Mel Pulmano sues Becky Aguila, Manny Pacquiao has a new baby coming and more showbiz news from “Startalk”

Mel Pulmano sues Becky Aguila, Manny Pacquiao has a new baby coming and more showbiz news from "Startalk"

Mel Pulmano (main photo), talent manager Becky Aguila’s former employee formally files charges against her for non-payment of separation. Reacting to this, Becky said, “Definitely, ako pa nga ang dapat may kunin sa kanya, siya pa nga ang dapat magbayad sa akin.” Inset: Becky and talent Jennylyn Mercado.

Punung-puno ng mga balita at intriga ang Startalk noong November 22, dahil sa napakarami nilang featured stories. Ang mga sumusunod ang ilan nga sa mga ito:

MANNY PACQUIAO UPDATE. May update ang Startalk kay Manny na nalalapit na ang laban kay Oscar dela Hoya sa Las Vegas, Nevada. May plano raw kasing i-cover si Manny sa Reader’s Digest Magazine at maging sa mismong magazine ni dela Hoya na The Ring.

Ibinalita rin daw ni Pacman na kung maipapanalo niya ang laban kay dela Hoya sa December 6, maituturing nito na ito na ang pinakamalaking laban niya. Ayon din kay Pacman, nasa ika-pitong buwan na ng pagbubuntis ang kanyang asawa kung kaya’t isinagawa na nila ang baby shower para rito.

LOVI DENIES RIFT WITH MOM. Minsan pa, ipinaliwanag ni Lovi na walang katotohanan ang mga isyu na hindi magandang namamagitan sa kanila ng kanyang mommy dahil sa patuloy raw niyang pagiging malapit kay Jolo Revilla.

May isyung pinalayas daw si Lovi ng kanyang ina, pero, nakangiti itong itinanggi ni Lovi. Aniya, “No, hindi po ako pinalayas ng mommy ko. Mahal na mahal niya ‘ko at mahal na mahal ko rin siya. Wala…hindi po totoo yun. Everything is fine at home. Kami ng mom ko.”

SUNSHINE AND CESAR, OK NOW. Dahil muli nga silang nagkabalikan ng asawang si Cesar Montano, ayon kay Sunshine, may plano raw si Cesar na mag-spend ng Christmas sa Hong Kong Disneyland with their kids.

Ayon kay Sunshine, na-miss daw niya kay Cesar yung pagiging malambing ng asawa. “Na-miss ko yung lambing niya. Kasi, malambing na tao talaga si Cesar at saka, yung sense of humor niya. Kasi, pilyo, makulit, yun ang nami-miss ko sa kanya.”

Sabi pa ni Sunshine, from the very beginning, hindi naman daw niya na-imagine na magkakaroon pa ng ibang lalaki sa buhay niya after Cesar.

OYO ADMITS LOVE FOR KRISTINE. Itinanggi naman ni Oyo na meron silang pinag-awayan ni Kristine Hermosa base raw sa mga nakitang actions nila noong concert nina Rihanna at Chris Brown. Inamin din ni Oyo sa Startalk na mahal na mahal daw niya ang dalaga.

Aniya, “Hindi naman mawawala yun. Aminado naman ako na mahal na mahal ko si Tin.”

Nararamdaman din naman daw niyang mahal siya ni Tintin.

“Oo naman, sana hindi ako nagkakamali. Tanungin n’yo siya. Baka mamya, mali, e.”

Araw-araw rin daw silang magkasama ni Kristine, pero, hindi raw nila pinag-uusapan ang mga commitments dahil mas may pressure pa. Puwede rin daw matuloy sa seryosong relasyon ang anumang meron sila ngayon, pero mas maganda raw kasi ang relationship nila ngayon na magkaibigan sila.

When asked to describe their relationship, ang maikling sagot ni Oyo ay, “Shoulder…”

MEL SUES BECKY. Nagsampa na ng demanda ang dating assistant ni Becky Aguila na si Mel Pulmano at isa sa kasong isinampa nito ay ang tungkol sa non-payment of separation pay.

Hinarap naman ni Becky ang kasong ito at nagpahayag rin ng kanyang saloobin. Aniya, “What she did to my agency, she has damaged my agency. Definitely, ako pa nga ang dapat may kunin sa kanya, siya pa nga ang dapat magbayad sa akin.”

Sinagot din ni Becky yung tungkol kay “Tita C” na lumabas ang interview rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Maging ang isyu na kesyo si Jennylyn daw ay nasa panig na ngayon ng dating assistant na aniya ay hindi totoo.

Sinabi rin ni Becky kung kaya’t natatagalan ang pagsampa naman ng kaso kay Mel ni Becky at ng alaga niyang si Jennylyn ay dahil inaayos pa raw lahat ng papers, especially ang pag-o-audit ng isang independent auditor.

ONE TRUE LOVE: SUCCESS! Ipinakita naman ang naging tagumpay ng premiere night ng One True Love last Tuesday at ang dami ng mga taong nanood. Parehong nag-express ng kanilang kaligayahan ang mga bida ng movie na sina Dingdong Dantes, Iza Calzado at Marian Rivera.

In-announce din ng GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar na ang One True Love will also be screened in Guam, Los Angeles, San Francisco, New York, Las Vegas, at Hawaii mula noong Biyernes hanggang third week of December.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: