Joyce Bernal directs Dingdong and Marian for the third time in “Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang”

Joyce Bernal directs Dingdong and Marian for the third time in "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang"

“Actually, tinanong ko rin. Sabi ko, ‘Bakit ako?’ Tapos yun nga, sabi nila, ayaw nilang i-break yung team. Even the management thinks na hindi pa kami tapos sa isa’t isa. So, sabi ko, bakit hindi ko nga naisip ‘yan? Ganun-ganon,” says Joyce Bernal about directing Dingdong Dantes and Marian Rivera for the third time.

Bukod sa pagiging direktor ng dalawang magkasunod na primetime series nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Marimar at Dyesebel, maituturing na personal friend na rin ng dalawa si Direk Joyce Bernal. Kaya hindi nakapagtatakang dumating si Direk Joyce at nagbigay ng suporta sa premiere night ng One True Love sa SM Megamall noong November 18. Sina Dingdong at Marian ang bida sa pelikula, kasama si Iza Calzado.

Bago magsimula ang premiere night, nagpaunlak muna ng interview si Direk Joyce sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Kinumpirma niya na siya muli ang magiging direktor ng ikatlong primetime series nina Dingdong at Marian, ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ito ay base sa nobela ni Carlo J. Caparas at isinapelikula noong 1981 na pinagbidahan nina Vivian Velez at ng yumaong actor-director na si Eddie Rodriguez.

Kahit daw si Direk Joyce ay nagulat na sina Dingdong at Marian pa rin ang ididirek niya sa next project niya sa GMA-7. Ang pagkakaalam daw kasi niya, tulad ng alam ni Marian, last soap na nila together ang Dyesebel.

“Hindi ko rin alam,” sabi ni Direk Joyce. “Nitong two weeks after pa siguro ng Dyesebel ko lang din nalaman na yun nga… Tapos, yun ang in-offer sa akin. So, umoo ako, pero nag-isip din ako.”

Bakit siya napaisip?

“E, kasi, sila na naman, parang ganoon. E, nalaman ko, may pahinga naman pala ng mahaba-haba,” ani Direk Joyce.

Pero nandoon pa rin ba ang challenge na idirek sina Dingdong at Marian sa ikatlong pagkakataon?

“Well, yun ang challenge sa akin,” sagot niya. “Pero nang malaman ko ang kuwento, ‘A, okay!’ Huwag lang nila akong ibabalik sa Marimar at saka sa Dyesebel. Kasi, parang wala na rin akong ibibigay sa kanila. Kung yung dalawa, meron pa silang maibibigay, ako, feeling ko lang, wala na.”

Tungkol saan ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang?

“It’s actually an action, suspense, drama,” sabi ng lady director.

Nakikita na ba niya sina Dingdong at Marian sa mga bago nilang characters?

“Well, yun kasi, kay Direk Carlo J. Caparas ‘yan. So, bukas [November 19] pa lang ang meeting namin. Pero mas nae-excite ako, kasi si Marian kasi yung nasa underworld, like sa masasamang loob, kidnapping, yung ganoon.”

May pressure for sure na maging number one sa rating ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, gaya ng Marimar at Dyesebel. Sa tingin kaya ni Direk Joyce ay mahihigitan ng ikatlong series nila ang Marimar at Dyesebel?

“Hindi ko alam how the TV audience… Hindi ko sila matimpla, e. Kasi, sa gusto kong eksena, yun pa ang mahinang mag-rate. Yung mga hindi ko gusto, yun pa ang nagre-rate. So, hindi ko natitimpla. Clueless ako sa TV,” sabi ni Direk Joyce.

Masaya sina Dingdong at Marian na si Joyce pa rin ang direktor nila sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ayon nga kay Dingdong, ayaw nilang masira team nilang tatlo. Ano ang masasabi ni Direk Joyce dito?

“Actually, tinanong ko rin. Sabi ko, ‘Bakit ako?’ Tapos yun nga, sabi nila, ayaw nilang i-break yung team. Even the management thinks na hindi pa kami tapos sa isa’t isa. So, sabi ko, bakit hindi ko nga naisip ‘yan? Ganun-ganon.”

Ayon kay Direk Joyce, sa December na raw nila sisimulan ang pagte-taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Pero dahil sa pagiging busy nina Dingdong at Marian, halos nasa lima oo anim na taping days lang siguro ang magagawa nila bago magtapos ang taon.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: