Jewel Mische still willing to work with Bubbles Paraiso despite issue between them

Jewel Mische still willing to work with Bubbles Paraiso despite issue between them

“Of course, of course, that’s work. Kahit anong klase ng trabaho, blessing po yun,” says Jewel Mische when asked if she’s still willing to work with Bubbles Paraiso (inset) in the future.

Pagkatapos na pag-usapan dahil sa isyu ng sikuhan at maglabas ng kanyang official statement sa pangyayari dito rin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay nakausap na ng Startalk si Jewel sa grand fans day ng GMA Artists Center sa Enchanted Kingdom.

Sa umpisa ay ikinuwento nga niya ang kanyang recent trip sa Holy Land na isa pala talaga sa matagal nang pangarap ni Jewel na mapuntahan.

Aniya, “Nagpunta ako sa mga churches doon. Sa Jerusalem , Bethlehem , Jordan River. ‘Tapos, iba talaga ang feeling. Nalakaran ko yung mga nalakaran ni Jesus like Via dela Rosa, ‘tapos, yung Station of the Cross, Sea of Galilee , Jordan River.”

Tungkol naman sa issue sa kanya at kay Bubbles Paraiso, sinabi ni Jewel na personal choice daw talaga niya na itago na lang ang anumang nararamdaman niya sa kanyang sarili.

“Kung may problema man ako sa isang tao, I’m not the type na ipapaalam ko pa sa ibang tao. Kaya lang talaga, dumating ang point that I have to speak up. Speak up for people na nasasaktan para sa akin. My family, my friends.”

Itinanggi rin ni Jewel na may namamagitan sa kanilang ng co-Starstruck survivor niya na si Aljur Abrenica. Ang huli kasi ang sinasabing dumamay raw kay Jewel during that night na sinasabing nagkaroon ng sikuhan sa pagitan nila ni Bubbles Paraiso.

“Si Aljur…kaibigan ko po. Kaibigan ko po siya kahit noong Starstruck days pa.”

Tumanggi naman na si Jewel na magbigay pa ng mensahe sa kampo raw ng taong nanakit sa kanya. At sa kabila raw ng naging intriga sa kanilang dalawa ni Bubbles, open pa rin daw siya sa idea na mag-work sila ni Bubbles in the future.

“Of course, of course, that’s work. Kahit anong klaseng trabaho, blessing po yun.”

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: