Rufa Mae Quinto reportedly not happy with her exposure on “SOP”

Rufa Mae Quinto reportedly not happy with her exposure on "SOP"

Actress-TV host Rufa Mae Quinto, according to a source, is not satisfied anymore with her exposure in the Sunday musical-variety show SOP. This is the reason why she reportedly had a breakdown yesterday.

Bumisita ang reporter na ito sa live telecast ng Sunday musical-variety show na SOP noong November 16, sa bagong Sudio 7 ng GMA Network. Pagkatapos nito ay dumiretso kami sa live telecast naman ng Showbiz Central sa Studio 6 naman. Kabilang sa dalawang programa ang comedienne-TV host na si Rufa Mae Quinto.

May nakarating na impormasyon sa amin na may tampo diumano si Rufa Mae sa SOP. Pero nang makita namin siya kahapon ay wala naman kaming napansing kakaiba sa kanya.

Pero ayon sa aming source, may nangyaring eksena kahapon sa SOP. Hindi lang daw basta naiyak si Rufa Ma kundi napahagulgol pa raw siya. Marami raw ang nakakita nang mag-breakdown si Rufa Mae kaya naniniwala ang source namin na hindi makakapag-deny ang comedienne sa pangyayaring ito.

Ayon sa kuwento, dumating na raw sa point si Rufa Mae na hindi na napigilan ang kinikimkim na sama ng loob sa SOP. Isang malapit kay Rufa Mae ang nagsabi sa amin na hindi lang daw nagsasalita ang comedienne, pero matagal na raw itong hindi masaya sa exposure na ibinibigay sa kanya ng show.

Isa raw sa pinakamatagal na hosts ng SOP si Rufa Mae, pero kung mapapansin ay tila wala na itong masyadong ginagawa sa show. Madalas ay hosting na lang ang ginagawa niya. Pero hindi na lang daw ito pinapansin ni Rufa Mae at patuloy pa rin siya sa paghu-host ng SOP.

Pero last Sunday, ayon sa mga nakasaksi ng paghagulgol ni Rufa Mae, hindi na raw niya nakayanan na pagdating niya studio, nalaman niyang ang nakalagay sa record niya ay “absent” siya.

Galing daw kasi sa isang out-of-town show si Rufa Mae noong Biyernes, November 14, pero pinilit niyang makabalik in time for SOP. Kaya nagulat na lang daw siya na “absent” ang nakamarka sa kanya, lalo pa nga’t maaga pa lang daw ng Linggo ay nandoon na siya sa GMA.

Bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa side ni Rufa Mae upang linawin ang balitang hindi na siya masaya sa SOP, at kung totoo rin ba nagtatampo siya dahil mas napapaboran pa raw ng programa ang ilang mga baguhan kumpara sa kanya pagdating sa production numbers.

Open din ang PEP para sa side naman ng SOP, at kung ano ang masasabi nila sa diumano’y hinanakit ni Rufa Mae na nauwi nga sa paghagulgol nito.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: