Marian Rivera reveals breakup with Ervic Vijandre, denies rumored romance with Dingdong Dantes

Marian Rivera reveals breakup with Ervic Vijandre, denies rumored romance with Dingdong Dantes

“Hindi ako mang-aagaw ng boyfriend para lang magkaroon ako ng boyfriend. Hindi ako mang-aagaw ng boyfriend, dahil never pa po rin akong naagawan ng boyfriend,” says Marian Rivera.

Magkahiwalay na kinausap ng PEP 9Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa location shooting ng pelikulang One True Love sa Las Posadas sa Lakefront, Sucat, Parañaque, kaninang hapon, October 28. Wala ang ka-love triangle nina Marian at Dingdong na si Iza Calzado dahil wala raw schedule ng shooting ang aktres ng araw na ‘yon, pawang mga eksena lang nina Dingdong at Marian ang kukunan ni Direk Mac Alejandre.

Maraming nilinaw ang PEP at entertainment press kay Marian, isa na rito ang tungkol sa nasulat na matapos daw siyang kausapin ng kasintahan ni Dingdong na si Karylle, nakita raw siyang umiiyak pagkatapos ng SOP a few Sundays ago. May kinalaman ba ito sa issue na wala na sina Dingdong at Karylle, at sina Marian at Dingdong na ngayon?

“Ano po ba ‘yan? Pagkatapos na sabihin nilang umiyak ako nang i-push daw ako ni Ara Mina, ngayon naman si Karylle? Masyado naman po nilang pinalaki ang issue samantalang in-interview lang ako ni Karylle.

“After po ng SOP, nilapitan ako ni Karylle, kung puwede raw niya akong ma-interview kasi may susulatin siyang article at pumayag naman ako. Umakyat pa nga kami sa itaas kasi masyado pong maingay kung doon kami sa dressing room mag-uusap. Kasama ko pa si Momsy [her manager Popoy Caritativo] noon.

“Tinanong ko siya [Karylle] kung ano ang gagawin niyang article, at tungkol po pala ‘yon sa pagdu-donate ng dugo. Kung papayag daw akong mag-donate ng dugo, ganoon. Pagkatapos po ng interview ni Karylle sa akin, nagpaalaman na kami at ako, umuwi na sa condo ko, kasama si Momsy. Kaya bakit po naman ako iiyak pagkatapos ng interview? Nakakatawa naman!” natatawang sabi ni Marian.

So, ano ba talaga ang relasyon nila ngayon ni Dingdong?

“Wala po kami, hindi kami,” seryosong sagot ni Marian. “Saka kung kami po ni Dingdong, bakit ko naman itatago ‘yon?”

Bakit inilihim niya ang relasyon nila ng rumored boyfriend niyang si Ervic Vijandre?

“Sa akin po kasi, personal nang bagay sa akin ‘yon na sana respeto na lang sa aking sarili, kaya ayokong pag-usapan. Isa pa, hindi naman po siya showbiz. Sige po, sasabihin ko na, three months na kaming wala ni Ervic,” pagsisiwalat ni Marian.

Pero bakit hindi napansin na malungkot siya kung matagal na pala silang break ni Ervic?

“Kung may problema man ako, bakit naman ako magmumukmok?” balik-tanong ni Marian. “Ang dami-rami pong blessings na dumarating sa akin, maraming nagmamahal sa akin, ano pa po ang hihilingin ko? Kaya ini-enjoy ko na lang ang buhay ko.”

So, bakit nadadawit siya sa issue kina Dingdong at Karylle?

“Kung may issue po sa kanila, labas na ako doon. Wala po ako sa posisyon na magsalita. Hayaan na lang nating sila ang magsalita,” sabi ni Marian.

May issue na inagaw raw niya si Dingdong kay Karylle. Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi po ako gagawa ng isang bagay na may masasaktan,” sagot niya. “Hindi ako mang-aagaw ng boyfriend para lang magkaroon ako ng boyfriend. Hindi ako mang-aagaw ng boyfriend, dahil never pa po rin akong naagawan ng boyfriend.”

Ano ang feeling niya kung tinatawag siyang “ahas” o “mang-aagaw”?

“Wala po, kasi hindi totoo ‘yon,” nakangiting sagot ni Marian.

Bago umalis ang PEP at entertainment press, pinaghahanda na ni Direk Mac sina Dingdong at Marian para sa isang love scene na gagawin nila dahil gumaganap sila ritong mag-asawa. One True Love, a co-production of GMA Films and Regal Entertainment, will be shown on November 19 in more than 100 theaters nationwide.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: