“One True Love” to be screened in several U.S. cities

"One True Love" to be screened in several U.S. cities

GMA Films President Annette Gozon-Abrogar reveals to PEP that after One True Love, the film arm of the Kapuso network will start working on the second team-up of Richard Gutierrez and KC Concepcion.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang GMA Films president na si Atty. Annette Gozon-Abrogar habang hinihintay ang red-carpet premiere screening ng One True Love noong November 18, sa SM Megamall Cinemas 9 & 10.

Ang One True Love ay tinatampukan nina Dingdong Dantes, Iza Calzado, at Marian Rivera. Ito ay mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Binanggit namin kay Ms. Annette na maraming mga kababayan natin sa abroad ang nagre-request ng international screening ng One True Love, isa na rito ang Singapore.

“Talaga? Salamat,” nakangiting sabi ni Ms. Annette. “Dapat pala ay makipag-usap kami sa kung sino ang puwede naming maging contact doon. As of now kasi, sa USA pa lang ang naka-schedule naming international screening.”

Ibinalita ni Ms. Annette na dadalhin ngayong araw, November 19, ang kopya ng One True Love sa Micronesia Theater sa Guam. Magsisimula na kasi ang screening nito sa Friday, November 21, at magtatagal ito hanggang December 5.

Susundan ito ng eight US-city tour sa Los Angeles, San Francisco, New York, Las Vegas, at Hawaii. Every weekend ang international screening ng One True Love from November 29 to December 21.

May possibility ba na makadalo alinman kina Dingdong, Marian, o Iza sa screening ng pelikula sa abroad?

“Hindi kami nag-promise sa mga in-charge ng showing doon na makadadalo sila,” sabi ni Ms. Annette. “Pero ita-try daw nina Dingdong at Marian kung mabibigyan sila ng oras pagkatapos ng concert nila sa Shrine Auditorium sa Los Angeles on December 5.

“Si Marian kasi, kailangang bumalik agad dito for her previous commitment. I don’t know si Dingdong, kung tuloy siyang manonood ng Pacquiao-Dela Joya fight sa Las Vegas on December 6.”

FUTURE PROJECTS. Nakibalita rin ang PEP tungkol sa mga naka-lineup na projects ng GMA Films at maging ng GMA-7 na rin.

“Tomorrow [November 19], story conference na ng Valentine movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, with Direk Joey Reyes and scriptwriter Aloy Adlawan. Wala pa kaming title sa movie, pero hopefully, mag-start na kaming mag-shooting sa last week of November,” sabi ni Ms. Annette.

May possibility ba na mag-shoot din sila sa abroad?

“Hindi pa namin alam,” sagot ng lady producer. “Magdi-depend ito sa schedule nina Richard at KC, pero nag-submit na sila ng schedules at kailangan naming sundin ‘yon. Magkakaroon na rin kasi sila ng kani-kanilang soap.”

Binanggit ni Ms. Annette na magsisimula nang mag-taping si Richard ng kanyang next primetime series sa GMA-7 na Zorro sa January; sa March 2 ang pilot nito. Magte-taping na rin ang aktor ng Full Force Nature, a once-a-week show na ipapalit sa World Records ni Paolo Contis.

Kung sa February 11, 2009 ipalalabas ang Valentine movie nina Richard at KC, kailan naman ang playdate ng horror-suspense-thriller movie ni Robin Padilla na Sundo?

“Siguro by March 2009 na,” sagot ni Ms. Annette. “Parang hindi magandang salubungin ang New Year na isang horror movie ang ipalalabas namin.”

Dagdag niya, “Baka isunod na namin ang movie ni Gabby [Concepcion]. Nakipag-usap na siya sa amin na itutuloy na niyang gawin ang project. Wala pa kaming final na usapan dahil sa ngayon, nasa San Francisco siya. Sa January 2009 pa siya babalik dito.

“Then, itutuloy na rin namin ang Part 2 ng Ouija with Judy Ann [Santos] and Jolina [Magdangal]. Sa abroad ang shooting nito, pero hindi pa namin na-decide kung saan sa States.”

Ibinalita rin ni Ms. Annette ang pagsisimula ng tapings ng tatlong malalaking soaps ng GMA-7 for next year: Totoy Bato, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at All About Eve.

Nakausap din ng PEP si Joey Abacan, Vice-President ng GMA Films. Si Joey ang in-charge sa pagkuha ng mga Asianovela ng GMA Network. Sinabi niya sa amin na ang Koreanovela na Money War ang ipapalit nila sa ipinapalabas pa nilang ngayong My Husband’s Woman, na matatapos na sa November 27.

Pagbibigyan din daw nila ang request ng fans na ibalik ang original na Kim Samsoon.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: