Ogie Alcasid reveals his biggest ‘lovers’ quarrel’ with Regine Velasquez

Ogie Alcasid reveals his biggest 'lovers' quarrel' with Regine Velasquez

“Kahit sinabing second choice lang daw ako dahil may nauna na silang tinawagan for the role, hindi ko rin ‘yon pinansin. Sa akin, malaking challenge ito. Although nakagaganap na ako ng ganung role [babae] sa Bubble Gang, iba naman ito, pelikula ito,” says Ogie Alcasid about his feminine role in Desperadas 2.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press ang shooting ng Desperadas 2 sa Bonifacio High Street, Taguig City, noong November 13.

Ang eksenang naabutan namin ay nagsa-shopping kunwari ang magkakapatid na sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marian Rivera, Iza Calzado, at ang kanilang long-lost sister na ginagampanan ni Ogie Alcasid, who portrays a woman character. Naging maayos ang shooting dahil hindi masyadong matao at well-behaved ang mga nanonood na nasa malayo lang.

Pagkatapos ng eksena ay nakausap na ng PEP si Ogie during their lunch break.

Hindi ba siya tumanggi nang i-offer sa kanya ang role na isang babae sa movie na idinidirek ni Joel Lamangan?

Sabi ni Ogie, “Nang tumawag ang manager ko [Leo Dominguez] at may offer nga raw si Mother Lily [Monteverde] na gaganap akong babae, hindi bading, sa Desperadas 2, hindi na ako nagdalawang-isip. Kahit sinabing second choice lang daw ako dahil may nauna na silang tinawagan for the role, hindi ko rin ‘yon pinansin. Sa akin, malaking challenge ito. Although nakagaganap na ako ng ganung role [babae] sa Bubble Gang, iba naman ito, pelikula ito.”

Matatandaang si Eugene Domingo dapat ang gaganap sa papel ni Ogie, pero nagkaroon ng problema sa pagitan ng aktres at ng Regal Entertainment.

Dahil ang ginagampanang role ni Ogie ay prinsesa ng fictional tribe na Kwelali, na nasa pagitan daw ng Africa at South America, kailangang paitimin ang mga bahagi ng kanyang katawan na nakalitaw—mukha, leeg, kamay, at paa.

Ilang oras siyang nilalagyan ng makeup?

“Two hours,” sagot ni Ogie. “Nang nagsu-shooting na kami, doon ko naisip na bakit ko ba tinanggap ang role, mahirap pala! May fake fingernails pa ako. Okay lang siya kapag inilalagay, pero masakit kapag tinatanggal na.

“Pero very helpful ang mga girls [Ruffa, Rufa Mae, Marian, and Iza]. Tinuturuan nila ako kung paano magsuot ng high-heel shoes, kung paano maglakad. Na-enjoy ko na rin ang pagsu-shooting.

“I’m glad lang na hindi ko na kailangang magbago ng boses dahil okey daw naman ang voice ko for a woman. Saka hindi naman ako masyadong nagsasalita. Native dialect ako kaya may interpreter ako, si Joy Viado. Kapag nag-dialogue ako ng Tagalog, parang sa text, ‘Wer u na?’ ‘Am here na.’

“Sana magustuhan nila ang Desperadas 2. Miss ko na rin kasi ang mapanood sa big screen. Ang last ko pang movie, yung Shake, Rattle & Roll 8 two years ago,” saad ni Ogie.

Nasigawan o nagalit na ba sa kanya si Direk Joel Lamangan sa shooting?

“Hindi pa naman,” mabilis na tugon ni Ogie. “Masunurin kasi ako, hindi ako gagawa ng ayaw niya. Hindi naman maninigaw si Direk Joel kung hindi ka gumagawa ng mali.”

Ang Desperadas 2 ay official entry sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF).

KARYLLE’S DEPARTURE. Sa ibang balita, nagpaalam na si Karylle sa GMA Network Center at iiwanan na rin nito ang SOP, kung saan isa sa main hosts si Ogie. Ano ang feeling ni Ogie sa desisyon ni Karylle na lumipat sa ABS-CBN? Hindi ba niya pinigilan si Karylle?

“Nakakalungkot, pero karapatan niya ‘yon kung ‘yon ang desisyon niya,” sabi ni Ogie. “Last Sunday [November 9], after SOP, binigyan namin siya ng goodbye lunch, kami nina Regine [Velasquez, Ogie’s girlfriend]. She seems fine naman, wala kaming pinag-usapan tungkol sa issue. Tawanan lamang kami nang tawanan. I guess nakatulong sa kanya ang pagri-retreat niya.”

BIGGEST FIGHT. Kumusta naman sila ni Regine, nag-aaway din ba sila?

“Ay, oo!” pag-amin ni Ogie. “Natural na siguro ‘yon sa mag-sweetheart. Pero ang pinakagrabe namin noong Tuesday [November 11]. Nagalit siya talaga dahil nakalimutan kong fourth anniversary pala namin!

Paliwanag niya, “May shooting kasi ako ng Desperadas 2, ni hindi ko siya nabati. Siya pa ang nagpadala ng flowers sa akin sa shooting. May mga plano pala siya para sa anniversary namin, pero nakalimutan ko nga, kaya sorry ako nang sorry.

“Wala pa akong anniversary gift sa kanya, pero bumili muna ako ng four to five anniversary cards at sinulatan ko ‘yon ng how I feel towards her. Sweet naman ako lagi. Talaga lang nakalimutan ko ‘yon dahil sa trabaho ko.”

JUDAY’S OSCAR CAMPAIGN. Kinumpirma rin ni Ogie na tinutulungan nila ni Regine si Judy Ann Santos sa pagre-raise ng funds na gagamitin para sa kampanya ng Ploning, na entry ng Pilipinas sa best foreign language category ng Oscar Awards next year.

“Yes, nandoon si Judy Ann sa bahay ni Regine,” pagbabalita ni Ogie. “Nagluto sila doon at kami ni Regine ang nag-imbita ng friends namin para mag-dinner sa bahay. Sila ‘yong magbibigay ng donation para sa Ploning fund ni Judy Ann.”

CHRISTMAS PLANS. May plano na ba siya sa darating na Kapaskuhan?

“Uuwi ako sa Australia, tulad ng ginagawa ko every year, to be with my two daughters,” tugon ni Ogie. “Pero sa December 26 na ako pupunta ng Australia. Kailangan pa ako para sa Parade of Stars ng MMFF sa December 24. Pero hindi rin ako magtatagal, hanggang December 31 lang ako. Babalik din ako agad dahil may New Year show ako.”

Kasama ba niya si Regine sa pagpunta sa Australia, like last Christmas?

“Wala pa, hindi pa kami nag-uusap kung sasama siya sa akin sa Australia. Kakatapos lang niyang mag-record ng bago niyang album. Busy rin siya ngayon sa rehearsal ng concert nila nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, at Pops Fernandez. Magsisimula na rin silang mag-taping ni Robin ng Totoy Bato,” saad ni Ogie.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: