Rufa Mae Quinto says she will keep her lovelife private from now on

Rufa Mae Quinto says she will keep her lovelife private from now on

Feeling ko talaga, yung ganyang mga bagay, sasarilinin ko na lang muna. Pabayaan na lang natin na sila ang magsalita. Wala rin akong magiging benefit sa ganyan. Benefit of the doubt lang!” says Rufa Mae Quinto about talking about her lovelife in public.

Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rufa Mae Quinto tungkol sa American-Mexican boyfriend niyang si Bobby Lopez, hindi na positibo ang reaksiyon ng comedienne. Sa shooting ng Desperadas 2 sa Bonifacio High Street noong Huwebes, November 13, nagpahayag si Rufa Mae na ayaw na niyang magbigay pa ng statements tungkol sa lalaking ito.

Hindi na kailangang klaruhin pa kay Rufa Mae, pero sa mukhang burado na ang relasyong ito. Sabi niya, “Kung ano ang nariyan, yun na lang. Wala talaga sa priorities ko ngayon ang guys. Puro kasi mga lalaki rin ang laging naitatanong sa akin.”

Matatandaang nakipag-break si Bobby kay Rufa Mae sa pamamagitan ng email.

Palagay ni Rufa Mae, she has to keep a little for herself pagdating sa matters of the heart. Mukhang ito ang magiging malaking pagbabago sa kanya.

E, kumusta na ang sinasabing pagpaparamdam ni Jon Avila sa kanya? Si Jon ang isa sa leading men ni Rufa Mae sa isa pa niyang pelikula na Single.

“Wala rin namang linaw. Nagte-text lang yung tao. Busy ako, marami akong ginagawa. Ratsada itong Desperadas 2. Okey naman kami ni Jon,” parang walang latoy na sabi ni Rufa Mae.

Bakit tila wala nang gana sa lalaki si Rufa Mae?

“Hindi sa walang gana sa mga lalaki, pero sa pagkukuwento, ayoko na. Feeling ko talaga, yung ganyang mga bagay, sasarilinin ko na lang muna. Pabayaan na lang natin na sila ang magsalita. Wala rin akong magiging benefit sa ganyan. Benefit of the doubt lang!” tawa niya.

Wala raw katuturan ang pinatutunguhan ng mga usapan tungkol sa kalalakihan. “Lalo na yung tungkol kay Bobby, taga-Hong Kong naman yun, at hindi nag-aartista. Ano ang gain ko riyan?” sabi ni Rufa Mae.

FROM RUFA MAE TO IZA. Nabanggit din ni Rufa Mae na ang bahay na nabili niya sa Acropolis ay ibinenta na niya sa co-star niya sa Desperadas 2 na si Iza Calzado.

“In fairness, mabilis niyang nababayaran, ha!” natatawang sabi ni Rufa Mae. “Gusto ko nga, mag-Pasko pa doon sa bahay na yun. Nakiusap ako kay Iza, pero mukhang gusto na niyang lumipat. Okey na rin, kasi nabili na niya kung tutuusin.

“Unti-unti pa lang naman ang bayad niya, pero nag-down na siya. Nag-loan pa raw siya para mabayaran niya. Kaya okey kami pagdating sa bagay na ‘yan.”

Actually, nakaalis na si Rufa Mae sa nabanggit na bahay at isa-isa nang inililipat ang mga gamit niya mula roon.

“Kailangan ko lang maibenta ang property na yun for the dream house na gusto ko, na ipinagpapatayo ko na sa ngayon. Doon mapupunta ang perang pinagbentahan ko,” saad ng comedienne.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: