Ruffa, imbyerna kina Marian at Rufa Mae?

NAGKAROON daw ng tensyon nu’ng nakaraang pictorial nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, Ma­rian Rivera, at Ogie Alcasid para sa filmfest entry ng Regal Films na Desperadas 2, huh!

Eh, sosyal-sosyalan ang konsepto ng pictorial, kaya bring ng pabulosang damit at high-heeled shoes ang lahat, lalo na si Ruffa na fashionista talaga.

Pero biglang na-frustrate daw si Ruffa nang pagsabihan siyang magtsinelas na lang dahil hindi kukunan ang mga paa nila!

Bukod doon, super-tangkad na raw kasi siya at matatabunan niya ang lahat!

Siyempre, nag-react si Ruffa, huh! Paano raw siya makakapag-emote kung nakatsinelas lang siya, samantalang nakasapatos ang lahat!

Bakit kailangang siya ang mag-suffer? Oo nga naman, my gosh!

Bakit hindi na lang daw gumamit ng apple box ang maliliit na tulad nina Marian at Rufa mae para tumangkad at makapantay siya?

Eh, nakarating ang pangyayari kay Tita Annabelle Rama. Nag-react ito, pero slight lang dahil nagpapa­galing pa nga, ‘di ba?

Hindi namin alam kung nasolusyunan ang problemang ‘yon sa pictorial. Ask namin kay Ruffa ‘yon sa presscon tonight ng Desperadas 2 para malaman kung imbiyerna siya kina Marian at Rufa Mae, o feeling niya ay inapi siya at inagrabyado sa pictorial, huh!

JUN NARDO
Abante Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: