Ai-Ai delas Alas reveals she has been celibate since July

Ai-Ai delas Alas reveals she has been celibate since July

“Bago ako pumunta ng Vatican, nag-celibate na ako. Mga July yun, itinuloy ko na. Serious yun… Sana nga lang kayanin ko hanggang next year!” says comedienne Ai-Ai delas Alas.

Nagbabadya na maging box-office hit na naman ang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema. Sa trailer pa lamang na ipinakita during the press conference for this Metro Manila Film Festival (MMFF) entry sa 14th Floor ng ELJ Building noong November 28, tawanan na ang entertainment press at marami na ang naaliw at nagandahan dito.

Matatandaan na Ang Tanging Ina (2003) ang isa sa highest-grossing films of all time sa Pilipinas, kaya hindi na kataka-taka kung maging kasing lakas din sa takilya ang sequel nito.

Para naman kay Ai-Ai—who came to the presscon with her signature color, purple, from head to toe—more than anything else, ang kumita at magustuhan muli ng mga tao ang first and foremost wish niya sa sequel ng movie, bago ang manalo pang muli ng Best Actress award.

“Okey lang, bonus na yung manalo ako,” sabi ni Ai-Ai. “Pero mas gusto ko na talagang panoorin ito ng buong mamamayan, buong barkada, buong pamilya. Kasi nakapaganda nitong pelikula, at mas maganda ito sa Tanging Ina 1. Pero maganda rin yun, di ba? Pero ito kasing Tanging Ina Ninyong Lahat, ito na talaga ang ultimate!”

Ilang ulit sinasabi ni Ai-Ai at ng direktor ng pelikula na si Wenn Deramas na hindi political movie ang ginawa nila. Kahit, this time, hindi na lamang siya isang nanay ng isang dosenang anak kundi presidente na siya ng buong bansa.

Ani Ai-Ai, “Ibang version ito. Version namin ito ng isang lider ng bansa na ordinaryong mamayang naging lider. Wala itong tungkol kay GMA [President Gloria Macapagal Arroyo] or sa iba, hindi kami sumasali sa mga ganoon.”

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai kung puwede ba niyang i-recommend sa mga may planong tumakbo bilang presidente ng Pilipinas sa 2010 ang pelikula nila.

“Why not?” natatawang sagot naman niya.

Maraming ibang entries na comedy sa MMFF this year, isa na nga rito ang Iskul Bukol: 20 Years After na reunion movie naman nina Tito, Vic & Joey. May kaba ba sa dibdib si Ai-Ai, lao pa’t ang sequel ay palaging nakukumpara sa original?

“Hindi naman…depende. May sequel naman na kagaya ng Spider-Man, maganda yung second kesa sa first. Nagkataon lang na… Oo, kinakabahan ako in the sense na palagi naman akong kinakabahan kapag may pelikula ako. Pero para maging box-office [hit], naniniwala naman ako na ang sequel, palaging mas mataas ang gross kesa sa original,” pahayag ni Ai-Ai.

Dagdag niya, “Siyempre, kinakabahan pa rin ako. Sabi ko nga, yun ang palagi kong iniiwasan…si Bossing [Vic Sotto]. E, idol ko yun. At saka, boss ko yun! Idol ko yun! Amo ko yun sa M-Zet kaya palagi kong gusto sana… E, ewan ko ba, ganoon talaga. At least, nakapasa na ako kay Tito Dolphy at saka kay Bossing [referring to Dobol Trobol], okey na ko run.”

Kung siya ang masusunod, mas gusto ba ni Ai-Ai na ipalabas ang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat sa MMFF o yung ordinary days lang tulad sa Part 1?

“Okey lang, kasi ito naman, pang-family siya. E, di ba, yung MMFF naman, pang-pamilya talaga. Lahat ng pamilya, nanonood talaga. Hindi lang pang-pamilya, pang-barkada pa.”

For the record, ang Ang Tanging Ina ang highest-grossing comedy film ng Star Cinema.

AI-AI’S SEX LIFE. Nag-iisa lang nga ang Ai-Ai delas Alas dahil siya lang yata ang kayang magkuwento about her sex life, na sa halip na ma-offend ang karamihan ay nagiging katawanan na lang ito.

When asked kung bakit siya blooming ngayon at kung sino ang karelasyon niya, doon lumabas ang pagiging “celibate” niya simula pa raw noong July.

“Wala akong dyowa ngayon. Si Lord! Ang sabi ko nga kay Direk [Wenn], ‘Direk ha, hindi ako nakikipag-sex. Celibate ako ngayon. Alang-alang sa pelikula natin, nagmamalinis ako, Direk!’ Totoo yun,” nakakatawang kuwento ni Ai-Ai.

Kailan pa nagsimula yung pagiging celibate niya?

“Bago ako pumunta ng Vatican, nag-celibate na ako. Mga July yun, itinuloy ko na. Serious yun… Sana nga lang kayanin ko hanggang next year!” tawa niya.

Ayaw sabihin ni Ai-Ai kung sino ang huling nakasama niya bago siya magkaroon ng vow of celibacy. Pero pumayag itong tumango sa blind item kung tama ang sasabihin sa kanya.

Mabilis na tumango si Ai-Ai nang may magtanong kung action star daw ba ang kasama niya. Pero hanggang doon na lang at hanggang matapos ang presscon ay hindi nito ni-reveal kung sino ang action star na tinutukoy na huling naka-sex niya.

Seriously, bakit nga ba niya naisipang magkaroon “muna” ng vow of celibacy ngayon?

“Wala lang, naisip ko lang,” sagot ng premiere comedienne. “Kasi, never kasing naging successful ang love life ko, e. So, sabi ko, kumbaga, may blood compact kami. Baka sakali kung ganito ako, matagpuan ko ang lalaking magmamahal sa akin ng tapat.”

In fairness, umaasa pa siya pagkatapos ng past relationships niya?

“Oo naman!” tawa niya. “Habang may buhay, may pag-asa. At saka, gusto ko rin namang mag-asawa. Pero never talagang natutuloy, e. Sa tingin ko, baka naman bigyan ko pa ng konting time. Baka meron akong kailangang i-sacrfice.”

Bakit naman ang aspetong yun ang naisip niyang i-sacrifice?

“Wala, kasi gusto ko dati na ikasal ako ng virgin ako. Siyempre, hindi ko naman natupad! Sabi ko, dati hindi ako papatol sa may asawa. Tapos, naging kabit ako! Ano ba ‘yan?” tawa niya ulit.

Hirit niya, “Parang gusto ko namang magmalinis kahit konti.”

Mukha ba namang nagwo-work ngayon ang pagpa-practice niya ng celibacy?

“Hindi pa rin, pero siyempre, try and try,” sagot niya.

Gaano ba kahirap sa kanya ang magpaka-celibate?

“Sabi ko nga, hindi ako nahihirapan sa ngayon. Kasi parang sa dinadaanan ko ngayon yun… Bukod sa busy ako, parang dumadaan ako sa phase ng life ko na tinatamad ako. Kaya hindi ako nanonood ng sexy films! Baka mamaya, hindi ko matupad!” halakhak niya.

Paano kapag nakakakita siya ng sexy pictures?

“Hindi…hindi ako naano… Huwag lang yung pelikula siguro, hindi ko kaya!”

Ayon kay Ai-Ai, Pinoy pa rin daw ang type niyang maging karelasyon.

E, sino nga ba ang dyowa niyang action star na huli niyang nakarelasyon?

“Hindi naman dyowa! Chevers lang!” tawa niya.

So, parang “tinikman” niya lang?

“Oo! Tinikman niya lang din ako! Ano ba tayo? Kung ano-ano ang tinatanong n’yo sa akin. Ha-ha-ha!”

Hanggang kailan niya kaya kakayanin ang vow of celibacy?

“Hindi ko alam, tao lang ako. Kaya nga kapag hindi ko na kaya, magdarasal na lang ako, ‘Lord, pasensiya na, hindi ko na kaya.’”

Ano ang rason para mawala ang vow niya?

“Kapag dumating ang lalaking mahal na mahal ko at pagkatapos, sabi niya, ‘Can I taste you?’ So, why not?” tawa niya ulit.

Hindi ba naging masarap yung last niya, na ayon sa kanya ay action star, kaya parang hindi na niya ito feel sundan?

“Ay, hindi, masarap siya!”

So, dahil sa sarap, ayaw niyang mawala ang memory ng last?

“Oo! At saka kasi mahal ko yun, e!”

May nangyari ba sa kanila ni Robin Padilla?

“Ay, secret!” tili niya. “Ayokong magsalita! Huwag n’yo nang isama si Robin, hindi naman siya kasali sa movie.”

May linya siyang kasabihan na “once a pokpok will always be a pokpok.” So, is she a “pokpok”?

“Sometimes!” tawa niya.

“Once a malandi, always a malandi.” Is she a malandi?

“Oh, yes! Naku, nagbagong buhay na ako! Lord, tulungan mo ako!” natatawang tili niya.”

Paano kung yayain siya ulit ng action star?

“Yayain ako? Oh no! Teka, magdarasal muna ako! This is it Lord!” natatawang hirit niya.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: