Talent manager Becky Aguila files multiple cases against former aide Mel Pulmano

Talent manager Becky Aguila files multiple cases against former aide Mel Pulmano

“Masakit ito para sa akin, pero at the end of the day, yung mga taong humuhusga sa akin, kayo naman ang magdadala niyan, e. Basta ang importante sa akin, malinis ako. ‘Yan ang gusto kong patunayan sa korte,” says talent manager Becky Aguila about the cases she filed against Mel Pulmano (inset).

Idinemanda ng talent manager na si Becky Aguila ang kanyang dating tauhan at road manager-handler ni Jennylyn Mercado na si Rowena Mel Pulmano kahapon, November 17, bandang 3:30 p.m., sa Quezon City Regional Trial Court.

Patong-patong na kaso ang isinampa ni Becky laban kay Mel: 19 counts of Qualified Theft, five counts of Qualified Theft Thru Falsification of Documents, at Falsification of Commercial Documents.

Bago si Becky ay nauna nang nagsampa ng mga kaso si Jennylyn laban kay Mel noong October 28. Nineteen counts of qualified theft thru falsification of commercial documents and nine counts of falsification of documents ang ikinaso ng aktres kay Mel.

Sa complaint affidavit na isinumite ni Becky sa korte ay nakasaad ang lahat ng kanyang mga reklamo laban sa dating staff. Kabilang na rito ang diumano’y tripleng pagbabayad ng agency niya sa isang talent, anomalous checks and check vouchers, anomalous petty cash vouchers, at mga forged signatures.

Nasa complaint din ang tungkol sa dalawang shows ni Joross Gamboa, na isa sa mga talent ni Becky, sa Angeles at Cabanatuan. Diumano, si Mel ang tumanggap ng bayad at down payment pero hindi raw ito nakarating sa manager at sa young actor.

Ayon kay Becky, nalulungkot man daw siya sa kinahantungan ng relasyon nila, dapat lang daw pagbayaran ni Mel ang kanyang mga ginawa, lalo pa’t siya pa raw ang binabaligtad ng dating tauhan.

“May mga dokumento na magpapatunay ng inosente ako. Kaya kong patunayan lahat ‘yan sa korte. Hindi biro yung mapagbitangan ako na ‘mastermind’ ng mga ginawa niyang kamalasaduhan. Hindi lang sa akin, hindi kay Jennylyn, kundi pati na rin sa maraming parents na niloko niya. At saka yung mga kaibigan namin na nagbibigay ng tulong,” bungad ni Becky nang makapanayam siya ng press sa Max’s Restaurant, P. Tuazon, Quezon City, pagkatapos niyang magsampa ng kaso.

Patuloy niya, “Masakit ito para sa akin, pero at the end of the day, yung mga taong humuhusga sa akin, kayo naman ang magdadala niyan, e. Basta ang importante sa akin, malinis ako. ‘Yan ang gusto kong patunayan sa korte.

“Kay Mel naman, kung ano man ang gusto niyang sabihin after nito, tigilan na niya dahil ang next venue ng whatever information na lalabas tungkol sa kasong ito is a court. Kung napaniwala niya kayo, siguro naman sa ngayon, nakita n’yo ang mga dokumento. Sana kahit papaano matimbang n’yo na kung sino ang nagsasabi ng totoo.”

Handa na rin ba si Becky sa kontra-demanda ni Becky?

“Di mag-file siya!” buwelta ng talent manager. “Siyempre gagawin niya. Lahat nga ng bagay ginagawa na niya para masira ang credibility ko, e! Ang sa akin lang, kaya lang nagsasalita ako ngayon dahil masyadong naapektuhan ang buong pagkatao ko.

“Pati nanay ko, who is very sick, dinamay niya. Na ginastos ko raw ang perang kinuha niya para ipagamot sa nanay ko. My mom is a U.S. citizen and there’s no need to spend even a single centavo coz the government takes charge.

“Kung ano man ang personal na bagay na ginagawa ko sa buhay ko, that’s mine. Wala akong taong minalasado. She’s answerable for that and she has to prove that in court. At the end of the day, it’s not my fault, si Mel pa rin,” diin ni Becky.

Kumusta naman sila ni Tita C, ang sinasabing negosyante na nag-rediscount ng mga tumalbog na tseke ni Jennylyn?

“Hindi ako nagpa-rediscount,” sabi ni Becky. “I don’t know Tita C. Pag okey na si Tita C at okey na rin ako…kalmado na rin ako, mag-uusap kami. Parehas lang naman kaming biktima dito. Ang kailangan siguro namin dito ay communication.

THE COMPLAINT AFFIDAVIT. Narito ang ilang bahagi ng complaint affidavit ni Becky laban kay Mel:

“As part of my business, I hired people to act as personal assistants to my artists and entertainers. Among the people I hired was Rowena ‘Mel’ Pulmano. She started to work with me on the year 2002;

“On 07 October 2008, we discovered that Mel had been forging Jennylyn’s checks. Said forged checks cleared the bank and the pertinent amounts debited to Jennylyn’s current account. We also discovered that Mel secured loans from several individuals, claiming that it was either I or Jennylyn who wanted said loan. To make the lender believe her words, on several occasions, Mel gave them Jennylyn’s or my forged checks.

“Jennylyn thereafter filed a complaint for Qualified Theft through Falsification of Commercial Documents and Falsification of Commercial Documents, before the Office of the City Prosecutor of Quezon City, against Mel;

“We did not stop investigating after we discovered the anomalies done by Mel in Jennylyn’s account. We further investigated all other matters handled by Mel in my agency.

“I was informed by my lawyers that Mel committed the crime of qualified theft for the taking of my money by charging me several times for talent fees, encashing checks not intended for her, taking commission and talent fees, which I was compelled to pay for, falsifying private documents, such as petty cash vouchers, not giving to me or liquidating cash I authorized her to withdraw.

“In the present case, all the elements for qualified theft are present. Mel took personal property, i.e., money. The said property belongs to me. Mel clearly intended to gain from the taking. Further, the taking was done without my consent. There was no use of violence or intimidation against persons, or force upon things, in the mentioned taking.

“And, lastly, there was grave abuse of confidence on the part of Mel when she took the money, as I gave her custody of the petty cash and the petty cash vouchers, gave her checks payable to cash, intended for different individuals, gave her charge of Summer Workshops where she received money paid by our talents, and allowed her to negotiate for my talents’ fees in shows, by reason of which she was able to run away with talent fees and commissions.

“Mel likewise stole from me by falsifying certain documents, such as checks and petty cash vouchers, for which she may be held liable for the complex crime of qualified theft through falsification of commercial and/or private documents.”

ROLDAN CASTRO
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: