Blind Item: Actress-Politician, nakipag dirty dancing sa sementeryo

Halos mag-lock jaw ang aming mga kasama nitong nakaraang Todos Los Santos sa isang eksena na nakita namin sa isang memorial park diyan sa may bandang Parañaque na kung saan isang kilalang actress-politician ang bida.

Masaya kaming nagkukuwentuhan ng aking mga pinsan ng isang malakas na tawanan ang aming narinig at nang lingunin namin ang pinagmulan ng tawanan ay nakita namin ang nasabing actress-politician na humahataw sa sayaw.

Wala siyang pakialam kesehodang marami ang nakatingin. Napapailing naman ang ibang mga nanonood sa kanya.

Halatang lasing na ang actress-politician dahil kung hindi ba naman, makakaya kaya niyang gawin ito sa harap ng napakaraming tao?

Aba, eh, tiyak masisira ang kanyang reputasyon dahil sa ginawa niya. Isa pa naman siyang elected official sa kanilang lugar, huh!

Hulaan ninyo kung sino ang kapareha nito sa dirty dancing. Ito ay walang iba kundi ang lover nito niya na ‘di hamak na mas bata sa kanya at napabalitang hiniwalayan na nito.

Press release lang pala ang sinasabi nilang hiwalayan noong magdeklara ito ng kanyang kandidatura.

Hindi na kailangan pang magbigay ng clue dahil siguradong kilala na ninyo ito dahil maraming siyang controversial issue na kinasangkutan lalo na with regards sa pananalapi.

RAYMUND VARGAS
Journal Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: