Pops, binastos sa Cebu?

MAY report na nakarating sa amin from Cebu sa pamamagitan ng isang text message na diumano’y binastos si Pops Fernandez sa concert na ginanap sa Waterfront Hotel nu’ng Lunes ng gabi.

Si Pops ay kasama nina Kuh Ledesma at Zsa Zsa Padilla sa Divas 4 Divas concert on that particular day.

Hindi naman pumuwede si Regine Velasquez dahil may previous commitment ito.

Ayon sa kuwento, pinalakpakan daw ng mga Cebuano ang performance nina Kuh at Zsa Zsa.

Pero nu’ng turn na ni Pops, biglang quiet ang audience.

“Nu’ng tawagin ang pangalan niya, walang pumalakpak. Mangiyak-ngiyak siya (Pops). Pero kahit ganu’n ang nangyari, itinuloy pa rin niya ang performance,” kuwento ng aming source.

Ayon pa rito, problema sa isang mayor ng Cebu na umabot pa umano sa demandahan ang ugat ng pagiging cold ng mga Cebuano sa singer.

“Ang alam ko, kinuha nila si Pops for a show or personal appearance. Hindi yata pumuwede kaya nagalit daw ’yung mayor. Ang pinalabas ng kampo ni Pops, hindi nagkaitindihan sa talent fee kaya hindi siya natuloy sa Cebu.

“Rich ’yung mayor. Kaya niyang magbayad kahit magkano. Kaya imposibleng nagkaproblema sila sa talent fee,” dagdag pa ng source.

May concert si Pops kasama si Martin Nievera sa Araneta Coliseum sa February 6, ang Missing You, produced by Jomari Yllana.

Siguro nama’y hindi makakaapekto rito ang Cebu incident dahil iba ang crowd sa Maynila, iba rin sa Cebu.

LEO M. BUKAS
Journal Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: