Ipon ni Kitkat ninakaw ng bf

Kahapon ng umaga ay nagpunta sa himpilan ng pulisya ang komedyanang si Kitkat para ipagbigay-alam ang pagnanakaw sa kanya. Ang inaasahan namin ay akyat-bahay gang ang kanyang isusum­bong, pero nagulat kami, mismong boyfriend pala niya nang anim na taon ang ipina-blotter niya.

Ayon sa komedyana ay anim na taon na silang mag­karelasyon ni Alfred Lumanlan, pero pinagna­kawan pa rin siya nito, ang dahilan ay ang pagka-casino ng lalaki.

Ikinuwento rin ni Kitkat na nung nakaraang linggo lang ay pinag-withdraw pa siya nito nang P130,000, kailangan daw magbayad ng kanyang boyfriend sa mga credit card bills nito, binigyan niya ng pera ang lalaki.

Kaso, nung dumating ang bill ng lalaki ay nakita niya, hindi naman pala nito binayaran ang pagka­kautang. Kinompronta niya ang lalaki, nagkaroon sila ng pagtatalo, hanggang sa dumating na nga ang pangyayari kahapon ng umaga.

Ayon kay Kitkat ay tinangay ni Alfred ang kanyang mga alahas, pinakialaman nito ang mga pinaghirapan niyang ipundar, kaya nagdesisyon siyang mag-report na sa pulisya.

Nakakahiya ang pangyayaring ito kung tutuusin, puwedeng ikapahiya ni Kitkat ang senaryo, pero kahanga-hanga pa rin ang komedyana sa pagiging totoo niya.

Hinahawakan niya ngayon ang passport ng lalaki, sisiguruhin daw niyang hindi ito makalalabas ng bansa, para panagutan ang ginawang kasalanan sa kanya.

Si Kitkat pa naman, kahit anong klase ng trabaho basta legal ay pinapasukan niya, basta kumita lang siya. Kahit malalayong probinsiya ay ginagalugad niya para lang madagdagan ang kanyang naiipon.

Pero nakalulungkot, ang perang napakatagal niyang inipon ay tinangay ng kanyang boyfriend, ayon kay Kitkat ay P250,000 daw ang natangay nito kasama ang kanyang mga alahas.

Anim na taon na ang kanilang relasyon, hindi na bubot ang panahong pinagsaluhan nila kung tutuusin, pero hindi naging dahilan yun para pahalagahan ng lalaki ang kanilang relasyon.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: