Heart Evangelista threw away bratty attitude when she turned Kapuso

Heart Evangelista threw away bratty attitude when she turned Kapuso

“This is my new home kaya I have to leave behind whatever not-so-good image I had. I want people to like me and, so far, nangyayari na ‘yon. Kaya I’m happy that people are getting to know who I am now. Hindi na ako yung bratty na Heart noon. Wala na ‘yon and I hope na they will like me even more,” says Heart Evangelista.

Aminado si Heart Evangelista na dati ay mahirap siyang katrabaho. Masyado raw siyang demanding noon at kung hindi nasusunod ang gusto niya ay nawawalan siya ng ganang magtrabaho.

Pero ayon kay Heart, yun ang dating Heart Evangelista na ayaw na niyang balikan pa. Aminado naman siyang marami siyang nakasamaan ng loob dahil sa kanyang attitude problem noon. Ngayon ay nabawasan na raw ‘yon and she hopes na maging maayos na ang pakikipagtrabaho niya sa ibang tao.

“Hindi ko naman itinatago na I had that kind of bratty attitude before,” sabi ni Heart sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “Nasa kabilang network [ABS-CBN] pa ako noon and I was very young kasi, kaya I always had my way. Kaya kapag hindi nasusunod, nagiging difficult talaga akong katrabaho.

“Kaya nga I don’t want to be that person again. I realized na marami palang ayaw na akong katrabaho because of what I was before. Siguro nga dala ng pagiging bata ko noon. I didn’t know any better kasi. I thought na I can always get away with everything. Yun pala, importante ang pakikisama sa kahit kanino.”

Dagdag niya, “Now, I’ve learned that when I became a Kapuso. This is my new home kaya I have to leave behind whatever not so good image I had. I want people to like me and, so far, nangyayari na ‘yon. Kaya I’m happy that people are getting to know who I am now. Hindi na ako yung bratty na Heart noon. Wala na ‘yon and I hope na they will like me even more.”

GLUE ALLERGY. May balitang nagsagutan si Heart at ang mga gumagawa ng prosthetics ng pinagbibidahan niyang fantaserye sa GMA-7, Luna Mystika.

“It was just a misunderstanding between me and the prosthetics people,” paglilinaw ni Heart. “Hindi naman ako magrereklamo if I didn’t feel anything wrong. Kasi nga, nagpantal ako sa glue na ginamit nila sa prosthetics. I wasn’t making reklamo sa mismong prosthetics na nilalagay nila sa mukha ko. Yung glue lang na gamit nila ang naging problema.

“Ipinakita ko naman sa kanila na nagpantal ako doon sa glue at naintindihan nila ang gusto kong iparating sa kanila. When they found the right glue na hindi ako nagpantal, okey na kami. I was very apologetic nga sa kanila because parang na-blown out of proportion yung ni-request ko na palitan yung glue. Now, okay na kaming lahat and I’m no longer allergic sa nilalagay nila. Everything’s smooth sailing na sa taping namin ng Luna Mystika,” lahad ng aktres.

SURVIVOR HUNK. Flattered naman si Heart nang malaman niyang may crush sa kanya ang Survivor Philippines castoff na si Jace Flores, na kasama rin sa cast ng Luna Mystika. Una silang nagkakila nang mag-acting workshop sila para sa kanilang fantaserye.

Ayon kay Heart, typical na Amboy (American boy) si Jace na may confidence sa sarili. Ito pa raw ang unang nagpakilala sa kanya na ikinatuwa naman ni Heart.

“I only met him noong mag-workshop kami under Miss Gina Alajar. Jace is a nice guy naman. Hindi siya mahiyain and during the workshop, I can see na he’s focused on what he is doing. That’s a good sign na he’s really interested in this business.”

“Next to perfection” ang description ni Jace kay Heart. Ano ang masasabi ni Heart dito?

“I’m very flattered that he said that about me. I hope to work with him more sa show and to get to know him better,” saad ni Heart..

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: