Matt Evans strips to his undies for new endorsement

Matt Evans strips to his undies for new endorsement

Young actor Matt Evans is the latest addition to the celebrity endorsers of Walker, which also includes Jericho Rosales and Alfred Vargas.

Posibleng ma-shock ang fans ng young actor na si Matt Evans sa bago niyang image. Ito ay sinabi mismo ni Matt sa presscon ng Walker Undergarments na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, November 19, para ipakilala siya bilang latest endorser nito.

“Opo, sa palagay ko ay masa-shock ang fans ko sa bago kong image ngayon,” saad ni Matt sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “Pero siguro po, hindi naman talagang totally masa-shock, kasi may ginawa na rin naman po akong ganito. Sa Your Song, nag-topless na rin po ako doon. Pero sa beach naman po ‘yon, kaya okay lang din.

“So, sa tingin ko masa-shock at matutuwa rin naman sila [his fans] dahil maganda naman itong pictorials. ‘Tsaka, nagpapasalamat ako dahil talagang very supportive sa akin itong Walker.”

Ikinuwento rin ni Matt ang ginawa niyang preparation bilang bagong image model ng Walker.

“Ang pinaka-preparation ko po rito, nag-gym ako at nag-diet talaga ng todo. One month akong nag-ensayo, about four times a week. Tapos talagang mahirap pagdating sa diet. Bale one and a half months na akong hindi nagra-rice at medyo magastos dahil kasama sa diet ang steak. Alam naman natin na mahal ang steak, e, kaya sa nanay ko na lang ako nagpapaluto nito,” nakangiting saad ng 5′ 10″ na aktor na nakilala sa role niya bilang Pedro Penduko.

Dagdag niya, “At saka talagang kasama sa workout ko yung mga baby fats na dapat pang maalis, talagang dapat ma-burn ito, e. Then, doon naman sa pictorial, medyo dapat may attitude. Tapos medyo may pakitang konti, topless, pero okay naman po.”

Nilinaw rin ni Matt na hindi niya pinalitan bilang endorser ng Walker sina Alfred Vargas at Jericho Rosales. “Karagdagan lang po ako sa Walker at hindi ko sila pinalitan bilang endorser. Kumbaga, magkakasama po kami,” sabi.

Pero inamin ni Matt na may added pressure ito sa kanya dahil ang mga “kuya” niya sa Walker ads ay magaganda ang katawan.

“Gustung-gusto ko po talagang pantayan ang mga katawan nila,” sabi ni Matt. “Pero yung sa akin po kasi, more on pang-kabataan talaga, yung pang-teens. Iyon naman pong kina Kuya Echo at Alfred, talagang, kumbaga, pang-men, yung matured na. Pero siyempre, gusto ko rin pong ma-achieve ‘yong tulad ng ganda ng katawan nila. Palagay ko kasi, mas okay kung ganoon kaganda ang katawan ko e.”

Sinabi rin ni Matt na hindi siya nagsusuot ng brief kapag natutulog siya dahil mas komportable siya sa boxer short.

“Ako po kasi, talagang nas napepreskuhan ako kapag naka-boxers lang. Although with or without brief, talagang mas presko ang boxers. Tsaka actually, kapag naka-boxers ka, you can walk na talagang parang okay lang, parang naka-shorts lang ako, ganoon. Unlike kapag brief lang ang suot ko, na parang, ‘oops, naka-brief lang ako, e.’ Parang ganoon, kaya kapag natutulog ako, boxers lang ang suot ko, mas okay ‘yon, mas presko,” lahad niya.

NONIE NICASIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: