Iza Calzado on billing issue in “One True Love”: “Minsan talaga, pag magpapaapak ka, lagi kang tatapakan.”

"Minsan talaga, pag magpapaapak ka, lagi kang tatapakan."

“Hindi ko na-realize ang billing-billing na ‘yan at hindi ko rin pinakikialaman. I let other people do it for me at nirerespeto ko ang mga nagdedesisyon kung kaninong name ang dapat mauna. But at this point, and even my dad realizes na dapat nang alamin,” says Iza Calzado.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iza Calzado sa presscon ng Scaregivers, ang launching movie nina Jose Manalo at Wally Bayola sa APT Entertainment. Ibinigay na halimbawa ni Iza ang sarili noong baguhan pa lang siya, pero marami rin ang sumuporta sa mga una niyang TV shows at pelikula, kaya hindi nagdalawang-isip na suportahan ang dalawa.

“Years from now, kapag big stars na sina Jose at Wally at maalala kaming mga sumuporta sa kanila, masaya na kami. Wish ko sana, makarating sila roon [sa kasikatan]. Mabait at very supportive rin sa akin si Mr. Tony Tuviera [producer ng movie] para hindi ako tumulong, kahit ang feeling ko, habang ginagawa ko ang Scaregivers, mukha akong tanga!” wika ni Iza.

Ang lakas ng tawa ni Iza sa sagot nina Jose at Wally sa tanong ng press kung in real life, magkakagusto sa kanila ang kasing ganda ng aktres.

Sabi ni Jose: “Itatabi ko siya sa altar na parang santo. Hindi siya magkaka-baby, basta nandun lang siya at aamuy-amuyin lang. Ayoko siyang mapagod at pati pangguya, ako ang gagawa, lululon na lang siya.”

Sagot naman ni Wally: “Kapag nangyari yun, maniniwala na ako sa fairy tale. Parang pelikulang Beauty and the Beast. Kung si Jose sa altar siya ilalagay, ako sa eskaparate para may takip.”

Ang nakakaloka, nang tanungin ng kanilang crush, si Dawn Zulueta ang sagot ni Wally at si Vilma Santos naman ang sagot ni Jose na paborito raw ng mommy niya.

BILLING ISSUE. Nadako naman ang usapan ng One True Love, ang pelikulang pinagsasamahan nila nina Dingdong Dantes at Iza Calzado. Sa poster kasi ng pelikula ay nasa taas ang pangalan nina Dingdong at Marian samantalang nasa baba naman ang kay Iza na may “With.”

Noong una’y ayaw magsalita ni Iza at ang amang si Lito Calzado na lang daw ang tanungin, kaso wala sa presscon ang ama ng aktres kaya no choice siya kundi sagutin ang pangungulit ng press.

“Tingnan na lang ninyo at kayo na lang ang magsabi kung tama ang lagay ng name ko,” sabi ni Iza. “Hindi ko alam ang tungkol sa billing. Basta ako, trabaho lang nang trabaho. Nang makita ko ang poster, hindi ang name ko ang aking napansin, kundi picture ko. Sabi ko lang, maganda ako sa picture, at least.”

Paano ang magiging billing niya sa isa pa niyang pelikula, ang Desperadas 2? Susundin ba ang billing ng Desperadas 1, kung saan nauna ang pangalan nina Ruffa Gutierrez at Rufa Mae Quinto, at sumunod naman sila ni Marian. Payag ba siya sa gusto ni Rufa Mae na alphabetical na lang o kaya’y magpalabunutan na lang silang apat, pati si Ogie Alcasid na bagong dagdag sa cast?

“Hindi ko napansin at hindi ko matandaan ang billing ng Desperadas 1,” sabi ni Iza. “Hindi ko na-realize ang billing-billing na ‘yan at hindi ko rin pinakikialaman. I let other people do it for me at nirerespeto ko ang mga nagdedesisyon kung kaninong name ang dapat mauna. But at this point, and even my dad realizes na dapat nang alamin.

“Basta malaki ang role ko at importante, hindi supporting ang role ko sa movie. Kapag napanood ninyo [ang One True Love] at showing na kami sa November 19, sabihin n’yo na lang kung nagustuhan ninyo at kung natuwa kayo. Minsan talaga, pag magpapaapak ka, lagi kang tatapakan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Sila na ang bahala,” makahulugang pahayag ni Iza.

NEXT PROJECTS. Aalis si Iza sa second week ng December para magbakasyon sa States at sa kanyang pagbalik, ang Pinoy adaptation ng All About Eve ang haharapin niya. Muli niyang makakasama rito si Sunshine Dizon, kasama rin sina Eula Valdez at Jean Garcia.

Hindi pa alam ni Iza kung ano ang role niya sa All About Eve. Basta excited na raw siya dahil sila ng BFF o Best Friend Forever niyang si Sunshine ang kasama. Idagdag pa ang magagaling na sina Jean at Eula at nakakasiguro ang televiewers ng isang magandang palabas.

May nagpu-float na balitang siya ang leading lady ni Richard Gutierrez sa Zorro, gaano ito katotoo?

“Hindi ako dahil mag-o-overlap sa All About Eve na mauuna sa Zorro. Gusto ko sana dahil hindi pa kami nagkakasama ni Richard, kaya lang, hindi talaga puwede. Naka-map out na ang All About Eve,” sabi ni Iza.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: