, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mommy Rose sa loob ng dressing room upang alamin ang mga detalye ng pagbabalik ng kontrobersiyal na aktor sa Pilipinas at muling umarte sa telebisyon at pelikula.

Paano nga ba na nakumbinsi si Gabby na bumalik na ng Pilipinas?

“Siyempre, meron akong convincing power, di ba?” birong seryoso ni Mommy Rose. “Sinabi ko sa kanya na guwapo pa siya, puwede pa siya sa pelikula. ‘Talaga bang guwapo pa ako, Mommy? Ako pa rin ba talaga ‘yung Gabby?’

“Sabi ko sa kanya, ‘Puwedeng-puwede ka pa, Gabby. Naniniwala ka ba sa akin?’ ‘Gusto ko nang maniwala, Mommy. Sasama na ako sa ‘yo,” sagot naman daw ni Gabby sa kanya.

Kailan nangyari ito?

Kuwento ni Mommy Rose, “Nung October 4 last year, nagkita kami sa Hawaii.’ Tapos nagkaroon ng fight nga, yung kay Manny Pacquiao at Antonio Barrera. Nag-fight, then nung kuwan na yun…nag-Pasko, nag-Bagong Taon, doon ko lang siya natawagan. January 25, sabi ko pupuntahan kita. Isasama na kita sa Pilipinas.

“E, ngayon, sabi niya sa akin, ‘Sige, Mommy, magliligpit lang ako. Sasama ako sa ‘yo. Basta puntahan mo ako ng March 28. Kaya’t narito kami. Diniretso ko siya sa ABS-CBN.”

Kailan siya officially naging manager ni Gabby?

“Nung pinadala niya ako nung January 26. Tapos na siyang pumirma sa GMA.”

Sa kauna-unahang live appearance ni Gabby sa The Buzz kahapon nakita ni Mommy Rose ang reception ng publiko tao sa aktor. Ano ang naramdaman niya bilang bagong manager ni Gabby?

“Syempre, natutuwa ako, maluha-luha rin ako,” sabi niya. “Hindi ako napahiya sa kanya na siya’y talagang marami pa ring fans. Kasi nararamdaman ko, e. Mga kaibigan ko na dadalhin ko si Gabby, tuwang-tuwa sila. Kaya ultimo si Gabby, naluluha kanina dahil yung pagtanggap talaga sa kanya nung guests ninyo, mga audience, talagang doon mo makikita na marami pa rin siyang…marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya.”

CONFLICT BETWEEN ABS-CBN & GMA-7. Nakipag-usap na rin ba si Mommy Rose sa ABS-CBN nung time na kinakausap na niya si Gabby sa Amerika?

“Oo, nag-usap na kami ni Malou [Santos, managing director ng Star Cinema] nung January ng taong ito,” pagkumpirma ng film producer. “E, nakita ko naman na kuwan siya, si Malou, interesado sila kay Gabby. In fact, kahit sa GMA nakipag-usap din ako dahil doon sa pelikula sa abroad. Yung gagawin nila sa abroad kasi nakapirma si Gabby doon nung last September with Jolina ng isang picture contract. Pero sa abroad gagawin.”

Sino ang nakipag-negotiate kay Gabby para sa GMA-7 movie niya?

“Isang kaibigan ata niya sa Amerika,” sagot ni Mommy Rose.

Hindi kaya magkaroon ng conflict ngayong may kontrata siya sa Star Cinema at the same time, meron din sa GMA Films?

“Ah, walang problema, iho-honor namin,” paniniguro niya. “Ako naman, sinabi ko iho-honor namin. Kaya lang, nagkataon yung script, hindi niya [Gabby] talaga gusto. ‘Tsaka kung maghihintay pa siya, naroon na raw yung cruise, kailangan na raw dumating si Gabby. Sabi ni Gabby, ‘Kung hindi ko naman gusto…’ Alam mo naman si Gabby, siyempre gusto naman niya yung maganda dahil comeback niya, e.

“Kaya sabi niya, ‘Mommy, sige kung ano ang gusto mong gawin ko porke ikaw ang manager ko, gagawin ko.’ E, nakipag-usap ako kay Malou, nagbigay si Malou ng sunud-sunod na pelikula.”

Nagtampo raw ang supposed to be kasama ni Gabby sa pelikula sa GMA Films na si Jolina Magdangal dahil sa pagba-backout nito na gawin ang project. Kasunod nito, lumabas ang balitan marami rin daw demands si Gabby. Ano ang reaksiyon dito ni Mommy Rose?

“Ah, hindi. Hindi ako naniniwala doon,” sabi niya. “Ganun lang siguro dahil nga, siyempre ang hinihingi ni Gabby, matinong script. Ang gusto niya kung comeback niya, comeback niya talaga. Yung pagbabalik niya, like si Robin Padilla noon at si Maricel [Soriano]. Robin at Maricel yun.

“Medyo nagtampo si Maricel sa akin noon dahil ang gusto niya, ‘Maricel Soriano and Robin Padilla’ [sa billing]. Komo comeback ni Robin kaya nagdesisyon ako na ‘Robin Padilla and Maricel Soriano’ na hanggang ngayon ay sana mapatawad naman ako ni Maricel Soriano doon. Dahil yun kasi ang parang naramdaman ko noon kay Robin, porke comeback niya, dapat mauna ang pangalan niya sa billing. Ganun din ang nararamdaman ko for Gabby. Pero walang demands si Gabby.”

Wala rin bang dapat ipagtampo ang kampo ni Jolina, lalo na ang ama nito na si Mr. Jun Magdangal, kay Gabby?

“Ang pagtatampo lang niyan, e, bakit hindi natuloy. Yun lang ‘yon,” sambit ng manager ni Gabby.

Hindi kaya magkagulo sa schedule ni Gabby kapag gumagawa na siya ng teleserye sa ABS-CBN at saka naman ipagagawa sa kanya ang commitment niya sa GMA Films?

“Hindi, kasi ang movie niya sa GMA gagawin sa abroad ‘yon, not in the Philippines. Siyempre yung sa akin, dito sa Pilipnas. Kaya kung gagawa siya ng pelikula sa GMA, abroad. Nakalagay yun sa kontrata, 100 percent.

Dagdag pa niya, “Basta iho-honor namin. Basta maganda ang script, gagawin niya ‘yon.”

Bukod sa GMA Films, may offer din ba na show for TV si Gabby mula sa Kapuso network?

“Oo, teleserye din at meron ding pelikula,” pag-amin ni Mommy Rose. “Kanya lang, medyo sabi sa akin ng GMA, kausapin naming maigi. Pagdating ko…kasi I was in Ilocos that time, pagdating ko tinawagan ko sila. Hindi na nga ako nakatawag dahil si Malou nagsara na kami.”

ABS-CBN IS GABBY’S PRIORITY. Dahil may network war, posible na mag-uunahan sa schedule ni Gabby para sa kanyang first movie appearance pagkatapos niyang umalis ng bansa noong 1995.

“Hindi, mauuna talaga ang ABS-CBN,” giit ni Mommy Rose. “Alam ng ABS-CBN may pinirmahan si Gabby [sa GMA Films]. Pero ako, bilang manager, uunahin ko ang ABS-CBN dahil kailangan na naming mag-shoot dahil naayos na namin ang script ng first movie ni Gabby sa Star [Cinema].”

Hindi naman kaya maipit niyan ulit si Gabby dahil sa dalawang commitment niya sa pelikula?

“Hindi naman siguro. Wala akong makitang magkakaproblema dahil makakuha naman lahat ‘yan sa magandang usapan,” sagot niya.

Sino ang makakasama ni Gabby sa kanyang first movie project sa Star Cinema?

“Si Claudine Baretto” diretsong sagot ni Mommy Rose. “Pero untitled pa, e. Si Maryo J. [de los Reyes] ang magdidirek.”

More or less, ano ang takbo ng istorya?

“Mahina ako sa istorya, pero love story,” sagot ng film producer at talent manager.

Sa April 20 daw ang simula ng shooting ni Gabby para sa pelikula niya with Claudine.

Ilan ang gagawin niya sa Star Cinema at ABS-CBN?

“Yung teleserye niya, meron siya for two years at saka yung kanyang pelikula, bale apat yun for two years.”

Ibig bang sabihin nito ay tuluy-tuloy na ang pananatili dito sa Pilipinas ni Gabby?

“Actually, hindi pa kami nag-uusap kung siya mag-i-stay dito. Pero tingin ko, mag-i-stay siya rito. Maaaring bisitahin niya ang pamilya niya sa Amerika, ‘tapos balik siya rito. Nag-e-enjoy naman siya.”

Magsisimula naman si Gabby mag-taping para sa show niya sa ABS-CBN byApril. Then, sunud-sunod na raw ‘yon.

“Yung April niya, supposedly yun ang pelikula. Kaya lang, baka mauna MMK [Maalaala Mo Kaya] kay Ate Charo. Magge-guest muna siya.”

Wala pa raw material na alam nila na gagawin ni Gabby para sa Maalaala Mo Kaya. But definitely, hindi ito life story ni Gabby.

“Ginagawa pa nila yung script. Kasi kararating lang namin. Nagtapos kami kailan lang? Alam mo, nung umalis ako papuntang U.S. nung March 23, doon pa lang kami nagpirmahan ni Ms. Malou,” lahad ni Mommy Rose.

Bakit sa ABS-CBN ang ginawa niyang priority?

“Kasi siyempre, hindi na ako bago dito sa ABS-CBN. Kami nga ni Robin, di ba? O, ilan ang nagawa ko rito? Apat [na co-produced movies] pati yung kay Manny Pacquiao. Hindi na ako stanger dito sa ABS-CBN,” saad niya.

Mas at home siyang kausap ang ABS-CBN kesa sa iba?

“Naman! Parang tumapak ako sa sarili kong bahay,” sabi ni Mommy Rose.

THE MEETING. From the airport, nagkaroon ng pag-uusap sa isang breakfast meeting sa Manila Pen sina Gabby, Mommy Rose, at si Malou.

“Ah, syempre, napag-usapan nilang dalawa na pinatotohanan ni Malou kung ano yung pinirmahan namin. Kasi nga si Gabby, ang sabi niya kay Malou, ‘Kung ano ang gusto ni Mommy Rose, ‘yan ang masusunod.’ Kaya sinabi namin kung ano yung napagpirmahan namin, okay na kay Gabby.”

Big-time producer din si Mommy Rose, bakit hindi na lang sa sarili niyang movie outfit gumawa si Gabby ng kanyang pelikula?

“Well, meron din sa FLT, kaya lang inuuna ko rin ang ABS-CBN. Alam mo naman ang promo ninyo at ang paggawa ng pelikula, terrible!” banggit niya.

Napag-usapan din ba nila ni Malou kung may project na gagawin si Gabby kasama ang kanyang anak na si KC Concepcion o ang dati nitong asawa na si Sharon Cuneta?

“Yeah, with KC,” sagot ni Mommy Rose.

Pero sinabi ni KC na uunahin muna niyang gawin ang movie with her mom bago sila ng ama niya.

“Wala akong alam doon. Basta si Gabby, Kapamilya. Gagawa siya ng pelikula. Exclusive siya dito sa ABS-CBN, yun,” giit ni Mommy Rose.

FIVE-YEAR CONTRACT. Nabanggit din ni Mommy Rose sa PEP na limang taon ang kontrata sa kanya ni Gabby bilang manager. Dalawang taon na nakatali si Gabby sa ABS-CBN at Star Cinema. After two years, may plano na ba siya for Gabby?

“Aayusin ko pa rin yung mga aktibidades niya. Maraming offer, napakaraming offer.”

Tapos na raw ang pirmahan nila ni Malou, pero magkakaroon pa raw ulit ng final signing of contract with the new ABS-CBN President Charo Santos Concio.

Hindi naman kaya magkaroon sila ng conflict ng dating manager ni Gabby na si Lolit Solis?

“Hindi, tingin ko. Bakit naman? Kasi natatandaan ko, magkakasama kami nina LT [Lorna Tolentino], at Daboy… Sabi ni LT, ‘Naku, Mommy, mahihirapan kang kumbinsihin ‘yan [Gabby].’ Kasi sabi niya, ‘Ang tagal na naming gustong interbyuhin ‘yan, ayaw. E, what more ‘yung babalik?’

“Sabi ko naman kay LT, ‘Alam mo LT, may bertud ako riyan. Kaya ko ‘yan.’ Sabi naman ni Daboy, ‘Naku, Mommy, ‘pag napapayag mo ‘yan, bilib na bilib na ako sa ‘yo.’ Kaya bilib na bilib si Daboy sa akin.

“Tinawagan ko ngayon si Daboy, magkasama kami ni Gabby. ‘Daboy, kasama ko si Gabby, pabalik na kami ng Maynila. Narito na kami sa airport.’ ‘Talaga, Mommy? Nawala ata ang sakit ko, ah. Totoo ba ‘yan?’ Kahapon ‘yan, nung March 28, 28 doon [sa Amerika], 29 dito [sa Pilipinas]. Sabi niya, ‘Naku, Mommy, talaga namang grabe ka! Ang daming kumukumbinsi diyan, ikaw lang ang nakapagpapayag.’

“Siguro medyo naawa rin sa akin [si Gabby]. Nakakawa ang hitsura ko, e,” biro ni Mommy Rose.

Wala kayang usapang pera kaya niya nakumbinsi si Gabby?

“Wala, walang usapang pera,” sagot niya.

Magkano ang worth ng kontrata niya sa ABS-CBN at Star Cinema for two years?

“Malaki,” bitin na sgaot ni Mommy.

P50 million ba?

“More than.”

P100 million?

“Less than.”

Magkano naman ang kumisyon niya bilang manager ni Gabby?

“Ako? Ewan ko.”

Tulad din ba ng ibang manager na 20 percent din ang kukunin niyang commission kay Gabby sa bawat proyekto na gagawin niya?

“Oo, I get 20 percent, yun naman ang standard. Sabi pa nga niya, 30 percent. Pero sabi ko, ‘Huwag naman, Gabby. Gabby ka na, e. Hindi ka naman bagong artista,’” pagtatapos ni Mommy Rose.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: