Aktres sa likod ng FAMAS trophy

Ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ang pinakamatandang award-giving body sa Asya. Pero alam nyo ba kung sinong aktres ang naging modelo ng FAMAS sa ipinagkakaloob nitong tropeo kung saan ang imahe ng babae ay nakataas ang kamay at may hawak na rolyo ng negatibo sa paggawa ng pelikula?

Ang FAMAS ay itinatatag noong 1953 at nagsilbing counterpart ng award-giving body sa Amerika na Academy of Motion Picture Arts and Sciences o AMPAS. At kung may tropeo na “Oscar” ang AMPAS ng US, mayroon din syempre ang FAMAS – babae naman.

Ang aktres na si Rosa Rosal ang naging modelo ng naturang tropeo ng FAMAS kung saan hawak ng babae ang rolyo ng negatibo sa paggawa ng pelikula. Ang debuho ay idinesenyo ni Manuel Barreiro.

Ang manunulat na si Atty. Flavio G. Macaso ang naging unang presidente ng FAMAS. Habang si Art Padua naman ang kasalukuyang presidente at itinuturing longest-reigning president ng samahan.
Ngunit naging kontrobersyal ang liderato ni Padua dahil kinuwestyon ito sa korte ni Col. Jimmy Tiu hanggang sa kasalukuyan.

GMANews.TV

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: