Paolo Contis changes his Facebook status from “in a relationship” to “single”

Paolo Contis changes his Facebook status from "in a relationship" to "single"

In a recent interview with Paolo Contis, he refused to give a definite answer when asked about his relationship with Isabel Oli. He just said to check his Facebook account to find out about it. True enough, from “in a relationship with Olivia Daytia (Isabel’s rela name),” he has changed it to “single.”

Noong November 28, ay lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang artikulo tungkol sa biglaang pagiging private ni Paolo Contis pagdating sa pangungumusta sa relasyon nila ni Isabel Oli.

Nakausap ng PEP si Paolo sa baby shower ni Angelika dela Cruz sa Punchline noong November 27. Solong dumating si Paolo.

Base sa mga sagot ni Paolo ay mapapansin na there’s something wrong between him and Isabel, na magti-three years na sana ang itinatakbo ng relationship.

Walang isinagot na diretso si Paolo sa mga tanong basta tungkol kay Isabel, kahit yung tanong kung aabutin pa sila together ng three years. Mabilis ang pick-up niya sa mga paligoy-ligoy na tanong at walang makalusot sa mga tanong namin dahil hinuhuli lang daw namin siya.

Sa hiwalay na panayam ng Startalk kay Paolo, nasabi niya na tingnan na lang daw ang Facebook account niya para malaman ang estado ng relasyon nila ni Isabel.

Para nga makasigurado, bago inilabas ng PEP ang article ni Paolo kahapon, we checked his Facebook profile. Malinaw na “in a relationship with Olivia Daytia” pa rin ang nakalagay. Olivia Daytia ang real name ni Isabel.

Pero ngayong araw, November 29, binista namin ulit ang Facebook account ni Paolo. Binago na niya ang kanyang status. From “in a relationship,” Paolo now listed himself as “single.”

Kung totoo ang inilagay ni Paolo sa kanyang Facebook profile, lalo na sa panahon ngayon kung sann maingay ang isyung break na sila ni Isabel, isang malinaw na mensahe ang ginawa niya through his Facebook account.

Bagamat nagsimula sa blind item ang isyung hiwalay na sina Paolo at Isabel, kailan lang din nang ma-interview ng entertainment press si Paolo. Masaya pa itong nagkukuwento tungkol sa pagdating ng pamilya ni Isabel sa bansa at mga plano nilang pagpasyal dito ngayong Christmas season.

Samantala, ilan sa mga kaibigan nina Paolo at Isabel ang nakausap ng PEP. Ayon sa kanila, nangyari na rin daw sa dalawa ang maghiwalay for a few months, pero nagkabalikan pa rin daw. Baka naman daw tulad lang din noon ang nangyayari ngayon kina Paolo at Isabel, at kalaunan ay magkakaayos at magkakasundo rin ang dalawa.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: