Dennis Trillo elated by high ratings of “Gagambino”

Dennis Trillo elated by high ratings of "Gagambino"

“Feeling ko nga, napakasuwerte ko dahil sa kabila ng lahat ng nangyari, pagkatapos ng lahat ng gulo, ng mga unwanted issues, heto, maganda pa rin ang kinalabasan. At hindi lang basta maganda kundi number one pa,” says Dennis Trillo about the success of his GMA-7 fantaserye Gagambino.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis Trillo sa premiere night ng One True Love noong November 18, sa SM Megamall. Isa si Dennis sa matiyagang naghintay sa pagsisimula ng premiere night ng One True Love, na pinagbibidahan ng mga kapwa niya Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Iza Calzado, at Marian Rivera.

Pagpapakita ba niya ng suporta kay Marian, na maituturing na kapatid niya sa kanilang manager na si Popoy Caritativo, ang pagdalo niya sa premiere night ng One True Love?

“Actually, sa kanilang lahat… Kay Iza, Marian, at Dingdong. Kay Direk Mac Alejandre siyempre na ilang beses kong nakatrabaho. Suporta ko siyempre sa industriya natin. Kailangang suportahan natin. Tayo-tayo lang dito, so tayo-tayo lang ang magtutulungan,” sabi niya.

NO. 1 PRIMETIME SHOW. Hindi naman nakapagtataka kung mas relaxed na ang aura ni Dennis ngayon. Ito ay dahil masasabing nakalusot na siya kung pagsubok man na matatawag ang pagbibigay sa kanya ng GMA-7 ng Gagambino, ang pinagbibidahan niyang fantaserye.

Ano naman ang pakiramdam niya na ang pinagbibidahang fantaserye niya ngayon ang nangungunang primetime show ngayon sa Mega Manila? Ayon sa pinakahuling survey ng AGB Nielsen Philippines sa Mega Manila, ang Gagambino ang top primetime program noong Biyernes, November 14, at Lunes, Nov. 17.

“Siyempre, sobrang saya!” sambit ng matinee idol. “Ako at ang mga kasama ko, sobrang ganado palagi kapag taping dahil tinanggap siya nang maayos ng mga manonood, lalo na ng mga bata. Sobrang proud at saka sobrang suwerte! Tingin naming lahat, sobrang suwerte namin na napunta kami sa show na yun.”

Inaasahan ba niya na magna-number one ang pinagbibidahan niyang fantaserye?

“Noong umpisa kasi, hindi talaga ako umaasa,” sabi ni Dennis. “Basta ginagawa lang namin yung best namin sa bawat eksenang ginagawa namin sa Gagambino. Pero, kumbaga, dagdag bonus na naging okey siya. Kasi yung expectation ko, kumbaga, hindi talaga namin inaasahan, sobra!”

Sa palagay niya ba ay “nakalusot” na siya?

“Lusot na lusot talaga!” natatawa niyang sabi. “At saka hindi lang siya yung nakalusot, kasi consistent ang rating niya at number one siya sa primetime.”

Aminado si Dennis na noong hindi pa umeere ang Gagambino, kinabahan siyang talaga dahil alam niyang nanggaling siya sa ilang mga negatibong issues.

“Siyempre, hindi mawawala talaga yun. Kaya hindi ako masyadong nag-expect sa kalalabasan. Pero maganda yung kinalabasan ng show. Magaling lahat ng kasama namin. Magaling ang directors [Topel Lee and Don Michael Perez]. Grabe rin ang pagpupuyat at pagtatrabaho namin. Hindi lang doble kundi grabe talaga yung dedication namin sa show,” pahayag ni Dennis.

Natawa si Dennis nang tanungin namin kung nare-recognize na ba siya ngayon ng mga tao bilang Gagambino.

“Wala na ngang tumatawag sa akin na Dennis, lahat halos, ‘Bino’ na! Yung iba naman hinahanap yung gagamba. Talagang apektado sila sa mga eksenang nangyayari at napapanood nila sa TV. Nakakatuwa kasi yung Gagambino, walang nakakaalam until ipinalabas siya. ‘Ayun, nakilala siya bigla,” masayang kuwento ni Dennis.

NO COMPETITION. Dahil sa mataas na rating na nakukuha ng Gagambino, naikukumpara siya agad sa ibang young actors ng GMA-7, partikular na si Richard Gutierrez, lalo pa’t nag-abot ang Codename: Asero nito at ang fantaserye ni Dennis. Pero ayaw i-entertain ni Dennis ang competition.

“Hindi ko iniisip yun,” sabi ni Dennis. “Basta kung anuman ang ratings, basta…mataas ang rating ng Gagambino. Yun lang ang masasabi ko.”

Alam ni Dennis na puwedeng gawan ng anggulo o pagsabungin sila ni Richard. Pero as early as now, halatang iniiwasan na ito ni Dennis.

Aniya, “Hindi big deal sa akin kung mataas ang rating kesa sa ganito, naungusan or hindi. Basta ang maganda do’n, ang importante do’n, yung naungusan namin ang kabilang istasyon [ABS-CBN]. Hindi namin iniisip yung maungusan mo yung kapwa ka-show mo sa GMA, di ba?” saad niya.

At this point, Dennis is just thankful and blessed sa lahat ng nangyayari sa career niya. Hindi na lamang siyang isang award-winning actor, pero nagagawa pa rin niyang magdala ng show.

“Feeling ko nga, napakasuwerte ko dahil sa kabila ng lahat ng nangyari, pagkatapos ng lahat ng gulo, ng mga unwanted issues, heto, maganda pa rin ang kinalabasan. At hindi lang basta maganda kundi number one pa,” nakangiti niyang sabi.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: