GMA, umuungos na sa NUTAM?

Naungusan ng GMA Network ang mahigpit nitong kalaban sa nationwide TV ratings sa simula ng huling quarter ng 2008.

Ayon sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) survey ng AGB Nielsen mula October 12 hanggang 18, nagtala ang GMA Network ng average total day people rating na 8.4% laban sa 8.3% ng ABS-CBN.

Sa average total day household rating, nagtala ang GMA Network ng 16.6% kumpara sa 16.9% rating ng kalaban.

Ayon sa people data, 15 Kapuso shows ang kabilang sa listahan ng overall top 30 programs nationwide.

Nanguna sa listahan ang Dyesebel. Ang Code­name: Asero ay nasa ikaapat na pwesto samantalang ang Lalola ay nasa ikapitong pwesto matapos magpremier noong Oktubre 13.

Ang primetime newscast na 24 Oras ay nasa ikasampung pwesto kasama ang Goin’ Bulilit ng ABS-CBN.

Samantala, patuloy na nangunguna ang GMA Network sa TV ratings sa Total Urban Luzon.

Sa Luzon nagmumula ang 76.3% ng total urban TV household population ng buong bansa. Ang Luzon din ang may pinakamalaking share na 66.1% ng kabuuang personal consumption expenditure sa buong bansa ayon sa National Statistical Coordination Board data para sa 2007.

Nakakuha ng 9.3% total day people rating ang GMA laban sa 7.0% ng ABS-CBN sa Urban Luzon mula October 12 hanggang October 18.

Dagdag pa rito, 19 sa top 30 programs ay galing sa GMA at ang top five slots ay nakuha ng Dyesebel, Codename:Asero, Lalola, Bitoy’s Funniest Home Videos at 24 Oras.

Sa Metro Manila, 18 sa top 30 programs ay pawang mga Kapuso show at ang Dyesebel, Lalola at Kapuso Mo, Jessica Soho ang top three programs.

Sa North/Central Luzon, 20 sa top 30 programs ay mula sa GMA. Kinuha ng Codename: Asero, Dyesebel, 24 Oras, Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok, Lalola, Kap’s Amazing Stories at Bitoy’s Funniest Videos ang top seven slots.

Sa Urban South Luzon, 17 sa top 30 programs ay mula sa GMA sa pangu­nguna ng Dyesebel, Codename: Asero at Lalola.

Nagtala rin ng pagtaas sa ratings ang mga programa ng Kapuso Network sa Urban Visayas at Urban Mindanao.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

2 Comments »

  1. 1
    regie Says:

    october 12 to 18 lang ba ang basehan…….hellllloooooooo!!!!!!!oist gcng!

  2. 2
    regie Says:

    ang tagal nga maglabas ng nutam ngaun for october eh baka dinodoktor na……kakatakot baka gapangin na sa grocery at P500. hehehehhe


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: