Circumcision sa loob ng bahay ni kuya?

MAS nakaka-aliw panoorin ngayon ang PBB Teen Edition Plus dahil hindi conscious ang mga teenager na pumasok sa PBB house lalo na sina Kevin na half-Spanish, half-Filipino at si Alex na half-Italian, half-Filipino.

Kapansin-pansin din ang pagiging aggressive ng dalawa sa girls.

Sa unang gabi pa lang nila sa PBB house, dikit agad nang dikit sina Kevin at Alex sa girls lalo na nu’ng nagsu-swimming sila.

Maybe it’s because of their foreign blood kaya ganu’n sila. They are just very true to their feelings at hindi ‘yung maraming pa-eklat.

What is also nice about them, especially kay Alex, ay ‘yung pagiging honest nito. Alam n’yo ba na inamin ng binata na supot pa siya. Binigyan siya ng task ni Big Brother na mag-aral ng Filipino at isa sa natutunan niya ay ang salitang supot.

He even used it in a sentence by saying, “Supot ako!”

Nakakaloka, ‘di ba? He’s so admirable. And take note, wala siyang reaksyon na parang napa-pahiya or something. Pero idinagdag din niya na gusto niyang magpatuli dito sa Pilipinas.

Well, sa Italy naman kasi ay hindi big deal kung tule or supot ang isang lalaki kaya siguro ganu’n ang kanyang attitude.

Ano kaya ang magi-ging reaksyon ng girls kapag nalaman ang sikreto ni Alex? Ma-turn-off kaya sila o maging added points para sa kanila ang pagiging honest ni Alex.

Naku, kung kasing pogi ni Alex ang BF mo, care mo pa ba kung tule siya o hindi? Basta, ang cute-cute niya, huh!

LEO BUKAS
Journal Online

***

Bilib naman kami sa Italian housemate na si Alex ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus sa pag-amin nito on a national television na siya ay supot pa at 16 or 17.

Yezzz, supot, as in, dehins pa tuli. Hindi raw kasi uso sa Milan, Italy, ang pagpapatuli.

Umandar tuloy ng wild imagination ng mga bading. Anila, for sure ay matulis ang tuka ng bird nitong si housemate Alex dahil hindi pa nga nahihiwa.

May isa kaming doktor-friend na bading at wish niya ay siya na ang tumuli rito kay Alex.

Ganu’n? Marunong din humiwa ng tuka ang yours truly, ’noh! Joke!

Tekaaa, bakasyon ngayon at dito sa ’Pinas, kapag bakasyon sa school ang ating mga kabataan, lalo na when they reach the age of 10 up, need na nilang mag-patuli.

Pagkatapos ng “tulian” blues, wear na sila ng malong without underwear para walang aray, tsuk!

Maisipan kaya ni Pinoy Big Brother na ipatuli sa loob ng bahay niya si housemate Alex of Milan, Italy, na, in fairness, ay hawig kay Paolo Ballesteros ng Eat Bulaga?

If ever, ipakita kaya ’yon sa TV with matching song na may lyrics na… “ibon man may layang lumipad”? Well, subaybayan na lang natin gabi-gabi ang PBBTE Plus dahil interesting ang mga housemate na karamihan, lalo na sa kalalakihan, ay star material talaga, in fairness.

Aba, if ever uli, pampataas din ng rating ang tuli session na ’yon, devah naman, mga baklita naming mahal?

Talaga raw nag-concentrate kami sa pagiging supot ni Alex, o! Hahaha!

MERCY LEJARDE
Journal Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: