Judy Ann Santos to be featured in month-long Christmas special of “Maalaala Mo Kaya”

Judy Ann Santos to be featured in month-long Christmas special of "Maalaala Mo Kaya"

“Sa desisyon namin ni Tito Alfie [Lorenzo, her manager], ang pinagbasehan namin ay yung respeto na rin lang sa pakikipag-usap ng mga taga-ABS-CBN sa amin. Anuman ang inilalaban ng manager ko para sa kapakanan ko, gumagawa pa rin sila ng paraan to, at least, meet halfway. Pero dito sa bagong kasunduan, favorable for both parties, at hindi naman kami agrabyado,” says Judy Ann Santos about her new two-year contract with ABS-CBN.

Kapamilya pa rin si Judy Ann Santos pagkatapos niyang pumirma muli ng two-year contract sa ABS-CBN. Para sa marami, isa itong wise decision. Kahit pa sinasabing sa 2009 na maipalalabas ang Humingi Ka Lang sa Langit dahil kailangang busisiin ito, bago matapos ang taong 2008 ay nakatakdang itampok si Juday sa Maalaala Mo Kaya (MMK). Magsisilbi itong month-long special Christmas presentation ng MMK.

“Alam kasi ng ABS-CBN na matagal akong natengga sa TV,” sabi ni Juday sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “This time, ang sabi nila, gusto nilang bumawi. Sa MMK daw muna, bago ipalabas yung bago kong teleserye sa early part of next year.

“Hindi naman ako nainip. Gusto ko rin lang na makasigurado kaya matagal kong pinag-aralan yung bagong contract na in-offer nila. They gave me enough time na pag-aralan yun, and another two weeks na naka-hang ang final decision namin. Pero nagpaunlak pa rin sila,” lahad ni Juday.

Naniniwala si Judy Ann na espesyal pa rin siya sa ABS-CBN. And this time, kahit nga nasabi ni Juday noon na wala na siyang masyado pang personal expectations, masaya siya sa mga nakapaloob sa bagong kontrata.

Definitely, ayon sa napag-alaman ng PEP, bonggang-bongga ang 2009 ni Juday sa ABS-CBN kung masusunod ang mga nakasaad sa kontrata. Hindi na nga lang nagdetalye pa si Juday, pero kasama na rito ang malalaking proyekto, hindi lang sa TV kundi pati na ang mga pelikulang gagawin niya sa Star Cinema.

“Sa desisyon namin ni Tito Alfie [Lorenzo, her manager], ang pinagbasehan namin ay yung respeto na rin lang sa pakikipag-usap ng mga taga-ABS-CBN sa amin. Anuman ang inilalaban ng manager ko para sa kapakanan ko, gumagawa pa rin sila ng paraan to, at least, meet halfway. Pero dito sa bagong kasunduan, favorable for both parties, at hindi naman kami agrabyado,” saad ni Juday.

LOBBYING FOR PLONING. Ratsada ang career ni Juday kahit nga medyo nanahimik ang TV career niya at wala siyang Metro Manila Film Festival entry this year.

“Mas binigyan ko ng panahon ang paghahanda sa kampanya ng Ploning sa Oscars. Palagay ko, pagkatapos ng dalawang taong magkasunod sa Metro Manila Film Festival, it’s about time na pumasok na ako sa ibang level, which is the Oscars,” nakagugulat na sabi pa ni Juday.

“Nag-launch kami ng kampanya, with some industry friends na tumutulong para sa fund-raising. Kakailanganin namin ng pera para sa pagpapadala ng delegasyon sa Oscars, para sa gagamitin sa kampanya ng pelikula sa Hollywood.

“Maraming nagpahayag ng kanilang taos-pusong pagtulong, at naroroon talaga sila nang mag-meeting kami sa bahay ni Regine [Velasquez] sa Ayala Heights, Quezon City. Regine expressed her willingness to help us, kasama pa ang ibang artista na naniniwala sa gustong mapatunayan ng Ploning sa Oscars, na in return, para rin naman sa buong industriya,” pahayag ni Juday.

Maganda ang track record ni Juday sa pelikula dahil kumita ang halos lahat ng pelikula niya, at ang Ploning ay inaasahang magbibigay ng prestihiyo sa kanyang career.

“At least, yung masabi ko rin lang na ginawa ko na ang lahat para maiparating sa buong mundo ang kahalagahan ng pelikulang ito from our country. Kesa naman magsisi ako sa bandang huli [that] I didn’t even try,” pagwawakas ng young superstar.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: