P10 million reward sa magpapakita ng babae ni Kiko

NANAHIMIK si Sharon Cuneta sa kainitan ng isyu na ‘hiwalay’ na sila ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan. At sa syuting ng Iskul Bukol…20 Years After, hindi namin pinalampas ang pagkakataon na tanungin ang megastar, kung bakit mas pinili niyang manahimik nu’ng mga panahong mainit ang intriga sa kanila ni Sen. Kiko.

“Kasi, naiinis ako sa mga lumabas na… Alam mo na, `yung mga intriga nu’ng huli, na medyo OA na.

“ang dami kasing nagdudunung-dunungan. ‘Yun na lang, sabihin na natin na parang isang bagay lang na normal na nangyayari, na parang pinalaki na lang nila.

“Actually, gusto ko ngang magbigay ng reward.

“Seven years na ring senador ang asawa ko. Wala nang sinabi ang mga tao kundi meron siyang babae. Tapos, may pamilya na raw.

“Itong age na ito, meron na tayong MMS, SMS, at may internet pa. Bakit naman, kung mayaman kang kalaban ni Kiko sa pulitika, o kahit hindi ka mayaman, basta’t marami kang resources, ‘yung parang ang dali-daling ipahanap kung meron.

“Nakakatawa. Kasi, napagod na ako sa kakaintriga nila sa akin. Tignan mo, I’m not even touching the actual subject, kasi ang feeling ko gagawa sila ng mga alam mo ‘yung tipong, lampas sa langit na ‘yung mga imbento nila, na sobrang dagdag, tapos nanganganak pa, ‘di ba?

“Gagawa sila ng ganun. Tapos, ang nakakatawa, lalapit sila sa iyo para mag-in­terview. Bakit ko li­linawin ang sinulat nin­yo? Ang labo ninyo?

“Feeling ko, pakitapos na lang para mabasa ko naman ‘yung ending.

“So, basta, naka­kainis! Kaya umalis ako, napagod ako!

“Parang, na-rea­lize ko, Diyos ko naman Rey, parang 30-years na ako in the business. Siguro naman, I’ve earned already a little…

“Parang sabi ko nga, dapat graduate na ako sa ganiyan.

“Siguro, I’ve earned a little, kahit a little man lang respect, na parang hindi na ako dapat ginagawan ng istorya, tapos ako ang maglilinaw, sa hindi ko naman ginawa, ‘di ba? Nakakaloka!

“Na-realize ko ‘yan. Parang teka muna, mas­yado naman akong nice sa ibang tao, na parang lalapit lang… ‘Oh, okey itong mga ito, ha!”

na­ngingiting paliwanag ni Sharon.

Ipinagtaka nga ni Sharon ang sitwasyon, na sa pulitika nagmula ang tsismis, at hindi sa showbiz.

“Kasi ang bilis, eh. Sa showbiz naman, kasi Diyos ko naman Rey, sa buhay ng isang mag-asawa. I mean, we’ve been married for 12-years na, 14-years together, ‘di ba?

“Sa buhay ng mag-asawa, talagang may nang­yayaring hindi pagkakaunawaan, o let’s say, away, o LQ (lover’s quarrel).

‘Yung sa iba, mas ma­tindi sa iba!

“Pero parang ang fee­ling ko, bakit agad-agad? Kunyari, nag-away kayo, bakit naman? Hindi yata at napakabilis na agad na naikalat na never na nangyari ‘yon sa 12-years na pagsasama namin.

“So, siyempre ang feeling ko lang, people know that Kiko’s strength first and foremost is his family. So, lagi kaming doon tinitira.

“’Yun lang. I don’t wanna talk about what happened, kasi it was really…

Diyos ko, 12-years! Ilang beses naga-away ang mag-asawa?

“Katakataka naman na na-single out, kunyari itong panahon na ito. Aba naman, may nanga­nganak, may nadagdag. Babae na. Please, tell me the truth, tell me what you think. Kung may babae si Kiko, will I take it?

“I did not leave my first husband para magtiis. I’d rather live alone. Wala nga akong kapera-pera noon kinaya kong mabuhay kami ni KC lang.

“Ngayon pang nakaipon na ako at 30-years na ako sa showbiz. Hindi ba, parang ini-insist nila?

“Humihingi ako ng pruweba, kahit P5 o P10 million cash, ibibigay ko sa tao na `yon. Nakakairita!

“Pahinging ebidensya!

“Sige, isasanla ko asawa ko, magbibigay ako ng cash! Ha! Ha! Ha! Ha!

Sinabi nga namin kay Sharon na wala ka­ming natatandaang panahon na naging malungkot siya sa pagsasama nila ni Sen. Kiko.

Na mas madalas nga ay binibiro at kinakarinyo pa niya ito hindi lang harap ng mga press, kundi sa harap ng maraming tao, partikular na sa kanyang mga concerts.

Kaya naging kataka-taka ang balita na nagtampuhan sila kamakailan, at nauwi sa hiwalayan.

“Lagi nga, eh. And up to now, heto nga, `di ba? We went on a cruise. Seven days kami sa cruise. Two weeks kaming wala (sa Pilipinas).

“Bale, 10-days lang kaming wala dahil 2-days ang lipad namin.

“Basta, gusto kong mag-reward para lang matapos na. Patayin mo na ‘yung tsismis na `yan.

“Basta, magbibigay ako ng reward. Pahingi naman ng ebidensiya. Ang tagal na, ‘di ba?” matinding ha­mon pa ng megastar.

Anyway, para sa mga fans ni Sharon, sa mga susunod na kolum namin ay ilalahad pa namin ang iba’t ibang kaganapan sa buhay niya, at sa career niya.

REY PUMALOY
Abante Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: