Hindi na pala ang GMA 7 ang media partner ng Missing You concert nina Martin Nievera at Pops Fernandez dahil hindi raw pumayag ang ABS-CBN.
Ang narinig namin, medyo na-offend ang mga taga-Dos sa magagandang pahayag ni Jomari para sa GMA 7.
Since talent ng Kapamilya network sina Martin at Jomari, hindi na nila ito pinayagang makipag-media partner sa Kapuso network.
Naudlot tuloy ang magandang promo na inihanda ng GMA 7 para sa naturang concert.
ABU TILAMZIK
Abante Tonite