Comedienne Kitkat accuses boyfriend of stealing more than P250,000 in cash and items

Comedienne Kitkat accuses boyfriend of stealing more than P250,000 in cash and items

“Alam niya na pinaghirapan ko ‘yan, paano pag nagkasakit ako? Wala na akong huhugutan. Ibalik na lang niya, hindi ko na siya ipapahuli. Kakalimutan ko siya, kakalimutan ko anuman ang koneksiyon ko sa kanya. Kakalimutan ko kahit ang pangalan niya, ibalik lang niya lahat ng pinaghirapan ko na kinuha niya,” says Kitkat about her boyfriend who allegedly stole from her.

Humarap sa telebisyon ngayong linggong ito ang comedienne na si Kitkat. Maramdaming inilahad niya ang panloloko at pagnanakaw diumano sa kanya ng non-showbiz boyfriend niyang si Alfred Lumanlad.

Ayon kay Kitkat, mahigit P250,000 ang halaga ng tinangay ni Lumanlad, hindi pa kasama rito ang ilang tseke at mga alahas na harap-harapan daw na ninakaw sa kanya nang magkaroon sila ng kumprontasyon noong November 11, Martes ng madaling-araw.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kitkat, sinabi niyang hindi niya ipakukulong ang boyfriend basta ibalik lang nito ang lahat ng ninakaw sa kanya.

“Alam niya na pinaghirapan ko ‘yan, paano pag nagkasakit ako? Wala na akong huhugutan. Ibalik na lang niya, hindi ko na siya ipapahuli. Kakalimutan ko siya, kakalimutan ko anuman ang koneksiyon ko sa kanya. Kakalimutan ko kahit ang pangalan niya, ibalik lang niya lahat ng pinaghirapan ko na kinuha niya,” saad ng komedyana.

Ayon kay Kitkat, noong Hunyo ng taong kasalukuyan niya nalaman na nagka-casino pala si Alfred. Pero ang unti-unting pagkawala ng mga gamit nito ay nagsimula raw nitong September lamang.

“Unti-unti nawawalan siya ng gamit. Nung una, yung kuwintas at bracelet na bigay ko sa kanya. Nung tinanong ko siya, nasa ospital daw yung nanay. Sa akin, okey lang yun. Nung sumunod na week, naholdap daw siya, kasama yung cell phone.

“Sabi ko sa kanya, bakit di ako kinakabahan, ‘saka bakit umaga na siya dumating. Ang rason sa akin, kasi daw interview-interview, blotter… Tapos nakita ko yung SIM sa pantalon niya, nahuli raw yung holdaper at gagawing ebidensiya yung cellphone. Tapos wala na rin yung kotse niya, ipinapa-overhaul niya raw kasi sira. Nandiyang nawala rin yung laptop niya.

“Actually last June, nalaman ko na nagka-casino siya. Umaga siya nun umuwi. Ang sabi niya, may meeting daw siya sa Caloocan, e, na-tracker ko sa cellphone na nasa Manila siya at nagka-casino.

“Inamin niya sa akin yun, pero nangako siya na hindi na raw niya uulitin. E, sa akin naman, pera naman niya yun. Ang point ko lang nun, magpaalam siya kasi nagmumukha akong tanga na nagwo-worry ako kung nasaan siya,” mahabang salaysay ni Kitkat.

THE CONFIRMATION. Dahil sa sunud-sunod na pagkawala ng mga gamit ni Alfred at nadadalas na argumento nila, every week daw ay naghahamon ng breakup si Kitkat sa boyfriend.

“Every week nagkakaproblema kami kaya sabi ko, ‘Bakit hindi na ako naniniwala sa kanya? Parang wala na akong tiwala, itutuloy pa ba namin?’ Halos every week ay nakikipag-break ako sa kanya.”

Isang tawag mula sa BPI (Bank of the Philippine Islands] na nagpapaalala ng kanyang mga bayarin ang nagbigay ng kumpirmasyon kay Kitkat sa mga ginagawa ng boyfriend.

Kuwento niya, “Tumawag sa akin ang BPI, yung credit cards ko raw three months nang hindi nababayaran kasi sa kanya ko ipinagkakatiwala yun. Ang sabi niya sa akin, ‘Hindi lang updated ang mga ‘yan!’ Yung P130,000, pambayad yun ng Healthcard ko, insurance, pang-tuition fee ng kapatid ko ‘saka iba pang credit cards. Walang nabayaran dun kahit isa.

“Kinausap ko siya tungkol dito. Sabi ko, inaaway ko ang BPI dahil on time ako magbayad at cash pa. Nadudulas na, tapos umamin na nagamit niya raw para sa kapatid niya kasi nakasagasa, nakapatay ng six years old, lasing at walang lisensiya, nagta-tricycle, at binigyan daw nila ng P60,000. Babayaran daw niya lahat-lahat.

“Tapos tiningan ko yung passbook ko, ang huling pumasok na suweldo ko, first week ng August. Tinanong ko rin siya about this, hindi raw niya naa-update dahil hindi niya dinadala yung passbook pag nagde-deposit siya.”

Lumabas daw ang katotohanan last November 11 sa condo unit ni Kitkat, kung saan harap-harapan na siyang ninakawan ni Alfred nang umalis ito ng tinutuluyan nila after their confrontation.

Kuwento ni Kitkat, “Last November 11, 12:30 ng madaling-araw na akong umuwi. Akala ko wala pa siya kasi nagte-text ako at hindi siya sumasagot. Pero pag-uwi ko, nandun pala siya.

“Tinanong ko siya kung bakit hindi siya sumasagot sa mga texts ko. Ang sagot sa akin, nawala daw yung cell na bigay ko sa kanya, ano raw ang magagawa niya. Dito, umiyak na ako pero pinigil kong tumalak, mas hindi siya aamin. Tinanong ko siya kung ano ang problema niya, tutulungan ko siya. Na kung anuman ang mangyari sa pera ko, okey lang yun, basta sabihin niya lang sa akin ang totoo.

“Dito, inamin na niya sa akin ang totoo. Hindi niya raw kasi alam kung paano niya hahabulin yung mga nakuha niya sa aking pera dahil nagamit niya sa casino. So kahit P1,500 daw, isinanla niya yung cell ko. Itataya niya dahil baka sakaling madoble at mabawi raw niya yung nakuha niya sa akin.

“Sabi ko, baka naman pati yung Japanese yen ko na P120,000, kinuha na niya. E, ang tagal-tagal kong tinago yun. Nung tiningnan ko sa cabinet, wala na. Hindi umamin, baka raw yung PA [personal assistant] ko ang kumuha. Iyak na ako nang iyak. Then, umamin siya na nagamit niya rin daw, ibebenta niya raw yung kotse niya bukas at babayaran ako.”
EVEN HER LOLA’S MEDICINES. Ang higit daw na ikinagalit ni Kitkat ay nang malaman niya na pati pala ang pambili ng gamot ng lola niya ay kinuha rin daw ni Alfred.

“Nagalit ako dun sa sinabi niya na pati yung tsekeng ibinibigay ng mga ine-endorse ko para sa gamot ni Lola ay nagamit niya. Naospital kasi ang lola ko. Yung gamot niya, lagi na yung bibilhin, walong klase yun ng gamot. Dito na ako nagalit talaga nang husto. Tumalak na ako, sinampal ko na siya, hindi sumasagot.

“Habang umiiyak at nagsasalita ako, kumuha siya ng isang bag, naglagay ng ilang damit tapos kumuha ng alahas ko. Pinigil ko sa damit, nakiusap ako na huwag niyang kuhanin ang mga alahas ko kasi wala na akong ibabayad kung kukunin niya ang mga yun. Ang sabi sa akin, panimula raw niya yun, tapos tinulak ako at tumakbo na. Sinigawan ko yung guard na pigilan kasi ninakawan ako, kinuha ang pera ko. Pero hindi ako naintindihan kasi nasa taas ako. Ang akala raw, away mag-boyfriend lang.”

NOWEHERE TO BE FOUND.
Nalaman din ni Kitkat na natanggal na rin pala sa trabaho si Alfred dahil nakadispalko raw ito ng malaking halaga sa opisinang pinagtatrabahuhan nito.

“Bale sales representative siya ng heavy equipments, Singapore-based. Nakadispalko raw ng two million,” saad ni Kitkat.

Sinubukan daw ni Kitkat na tawagan ang mga kaibigan ni Alfred, pero walang makapagturo kung nasaan ito. Putol na rin daw ang linya ng telepono ni Alfred sa Pamapanga.

Mahal pa ba niya si Alfred?

“Napalitan na ng galit, sana man lang naisip na lang niya yung Lola ko,” sagot ni Kitkat. “Matanda na yun, wala na akong paghuhugutan. Paano pag naubos ang gamot niya? Hindi ko alam kung saan ako kukuha.

“Although marami namang kaibigan from showbiz and non-showbiz na nagtatanong kung kailangan ko raw ng tulong, sinabi ko pag kailangan ko, pag di ko na kaya, saka ako lalapit. To be honest, hindi ko na alam kung saan ako huhugot. Ninakawan na ako, ang dami ko pang utang,” aniya.

Napatunayan ni Kitkat na sa panahong gipit na gipit ang isang tao ay ang pamilya pa rin ang tatakbuhan niya.

“Gulung-gulo pa ako, pero nakapagpa-blotter na ako,” saad niya. “Sa sobrang shocked at takot ko na balikan ako at kunin pa uli o saktan ako, naglipat muna ako. Umuwi ako sa bahay namin.

“Natuwa naman ako kasi hindi naman sila masyadong nagtanong sa nangyari, hindi nila ako hinusgahan at sinisi na ‘Ang tanga-tanga mo!’ Dun ko naisip, pamilya ko sila. Kahit nag-aaway kami lagi ng nanay ko, sila pa rin ang matatakbuhan ko.”

MELBA LLANERA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: