Jennylyn Mercado chooses her baby’s five godparents

Jennylyn Mercado chooses her baby's five godparents

“Twenty-nine kasi yun! Yung 29 na yun, ano yun, e, yun ang anniversary namin. ‘Tapos sakto, yun ang date ng anniversary namin. ‘Tapos, pinaalala niya sa akin. Ako, naisip ko, ano ba itong 29 na ito? ‘Ah, gumagano’n ka, ha!’ naalala pa niya [Mark], nakakatuwa,” relates Jennylyn Mercado about what former boyfriend Mark Herras did while they were taping an episode for Dear Friend.

Balitang kaalis lang ng bansa ni Jennylyn Mercado for a show abroad at by December na raw ang balik nito.

Pero bago siya umalis, nagpaunlak muna ng interview sa Startalk ang unang Starstruck female survivor na animo hindi nanganak dahil sa pagka-slim nito.

PROUD OF AJ. Sa recent guesting niya for All Star K nakausap ng Startalk crew si Jen for their taped interview at nagkuwento agad ito ng mga recent developments ng kanyang two-month-old baby na si Alex Jazz or AJ.

“Hindi na siya masyadong iyakin. Pala-smile na siya. Tahimik na siya, nakikipaglaro, nakikipag-usap. At saka, natatawang biro nito na, “Nagdya-jogging, gumigimik na, Ha-ha-ha!”

Sa mga nagkukuwestiyon naman daw in terms of the baby’s father, ito naman daw ang naging buwelta ni Jennylyn.

“FYI, hindi ko pa po pinapa-DNA test ang baby. At hindi ko rin naman kailangan. Ako lang naman ang nanay, anak ko lang yun. So, di ba? Bakit pa? I don’t care. Okey lang yun. Baby and Jen. Period. Yun lang yun.”

Tumanggi na rin daw si Jen na mag-comment pa about the recent guesting of Patrick’s mom, Bing Garcia in Showbiz Central last Sunday.

“Naku, ayoko nang mag-comment about it. Tapos na…out na sila sa picture at naka-move na po ako. Out na sila sa picture. Baby and Jen. Period. Tapos na, di ba?”

Ayon kay Jennylyn, hindi naman daw niya ipagkakait sa anak ang katotohanan tungkol sa buhay nito.

“Siguro, kapag nakakaintindi na siya, kailangan niyang malaman ang totoo. Mahaba pero, sasabihin ko na lang sa kanya, next question anak,” natatawa na lang niyang sabi.

BOUNCING CHECKS. Isa pang nilinaw ni Jen at ikina-react niya ay ang isyu namang may mga checks daw siyang tumalbog.

“Siguro, kung gusto nilang magsulat sa akin, tanungin nila ‘ko. Huwag silang manghula, di ba? Alam ko na yun ang mga trabaho nila, pero, i-confirm nila kung tama ba yun or hindi.”

REMEMBERING THEIR PAST. Sa ngayon, masaya raw si Jen dahil sa magandang pagtanggap ng mga tao sa balik-tambalan nila ni Mark Herras sa Dear Friend na pumalo ng 16.7 percent over 10.2 percent rating ng katapat nilang programa.

Sa taping nga raw nila, hindi naiwasan ng dalawang magbalik-tanaw sa isang mahalagang date sa buhay nila.

“Twenty-nine kasi yun! Yung 29 na yun, ano yun, e,‘yun ang anniversary namin. ‘Tapos sakto, yun ang date ng anniversary namin. ‘Tapos, pinaalala niya sa akin, ako, naisip ko, ano ba itong 29 na ito?

“‘Ah, gumagano’n ka, ha!’ naalala pa niya [Mark], nakakatuwa.”

THE NINONGS AND NINANGS. Definitely raw, isa na si Mark sa mga napiling ninong ni Jen para sa anak na si AJ.

“Kasama na talaga sila sa plano ko…’yang si Mark, si Rainier Castillo, si Yasmien Kurdi, si Nadine Samonte, si Katrina Halili, ‘yang lima, sila na talaga ang kukuhanin kong mga ninong at ninang.”

When asked kung sino pa raw ba ang mga inimbita niya, like si Patrick daw ba, iimbitahan niya?

“Puwede siyang maging ninong kung gusto niya. Ninong! Ha-ha-ha!”

Sa huli, nagpasalamat nga si Jen sa mga sumusuporta pa rin sa kanya.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: