Joey de Leon wants Pokwang to be his leading lady

Joey de Leon wants Pokwang to be his leading lady

“May istorya na nga ako para sa kanya, e. Isinulat ko na ito, pero pabiro. Sinulat ko ito noong kainitan na nagkatampuhan dahil sa aswang issue. Ito ay istorya ng… Si Pokwang, mami-meet niya yung kanyang tunay na ina. Tapos may nagpakilala, ‘Powang, ina mo.’ Hindi nga, totoo! Kasi nga si Ai-Ai, ano ba yung mga pelikula ni Ai Ai… Tanging Ina. Bakit yung Powang Ina Mo, hindi n’yo papayagan? Napaka-unfair n’yo naman!” relates Joey de Leon about a movie he is developing.

Noong November 16, ipinalabas sa The Buzz ang magkahiwalay na interview kina Joey de Leon at Pokwang tungkol sa posibleng maganap na pagsasama nilang dalawa sa isang proyekto. Matatandaang sumama ang loob ni Pokwang nang tawagin siyang “aswang” ni Joey.

Na-interview ng The Buzz si Joey sa shooting ng Iskul Bukol…After 25 Years, na official entry sa 2008 Metro Manila Film Festival. Sa nasabing interview ay nasabi ni Joey na gusto niyang gumawa ng experimental movie na siya ang writer, director, at lead actor. Isa raw sa gusto niyang maging leading lady ang nagtampo sa kanya noon na si Pokwang.

“Gusto kong leading lady, kunwari sina Ai-Ai [delas Alas], sila… Si Patani [Daño, Survivor Philippines castoff]. Pati si Powang, binanggit ko. Sabi ko, yun ang gusto kong movie,” ani Joey.

“Pero matindi yung istorya. Swak sa kanila, e. Naisip ko lang yun. Sabi ko, yung hindi magaganda. Dahil totoong buhay yung gagawin ko, e. Hindi ko sinabing pangit sila… Ibig kong sabihin, yung mga komedyante.”

Sinabi pa ni Joey na may script na rin siyang ginawa para kay Pokwang.

“May istorya na nga ako para sa kanya, e. Isinulat ko na ito, pero pabiro. Sinulat ko ito noong kainitan na nagkatampuhan dahil sa aswang issue. Ito ay istorya ng… Si Pokwang, mami-meet niya yung kanyang tunay na ina. Tapos may nagpakilala, ‘Powang, ina mo.’

“Hindi nga, totoo! Kasi nga si Ai-Ai, ano ba yung mga pelikula ni Ai Ai… Tanging Ina. Bakit yung Pokwang Ina Mo, hindi n’yo papayagan? Napaka-unfair n’yo naman!” paliwanag ni Joey.

Na-interview rin ng The Buzz si Pokwang. Ito naman ang naging sagot niya: “Natural lang ‘yon, ‘Pokwang, ina mo’, e nanay ko yun. Natural lang yun, di ba? Alam n’yo pagdating sa trabaho, hindi ako namimili ng makakasama ko. As long as makakapagpasaya tayo ng mga manonood, why not, di ba?”

Para naman kay Joey, ito ang sinabi niya: “Yes, sir, hinihintay ko na makatrabaho kayo ng bonggang-bongga, di ba? Para may pandagdag ako sa monthly amortization.”

Tinanong din ng The Buzz kay Pokwang kung nakalimutan na ba niya ang tungkol sa “aswang” issue na pinagmulan ng away nila ni Joey.

“Actually, ako, talagang wala na. Wala na sa akin yun, ang importante, well blessed ako ngayon. At saka marami akong trabaho. Maraming nagmamahal sa akin. Basta ako, ang iniisip ko ngayon pagka may tumitira sa akin, ang importante mahal ako ng Diyos,” saad ni Pokwang.

GLEN P. SIBONGA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: