A simple wedding for Regine, Ogie

Does Karylle still love Dingdong? "Ang mahalaga nagmahal ka nang totoo."

“Ako kasi sa pagmamahal, yung tiwala ko nandodoon, e. Wala ring regrets, e. Ang mahalaga, nagmahal ka nang totoo. Yun lang naman yun, e. I mean, kung mag-workout man o hindi, wala na sa kamay ko yun,” Karylle said when asked if she has any regrets in loving ex-boyfriend Dingdong Dantes (inset).

Binasag na rin ni Karylle ang kanyang pananahimik tungkol sa breakup nila ni Dingdong Dantes at inihayag ang kanyang damdamin sa interview ng The Buzz na ipinalabas kahapon, November 16. Kuha ang naturang interview footage kay Karylle after Gary V. Live at 25 concert ni Gary Valenciano sa Araneta Coliseum last Saturday, November 15, kung saan naging guest performer si Karylle.

Isa-isang sinagot ni Karylle ang mga isyung kinakaharap niya. Naging open siya sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa ex-boyfriend niyang si Dingdong at sa rumored new girlfriend nitong si Marian Rivera.

Sa tanong ng The Buzz tungkol sa umano’y sumasakit daw ang damdamin ni Karylle sa tuwing makikita niya sina Dingdong at Marian na magkasama, kaagad naman itong sinagot ng singer-actress.

“Actually, hindi ko pa sila nakikita together,” mabilis na sagot ni Karylle.

Kasi si Dingdong daw nasasaktan pa rin hanggang ngayon. Ano ang comment niya rito?

“Yung focus ko kasi nasa trabaho lang now, so hindi ko na masyadong iniisip kung ano ba yung iisipin niya, kung ano yung mararamdaman niya. Kasi as of now, para maging maayos naman ang buhay ko, iisipin ko muna yung trabaho ko.”

Nilinaw din ni Karylle ang kumalat na balitang si Dingdong daw ang nag-initiate ng breakup nila.

“It was a mutual decision. Hindi siya nangyari overnight. Matagal siya na proseso. Kasi syempre hindi ka naman magigising na lang bigla ‘tapos sasabihin mo, ‘Ay, break na tayo!’”

Nang matanong naman tungkol sa iniintrigang relasyon daw nina Dingdong at Marian: “Hindi naman yata ako yung dapat tanungin about that. Wala naman akong alam kung ano man ang meron. Malalaman din naman ng mga tao kung ano man ang meron sila. Dahil ako, honestly, hindi ko talaga alam. Ang tanging matatanong ko lang naman about these things is si Dingdong. And ang sinasabi lang niya sa akin is talagang wala.”

Matagal rin silang naging mag-boyfriend ni Dingdong, naniniwala ba siya sa mga sinasabi sa kanya ni Dingdong, lalo na sa pagde-deny nito tungkol sa romantic relationship umano nila ni Marian?

Napatili muna ng, “Ay!” si Karylle bago siya nagpahayag ng, “No comment. Basta masaya ako nandito ako ngayon sa Gary V. concert.”

Nang tanungin naman si Karylle tungkol sa reaksyon ng inang si Zsa Zsa Padilla sa breakup nila ni Dingdong: “Maganda pag-uwi ni Mama, siya na lang ang sumagot sa mga katanungan na iyan. Ang masasabi ko lang talaga, kasi ayoko rin namang magsalita ng masama, e.”

Naging prangka rin si Karylle nang aminin niya ang naramdaman niya sa paghihiwalay nila ni Dingdong.

“Hindi ko naman made-deny na nasaktan ako. Pero ang nangyari naman kasi is pinagdaanan ko talaga yung lahat ng stages ng… alam mo yun? Ng isang breakup. Siyempre may denial, may hurt, may bargaining, ‘tapos may acceptance. At this point nandun na ako sa acceptance. Natanggap ko na lahat ng mga nangyari. Siyempre sa bawat masakit na nangyayari, may maganda ring idinudulot ito.”

Wala ba siyang pagsisisi sa ibinigay niyang pagmamahal?

“Ako kasi sa pagmamahal, yung tiwala ko nandudoon, e. Wala ring regrets, e. Ang mahalaga nagmahal ka nang totoo. Yun lang naman yun, e. I mean…kung mag-workout man o hindi, wala na sa kamay ko yun.”

Nang tanungin ng The Buzz staff kung mahal pa ba ni Karylle si Dingdong, tumawa muna ito, bago sinabing, “Hindi na!” at agad ding bumawi. “Huwag na, ang pangit naman ng hindi na. Huwag na lang, ang pangit, ang pangit ng sagot ko. Parang hindi magandang pakinggan.”

May message ba siya para kay Dingdong?

“Ay, ayoko!”

How about kay Marian, may message ba siya?

“Ayokong mag-message sa TV.”

Bakit?

“Wala, hindi ko lang kaya.”

Sa isa pang rebelasyon ng The Buzz, sinabi naman ni Dingdong na kakausapin nito si Zsa Zsa Padilla sa oras na makauwi ito ng Pilipinas mula sa tour nito kasama sina Mang Dolphy at ang buong Quizon family.

GLEN SIBONGA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: