Dingdong Dantes also hopes to be friends with Karylle after their breakup

Dingdong Dantes also hopes to be friends with Karylle after their breakup

“Simula noong kung anuman yung huling sinabi ko noong magbigay ako ng pahayag, same pa rin. It’s just last week, and we’re human. Hindi mo naman puwedeng tulugan ng overnight lang yun,” replies Dingdong Dantes when asked if he has already moved on after breakup with Karylle.

Habang naghihintay para sa kanyang live interview sa Showbiz Central noong Linggo, November 16, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa dressing room ng bagong building ng GMA Network.

Bukas, November 19, ay magbubukas na sa mga sinehan ang One True Love, ang first movie nila ni Marian Rivera bilang movie love team, kasama si Iza Calzado. Ito ay mula sa GMA Films at Regal Entertainment. Mamayang gabi, November 18, ang premiere night sa Cinemas 9 & 10 ng SM Megamall.

Maituturing na isang bonus para sa One True Love ang PG-13 rating nito nmula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ayon sa review ng MTRCB chairperson na si Ms. Jackie Aquino-Gavino, maganda ang pelikula at “perfect” ang casting nito.

Hindi naman itinatago ni Dingdong na kinakabahan siya sa nalalapit na pagpapalabas ng One True Love.

“Para akong tatay na naghihintay na may lalabas na anak! Kung healthy ba siya, kung bouncing baby boy, kung babae ba… Parang ganoon ang pakiramdam!” natatawang paglalarawan ni Dingdong ng kanyang nararamdaman.

Pero aniya, higit sa kaba, mas matindi ang kanyang excitement.

“Because ito ang pinakahinintay kong proyekto sa taong ito, and finally, it was given to me. At dumating siya, so kumbaga, gusto ko talaga na makita at malaman kung ano ang magiging reaction nila sa pelikulang ginawa namin dahil maganda siya, and I want to share it with them.”

Naniniwala si Dingdong na kung anumang mga isyu ang kinasangkutan nila sa cast, partikular na sila ni Marian, hindi ito makakaapekto sa outcome ng pelikula.

“As long as maganda ang pelikula, hindi siya magkakaroon ng koneksiyon or whatsoever sa mga nangyayari sa personal na buhay, because hindi naman dapat. Iba ang nangyayari sa labas, iba ang nangyayari sa shooting. Siguro for some, baka they might be more interested to know kung ano nga ba ang mga kaganapan sa pelikulang ito. Kung papaano siya ginawa sa gitna ng mga nangyayari noong panahon na yun,” saad ng matinee idol.

Tinanong namin kay Dingdong kung hindi nga ba naapektuhan ng mga personal niyang problema ang paggawa niya ng pelikula. O, nagamit pa niya ito sa kanyang character?

“Siyempre, kumbaga, hindi mo alam kung kailan ka magsi-shift into your character at sa totoong buhay. So dapat kapag nasa set ako, as much as possible, ayokong isipin ang anumang nangyayari. Kapag nagtatrabaho ako, I give my whole heart, e. Ayoko yung kalahating paa nasa labas.

“Ayoko rin dayain yung sarili ko, yung audience, yung director, at co-actors ko. Siguro nakatulong man siya, pero temporarily lang. It’s really solving the problem that matters at kung paano mo iha-handle,” paliwanag ni Dingdong.

Malaki ang paniniwala ni Dingdong sa pelikula nila. Kahit sa dubbing pa lang daw, nakita na raw niyang kakaiba at maipagmamalaki niya ang One True Love.

“Iba siya because it’s a straight drama. Actually, adult drama pa nga, e. Kumbaga, it’s very realistic that it could happen tomorrow. And nakakatakot oras na mangyari sa ‘yo. Makikita mo yung mga ‘what ifs’, e.

“Kumbaga, hindi mo siya papanoorin kung sino yung nandoon, it’s more on kung paano namin ginampanan ang mga characters namin. At ako, proud ako sa work, especially nilang dalawa, ni Iza at si Marian.”

MOVING ON. Sa puntong ‘yon ay iniba na namin ang usapan. Nakapag-move na nga ba si Dingdong mula sa breakup nila ng dating girlfriend na si Karylle?

“The same,” sagot niya. “Simula noong kung anuman yung huling sinabi ko noong magbigay ako ng pahayag, same pa rin. It’s just last week, and we’re human. Hindi mo naman puwedeng tulugan ng overnight lang yun.”

Pero naniniwala si Dingdong na mas makakatulong daw talaga na hindi na lang ito pag-usapan pa.

“Oo naman, kasi kung sagot ang hinihingi nila, e, nasabi na naman namin kung anuman ang dapat sabihin. Other than that, that remains with us,” saad ni Dingdong.

Natawa lang si Dingdong nang tanungin namin kung sa palagay niya ay bagay sa kanya ang description na “most eligible bachelor.”

“Yes, I’m a bachelor. What you see is what you get,” sabi niya.

Nasa process na ba siya ngayon of enjoying his single blessedness?

“Enjoying? Well, siguro I’ll find out kung itong darating na Pasko, yung mga ganoong bagay. But with what I’m doing regularly, puro work pa lang. Although may waiting period ako for my next soap, may mga iba pa rin naman akong trabahong gagawin. Pero yung mga pagkakataon na I can live life, outside work, doon ko malalaman kung papaano na ako as single,” pahayag ng aktor.

A “LOVELESS” CHRISTMAS.” Naa-anticipate na ba niya ang parating na Kapaskuhan na wala siyang girlfriend?

“As long as my family is there, it will always be good,” maikli niyang tugon.

First time ba niyang maging single sa maraming nagdaang Pasko sa buhay niya?

“Yes, since birth!” biro niya. “Hindi…magmula siguro mag-start akong mag-artista, which I think that was fourteen years ago… Pero alam n’yo, ang Christmas naman kasi sa akin, ang priority talaga, always is pamilya. So, I think, it will only be the same as long as they are there. Siguro, maaaring may kulang, pero yun ay isang bagay that we have to live with.”

Naitanong din ng PEP kay Dingdong ang pagkakadawit palagi ng pangalan ni Antoinette Taus. Madalas ay iniuugnay pa rin si Antoinette sa breakup nila ni Karylle. Ano ang masasabi niya sa bagay na yun?

“Wala, she has nothing to do with it,” diin ni Dingdong. “At nanahimik na siya sa ibang bansa. We’re very good friends and, in fact, ngayon, we can talk about everything. Talk about this, talk about that… And she will give unsolicited advice which is not biased.”

FRIENDS AFTER BERAKING UP. Sa isang interview ni Karylle, nabanggit nito na sinabi raw sa kanya ni Dingdong na gusto niyang maging mag-best friend sila pagkatapos ng lahat. Totoo ba ito?

“Siguro magkaibigan… To say best friend, that will happen siguro in the process. Siyempre, sa mga pinagdaanan naman namin ay higit pa sa magkaibigan. So, hindi mo naman matatanggal yun,” ani Dingdong.

Kung pagbabasehan ang track record ni Dingdong with his past girlfriends, masasabing na-maintain niya ang friendship sa mga ito. Mangyayari rin kaya ito with Karylle?

“Hindi ko masasabi. But I really hope…I really hope,” sagot niya.

May balitang pagkatapos ng Let’s Celebrate concert nila ni Marian Rivera sa Los Angeles, lilipad si Dingdong patungong Las Vegas para manood naman ng Manny Pacquiao-Oscar dela Hoya boxing match.

“Kung may mahahanap akong tickets, oo…manonood talaga ako. Kasama ko ang daddy ko,” sabi niya.

Kung matutuloy ngang manood si Dingdong, magkikita sila ni Karylle dahil ang singer-actress ang kakanta ng Philippine National Anthem sa laban nina Pacquiao at Dela Hoya.

“Makikita ko siya, pero ewan ko kung makikita niya ko. Siyempre, ang daming tao dun sigurado,” sabi ni Dingdong.

THIRD TEAM-UP. Next month ay magsisimula na raw sila ni Marian na mag-taping para sa pangatlong soap opera nila together, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Si Direk Joyce Bernal pa rin ang magiging director nila. Nabalita na kasi noon na ang Dyesebel na ang huling pagdidirek sa kanila ni Direk Joyce sa soap.

“Yes, si Direk Joyce pa rin,” nakangiting sabi ni Dingdong. “Siguro kasi, ayaw rin nilang masira yung team naming tatlo. Malaking bagay yun, e.”

May preparation na ba siyang ginagawa for his new soap and his new character?

“Wala pa. Hindi ko pa alam ang story, but I’m planning to meet with Direk Carlo J. Caparas. Kailangan ko munang malaman kung anong character din,” sabi ni Dingdong.

Dahil pangatlong beses na nilang magsasama ni Marian sa isang soap opera, ito na rin ba ang magiging huli?

“Posible…posible sa TV. Alam ko naman na darating din ang araw na maghihiwalay kami. Pero, hangga’t puwede naming i-maximize, e, nandito kami,” pagtatapos ni Dingdong.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: