John Lloyd Cruz finally fulfills his dream to star in a movie with Vilma Santos

John Lloyd Cruz finally fulfills his dream to star in a movie with Vilma Santos

“Pangarap ko na makatrabaho si Ate Vi. Hindi ko napanod lahat ng movies niya, pinaka-last na napanood kong buo ay yung Dekada ‘70. Wala, napanganga lang ako. I was really honored. To be sitting next to her is more than a dream come true, kasi ito na yun, totoo nang nangyayari,” says John Lloyd Cruz about wotking with Star For All Seasons Vilma Santos.

Tuloy na tuloy na ang pagsasama sa pelikula ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz at ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa isang pelikula. Ito ay sa pamamagitan ng A Mother’s Story (working title) ng Star Cinema na ididirek ni Olivia Lamasan.

Inamin ni Vilma na ang schedule niya at posisyon bilang governor ng Batangas ang rason kung bakit hindi nasimulan agad ang pelikula nila ni John Lloyd. Sa parte naman ni John Lloyd, sinabi niyang willing siyang maghintay basta makasama niya lang sa isang proyekto ang Star For All Seasons.

Ano ang pakiramdam ni John Lloyd na matutuloy na ang pelikula nila ni Vilma?

“Gaya nga ng sinasabi ko for the past months, sked wise is very difficult. With the sked of Governor Vilma Santos, medy may gap in between. Pero okey na ngayon. Siyempre, nandun yung constant na kaba, nerbiyos, and of course, may halong excitement. Palapit na ng palapit sa actual na paggawa. Above all, I’m very hapy na kasama ako dito, na yung pangalan ko, na-associate sa project na ito.

“Pangarap ko na makatrabaho si Ate Vi. Hindi ko napanod lahat ng movies niya, pinaka-last na napanood kong buo ay yung Dekada ‘70. Wala, napanganga lang ako. I was really honored. To be sitting next to her is more than a dream come true, kasi ito na yun, totoo nang nangyayari. Napalitan na yung kaba ng ayokong magkamali at kung nagkamali man ako, sana maintindihan, sana yakapin ka pa rin at tulungan ka to become a better artist,” saad ni John Lloyd sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa pelikulang ito ay gagampanan ni John Lloyd ang lover ni Luis Manzano, na anak ni Vilma sa pelikula at maging sa totoong buhay. Sa mga ganitong tema ng pelikula, marami ang nag-e-expect na magkakaroon ng intimate scenes between John Lloyd and Luis.

Hindi ba nagdalawang-isip si John Lloyd na tanggapin ang kanyang role, kung saan malaki ang posiblidad na may kissing scene nga sila ni Luis?

“Ako, I’ve been vocal about that, walang problema sa ganun,” sabi ni John Lloyd. “Basta ang lagi ko lang sinasabi dati pa, kung magkakaroon man ako ng ganung eksena, yung kaeksena ko lang, he has to be a real man, and wala namang problemang ganun kay Luis.

“Saka pag artista ka… Yung orientation ko, pag artista ka at sumagot ka sa isang pelikula, aasahan mo na aalagaan ka. Pero kung halimbawa in the process mayroon kang kailangang gawin at napag-usapan ninyo yun, at wala namang problema sa iyo, kailangan mong gawin yun dahil trabaho mo yun bilang artista,” paliwanag ng aktor.

Humingi ba ng permiso si John Lloyd sa girlfriend niyang si Liz Uy tungkol sa pelikulang gagawin niya?

“Ako, hindi,” sagot ng aktor. “Trabaho ko ito at wala pa naman kami sa punto na dapat magpaalam at humingi ng permiso kung may tatanggapin akong work. Kung trabaho mo ‘yan, trabaho mo ‘yan. Kung trabaho ko ito, trabaho ko ito. Pero alam niya na gagawin ko ang movie na ito. Kung iko-consult ko siya, oo. Pero yung in a sense na kailangan kong hingin ang permiso niya, hindi.”

Anu-ano naman ang preparations na ginagawa niya para sa kanyang role?

“I believe ito na yung pinaka-complex na character na na-encounter ko. Gaya nga ng tinatanong niya kung anong preparations ang ginagawa ko, sisimulan ko dun sa pag-aaral na yun. Napakaimportante nun sa pagbuo ng puso ng karakter, at pag nangyari yun, susunod na ang lahat. Yun ang pinaniniwalaan ko,” pagtatapos ni John Lloyd.

MELBA LLANERA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: