Gretchen Barretto to host new TV5 game show, “You and Me Against the World”

Gretchen Barretto to host new TV5 game show, "You and Me Against the World"

“I try my best to be positive. I’m not perfect, but you know, things happen. I get hurt, I cry, but after a while, kailangan iniri-release mo rin yun. Hindi puwedeng tagu-taguin,” says Gretchen Barretto.

Si Gretchen Barretto ang naging finale at highlight ng launching ng second season ng TV5, at advance Christmas party na rin ng TV network para sa entertainment press, kagabi, November 12, sa A-Venue Hall sa Makati Avenue. Nagsilbi na rin itong presscon para sa bagong game show ni Gretchen sa TV5, ang You And Me Against The World, na magsisimula nang mapanood sa November 23, Sunday, at 7 p.m.

Hindi itinanggi ni Gretchen na ang partner niyang si Tonyboy Cojuangco, na siyang may-ari ng TV5, ang unang nag-convince sa kanya to host a game show. When asked how much it cost TV5 to convince her to host You And Me Against The World, nagbiro si Gretchen na, “TV5 can’t afford me. But definitely, Tony can.”

Pero ayon kay Gretchen, “It took him three years bago niya ko na-convince, three years na niyang ino-offfer. Ayoko sanang magtrabaho sa Channel 5 kasi ang gusto ko, I want to make it on my own. Parang iba yung sa amin, iba yung akin. But, this is a very good show.”

It only goes to show na siya talaga ang reyna ng TV5, biro sa kanya ng entertainment press.

“Reyna ako ng buhay ni Tonyboy, you know!” natatawa niyang sabi.

You And Me Against The World was conceptualized by Mr. Bobby Barreiro and his team especially for Gretchen.

“Yes, they designed it for me and then they presented it to me, and I fell in love with the concept,” saad ni Gretchen.

During the raffle, ay nakantiyawan si Gretchen na ipamigay ang kahit alinman sa kanyang suot kagabi. After giving it much thought ay walang nagawa si Gretchen kundi ipa-raffle ang kanyang Oscar de la Renta shoes, na sabi-sabi ay nagkakahalaga ng forty to seventy thousand pesos.

Pero sa game show ni Gretchen, mas malaki pa ang premyong ipamimigay ni Gretchen dahil guaranteed daw na every Sunday ay mamimigay sila ng isang milyong piso sa isang contestant. Bukod-tanging ang You And Me Against The World lang daw ang makakagawa nito na, definitely, napakalaking pera na mailalabas nila.

Bukod dito, sinabi ni Gretchen na meron din siyang personal gifts na ipinamimigay sa mga celebrity contestant na close sa kanya, gaya nina Lucy Torres-Gomez, Arnell Ignacio, at Ai-Ai delas Alas na binigyan niya ng branded bags.

The question is, maging consistent kaya ang game show ni Gretchen sa pamimigay ng isang milyon linggo-linggo?

“Well, I signed up for one season lang. And then, we’ll see. Hindi ko kasi alam kung mag-e-enjoy ako or hindi, di ba? Until na mag-tape ako na nag-e-enjoy ako. So, we’ll see. Alam n’yo naman ako, bugnutin, di ba? Minsan nag-e-enjoy ako, tapos biglang, ‘Ay naku, I’m tired na!'” natatawang pag-amin ni Gretchen.

JOHN AS CELEBRITY CONTESTANT. Sa first episode ng You And Me Against The World, isa sa celebrity guests ay si John Estrada, na minsan na ring naintriga kay Gretchen dahil sa kanilang “kisscandal.” Kumusta naman ang pagge-guest ni John sa kanyang show?

“Very nice naman because hindi pa kami nakikita in public together. Hindi alam ng tao kung talagang friends kami or kung magkaaway. The truth is talaga namang we were okay all this time. Alam naman namin kung ano talaga ang nangyari. It’s good because I have his support and I always support him naman in anything that he does.And Lucy Torres-Gomez is also my very good friend, so lahat ng nag-guest sa amin, talagang mga friends ko,” paliwanag ni Gretchen.

Nang malaman niyang magiging guest niya si John, ano ang naging reaction niya?

“Natawa lang ako. Sabi ko, ‘It’s okay. Kaya ba niya ang tension?” tawa ni Gretchen.

May blessing ba ni Tonyboy ang pagge-guest ni John?

“Hindi naman ako nagpapaalam. Alam naman niyang station naman niya yun. More or less, alam niya.”

May say ba siya sa mga guest?

“No,” mabilis niyang sagot. “Lahat ginawa nila. Ayokong makialam sa production. Ayokong masabihan nila na mahadera ako. So, parang you do what you want.”

Magge-guest ba si Tonyboy sa show niya?

“Kung siya ang magge-guest, kailangan five million ang prize na ipamimigay ko that episode!” natatawang sabi ni Gretchen.

Ba’t hindi niya i-dare si Tonyboy na mag-guest?

“I dare him with other things. There are better things to dare him with!” tawa ni Gretchen. Pero bigla siyang bumawi at sinabing, “That’s just my joke. Take my humor na lang. Sorry yung humor ko, may pagka-off talaga.”

GOLDEN WEDDING ANNIVERSARY. Nabalita rin at hindi rin naman itinanggi ni Claudine Barretto na may offer para mag-guest din siya sa show ng kanyang Ate Gretchen. Tinanong si Gretchen kung bakit hindi nakarating ang kanyang bunsong kapatid.

Paliwanag ni Gretchen, “Channel 2 kasi, di ba, some of the stars, hindi pinapayagan? And at that time, sabi niya nga, may sakit siya. So, hindi ko rin alam kung paano. You know, it’s really sad na yung ibang station, ayaw nilang magpahiram talaga.”

Kinorek naman ni Gretchen ang nagtanong sa kanya na sinabi raw ng kapatid niyang si Claudine na hindi siya darating sa 50th wedding anniversary ng kanilang mga magulang. Lahat daw ng magkakapatid na Barretto, except for Gretchen, ay aligaga sa pag-aasikaso ng golden wedding anniversary ng kanilang parents.

“You know what, I try to really avoid what people say,” sabi ni Greta. “I already mentioned that I want to be positive in my ways, in my thoughts. So kung ano ang amin, hindi naman trabaho yun, di ba? Hindi naman yun kasali sa show, di ba? Hindi ko naman kailangang i-promote. Huwag na nating i-touch. Huwag na nating guluhin.

“You know, it’s their 50th anniversary, let’s keep it private. Sana naman, there’s something in our life that we can keep private. At saka, pamilya ‘to, e. Puwede naman nating sabihin, ito pamilya, ito trabaho. Lay off naman tayo. You know, life is so short.”

But will she be there?

“I will not tell you because that’s my private life,” sagot niya. “Ayokong pagpiyestahan at pag-usapan ang anniversary dahil sa pagsipot ko or dahil sa hindi pagsipot. Gusto kong maging Gretchen na Gretchen na ordinaryo, at hindi Gretchen na Gretchen.”

Nang may gusto pang mag-follow-up tungkol dito ay sinabi agad ni Gretchen na, “Huwag na nating gatungan. Kasi pamilya ‘yan, e. Wala naman tayong… Yun lang naman yun, e. Iba na lang ang gatungan n’yo.”

May message ba siya para sa 50th wedding anniversary ng parents niya?

“I don’t wanna talk about it,” may diin niyang sabi. “I said it already once, and this is the second time.”

When asked about her wishes for her family, Gretchen has only this to say: “You know, I don’t wish. I make things happen.”

LET’S BE POSITIVE. Sinabi ni Gretchen na ang maging “positive in life” ang goal niya ngayon.

“Well, because it’s good to be positive,” rason niya. “Ang daming nagkakasakit. Ang daming namamatay. Si Joyce [Jimenez, her friend] naaksidente, muntik na siyang mamatay. I’m thinking, ‘Oh my God, kung ganito lang ang buhay, why be negative?’ I mean, what if one day, you’ll wake up knowing that you’ll only have four months to live, or a month or a year to live? Kailan ako maghahabol? Kailan ako magso-sorry? Kailan ako magpi-peace sa tao?”

Dagdag ni Gretchen, “I try my best to be positive. I’m not perfect, but you know, things happen. I get hurt, I cry, but after a while, kailangan iniri-release mo rin yun. Hindi puwedeng tagu-taguin.”

Naging mainit na isyu rin ang sa pagitan ng kaibigan dati ni Gretchen na si Nadia Montenegro at ni Mrs. Rose Flaminiano. Sa kabila nito ay nanatiling tahimik at hindi sumawsaw sa isyu si Gretchen. Is this because she’s really really trying to be positive?

“Hindi ba… I read, yung mga self-help books, I chance upon yung ‘always look the positive upon the negative situation.’ Akala mo negative ang situation. But if you try to quiet down, hindi ka magsasalita at iisipin mo yung positive about the person, kung ano ang dahilan kung bakit ka napamahal sa akin, I’m sure may dahilan. Kapag inalala mo yun, and if you remember it, mawawala ang galit mo, e.

“And you know, kanina lang, sinasabi ko kay Patrick Rosas [Gretchen’s stylist], I will not say nasty things about Nadia. Minahal ko siya, minamahal ko siya. Meron siyang maraming nagawang mabuti sa buhay ko. When I was not Gretchen Barretto na maraming pera, generous siyang tao, generous siyang friend.

“Nilibre niya ako sa magagandang parlor, sa mga restaurant na mamahalin. Nireregaluhan niya ako ng magagandang damit at sapatos. Paano ko sisiraan ang taong nagbigay sa akin ng…gumawa ng kabutihan sa akin noong hindi naman niya talaga kailangang gawin sa akin yun? You know, kahit na anong sabihin ni Nadia, ayokong magsalita We had good times.”

So, possible na ang reconciliation sa pagitan nila?

“You know in this world, anything is possible, di ba? So, hindi ko pipilitin. Pero alam ko that one day, it will happen kasi yung bond namin, malalim,” saad ni Gretchen.

When asked about her lovelife, very game namang sumagot si Gretchen at natawa pa nang sabihin: “Hindi ako nasisiraan ng lovelife. Ewan ko sa inyo! Ako, nadadagdagan ang lovelife ko!”

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: