Heart Evangelista: “Yes, I think I am in love!”

"Yes, I think I am in love!"

“You know, I’m at the highest point right now. Everything, all my stars are aligned when it comes to my family, my lovelife, my career, my health. Everything is aligned for the very first time in my life. Parang now, ‘Wow, I deserve that!'” says Heart Evangelista.

Kagabi, November 11, ginanap ang grand launch ng pinakabagong fantaserye ng GMA-7, Luna Mystika. Ito ay pinagbibidahan ni Heart Evangelista, na gumaganap ng dalawang karakter bilang Luna at Celestina.

Ang Luna Mystika ang ikalawang primetime series ni Heart sa Kapuso network, pagkatapos ng magtatapos ngayong linggo na Codename: Asero nila ni Richard Gutierrez. Kaya naman excited si Heart na ang follow-up project niya sa GMA-7 ay title role na agad.

“Confident naman ako na napakaganda ng produktong ito, yung show. And of course, kasama ko pa si Mark [Anthony Fernandez], si Cyrus na talaga namang hot item siya ngayon. Hindi ako ganoon kinakabahan. Pero siyempre, nandoon yung first time ko rito sa GMA na ako mismo ang lead role,” pahayag ni Heart.

Ang Cyrus na tinutukoy ni Heart ay ang pangalan ng character ni Mark sa huling programa ng aktor, Ako Si Kim Samsoon.

Ang Luna Mystika rin ang unang pagsasama nina Heart at Mark. Ayon kay Heart, noong Lunes, November 10, pa lang daw kinunan ang unang eksena nilang magkasama.

Kuwento ni Heart, “Okey naman kami. Nagkukuwentuhan na kami ni Mark. Siyempre, may konting hiyaan pa rin. But then, you know, si Mark, napaka-gentleman at hindi siya yung nagte-take advantage ng babae. At alam mo yung gusto niya na ipakita mo if it’s okay with you na ganito. So, I feel more comfortable. Nae-excite ako sa kanya at sa buong show na ito ng pagsasama namin.”

Puro papuri ang maririnig kay Mark patungkol kay Heart. Ano naman ang masasabi ni Heart na tila naging instant fan niya ang leading man? (CLICK here to read related story.)

“Wow naman!” bulalas ni Heart. “Wala namang nakapagsabi na pang-award… Never ko namang pinangarap yun dahil parang napakabigat niya, kaya thank you. Coming from Mark, na bata pa lang kami, napapanood ko na siya. Crush siya ng mga pinsan ko, tapos ngayon, nakakatrabaho ko na siya.

“Masaya talaga! I’m very flattered. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tuyung-tuyo na ang throat ko. I’m speechless! Noong makita ko yung billboard doon sa may GMA sa labas, parang hindi ko akalain na, wow, mangyayari pala ito sa akin! It only happens in dreams, e, you know, na makakabalik ako, na I can stand up again, yung ganoon. Parang movie lang, pero nangyari,” sunud-sunod na sabi ni Heart.

Hindi ba nahirapan si Heart sa pagganp ng dual character dito sa Luna Mystika?

“Yun nga, medyo naguluhan ako ng konti,” sabi niya. “Kakatapos lang namin ng taping ng Asero at dalawa agad ang character ko, so nag-ano ako… Before each take, halimbawa, magta-transform ako bilang Celestina, nagkukulong ako sa kotse, nagmu-music ako. Pati yung pabango ko, iniiba ko para feeling ko, ibang tao ako. Yun nga lang, medyo nagkaka-nightmares ako kasi medyo ini-invade ko siya.

“Pero nakaka-excite, especially kung ang kasama mo, ibang grupo naman—sina Mark, everybody here, sobrang focus nila sa trabaho. Talagang pinag-aaralan nila ang script. Sila Direk [Mike Tuviera], ine-explain nila sa ‘yo ang bawat eksena kaya kaming lahat, parang we’re in to what we are doing. Nakaka-inspire siya. Nakaka-excite!”

May kaba ba siyang nararamdaman dahil siya bale ang magdadala ng buong show nila?

“Actually, parang hindi ko ma-distinguish kung nasaan ang kaba. Kasi yung buong project na ‘to, kinakabahan ako. Not because hindi ako confident na magre-rate siya, pero yung mga loyal fans naman ng GMA, siguradong manonood ang mga ‘yan, parang susunod at susunod sila sa mga bagong shows. Pero more on, parang ibinigay sa akin, thank you. Yung ganoon,” saad ni Heart.

Pero lalo yatang kinabahan si Heart nang sabihin ni Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7, na ang expectation nila sa magiging rating ng Luna Mystika ay “40 percent.”

NEW LOVE FOUND. Pagdating naman sa lovelife ni Heart, masasabi ba niyang completely healed na siya pagkatapos ng nangyari sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales?

“You know, I’m at the highest point right now,” sabi ng dalaga. “Everything, all my stars are aligned when it comes to my family, my lovelife, my career, my health. Everything is aligned for the very first time in my life. Parang now, ‘Wow, I deserve that!'”

Dito na namin ipinasok kay Heart ang tanong kung totoong may boyfriend na siya ngayon. At hindi naman ito itinanggi ng aktres.

“Yes, I’m seeing someone now,” sagot ni Heart.

Are they exclusively dating?

“Well, ganoon kasi ako, e. Hindi naman ako yung kapag nagdi-date, marami akong dine-date. Isa lang ang idine-date ko and I’m really, really… Well, this one is really good for me.”

Hindi na rin itinanggi ni Heart na kasama niya ang kanyang boyfriend na nagngangalang Francisco Delgado nang magbakasyon sila kailan lang sa Boracay with her family. Si Francisco ay mula sa angkan ng mga Delgado na may shipping business. Anak siya ng pinaslang na businessman na si Federico “Rico” Delgado.

Pero hangga’t maaari ay ayaw ni Heart na pag-usapan ang negosyo ng kanyang bagong boyfriend.

“Well, it doesn’t matter to me. It’s not actually my business to talk about their business, but he’s very hardworking. What I like about him is he’s very low key and he’s not vulgar about anything, and I like that,” saad ni Heart.

Thirty-four years old na raw ang bagong boyfriend ni Heart, na 23 years old pa lamang. Pero wala raw problema sa dalaga kung malaki man ang age gap nila.

“Feeling ko, mas gusto ko,” sabi ni Heart. “Girls naman kasi mature faster than guy, at saka he knows what he wants. May goal siya sa buhay. And I’m like that. Ayoko no’ng parang ngayon lang, tapos hindi namin alam kung ano ang mangyayari. Natatakot ako sa mga ganoon.”

Boto ba ang parents niya kay Francisco?

“Well, actually, matagal na siyang kilala ng mom ko. Pero it’s not that boto siya ngayon. Pero right now, at this point, after that [relationship with Jericho], anything else will do. Anything else that will make me happy. Hindi naman sa ano, kundi yung maging masaya lang ako. Yun ang ibig kong sabihin,” paglilinaw niya.

Ayon pa kay Heart, this time, mas alam na niya ang dapat niyang i-prioritize.

“Alam mo, nagawa ko na ‘yan dati, ginive-up ko na ang lahat. Pero ngayon, naibigay na ulit sa akin [career opportunity], I will not make the same mistakes again. This is me, this is my heart. Uunahin ko naman yung akin,” deklara niya.

At Francisco’s age, masasabing nasa marrying age na ito. Napag-uusapan na ba nila ang kasal as early as now?

“Ang aga naman!” tawa ni Heart. “We’re only dating for four, five months, I think. Basta, happy naman ako ngayon.”

Is Heart in love?

“Yes, I think I am in love!” walang gatol niyang sabi. “Ano kasi ako ngayon, naniniguro muna ako ngayon. You think about anong klaseng love ba ito, pang-forever ba ito?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: