Vic Sotto denies reports that he married Pia Guanio in Vegas and that she’s pregnant

Vic Sotto denies reports that he married Pia Guanio in Vegas and that she's pregnant

“Kaya ako na nagsasabi na we are not married yet, at hindi buntis si Pia. ‘Yang kasal-kasal na ‘yan, it will come at the right time and right place. At kung mangyayari, dito sa Pilipinas namin gagawin. Ayaw naming itago ito sa mga taong nagmamahal sa aming dalawa,” says Vic Sotto.

In the mood ang comedian-TV host na si Vic Sotto na sagutin ang mga katanungan ng PEP (Philippine Entertainment portal) sa kanya tungkol sa kanyang relasyon kay Pia Guanio. Recently ay nabalitang ikinasal na sila ni Pia last July sa Las Vegas at buntis na rin daw ang TV host.

Idinenay na ni Pia ang mga balitang ito sa Showbiz Central. Ngayon, si Vic naman ang nagsasabi na walang katotohanan ang kumalat na balita.

“Noong makarating sa amin ni Pia ‘yan, siyempre natawa na lang kami kasi ikinasal kami ulit. Ilang beses na ba kaming kinakasal, di ba? Parang sobra-sobra na ang pag- ‘I do’ namin sa isa’t isa!” tawa ni Vic nang makausap namin siya sa shooting ng pelikulang Iskul Bukol…After 25 Years.

Patuloy ni Vic, “Kada alis kasi namin ng bansa, e, ikinakasal kami. Hindi ko naman masisisi ang mga nagkukuwento ng ganyan because nakikita naman siguro nila na okey ang relationship namin, at para na nga raw kaming mag-asawa.

“Tapos nadagdagan pa na buntis si Pia. Oo nga’t buntis si Pia, pero sa show naming Ful Haus siya buntis. Yung character niyang si Grace ang buntis at hindi si Pia mismo. From there siguro, may mga gustong magpalaki ng balita para mas maraming makapanood sa show namin. Okey naman ang turnout kasi maganda ang rating ng sitcom namin.

“Kaya ako na nagsasabi na we are not married yet, at hindi buntis si Pia. ‘Yang kasal-kasal na ‘yan, it will come at the right time and right place. At kung mangyayari, dito sa Pilipinas namin gagawin. Ayaw naming itago ito sa mga taong nagmamahal sa aming dalawa.”

Dagdag ni Vic, gusto niya ay simpleng kasalan lang. Hangga’t maaari raw ay ayaw niya ng engrandeng kasalan. Pero depende raw ‘yon sa gusto ni Pia.

“She knows that I want it simple, walang masyadong magulo. But of course, pag-uusapan namin ‘yan ni Pia. Pero hindi pa naman ngayon, matagal pa ‘yan. Malalaman naman ninyo ‘yan, e. Sa mga shows namin ni Pia magaganap ang official announcement,” paniguro ni Bossing Vic.

PIA OUT, CARLENE IN. Ipinaliwanag din ni Vic kung bakit hindi nakasama si Pia sa film version ng Iskul Bukol.

“Marami nga ang nag-e-expect na makasama si Pia sa movie na ito. Pero wala naman kasing malaking role for her. Most of the actors in the movie ay from the original sitcom. Kung isasama namin si Pia, sana yung magandang role naman. Pero since wala naman talaga, okey lang na wala siya. Sa next project na lang,” saad ng komedyante.

Kaya ba isang chinita sa katauhan ni Carlene Aguilar ang kinuha ni Vic para maging kapareha niya sa movie?

“Wala namang romantic angle dito sa Iskul Bukol, e,” paglilinaw niya. “It’s more on Tito, Vic, and Joey ito. Si Carlene, she plays my student kasi archeologist na si Vittorio Ungasis [Vic’s character]. Magkakaroon ng konting crush sa akin si Carlene, pero wala namang anything romantic. Kaya walang dapat ipangamba si Pia!” tawa ni Vic.

Itinanggi rin ni Vic na nagbabantay sa set ng kanyang shooting si Pia.

“Hindi naman siya gano’n, e. Bakit pa siya magbabantay, e, every day magkasama kami sa Eat Bulaga!, tapos may taping pa kami ng Ful Haus. And Pia is very busy because she has 24 Oras every weeknights, tapos may Showbiz Central siya on Sundays. Yung ibabantay niya sa shooting, e, ipahinga na lang niya, di ba?”

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: