Marian Rivera admits being affected by rumors that she is the “third party” in Dingdong-Karylle breakup

“Masakit mapagbintangan, lalo na’t hindi totoo. Sinasabi ko nang hayagan, wala po kaming serious relationship ni Dingdong. Ang meron kami ay isang magandang loveteam, isang magandang samahan, na salamat sa Diyos ay naging effective naman at tinanggap ng mga nanonood sa amin. Gusto ko pong alagaan at ipagpatuloy ‘yan hangga’t binibigyan kami ng pagkakataon,” says Marian Rivera.

Pagkatapos magbigay ng kani-kanilang pahayag sina Dingdong Dantes at Karylle kaugnay ng kanilang breakup, nagbigay na rin ng kanyang official statement si Marian Rivera sa hindi pa rin matigil-tigil na pagdawit ng kanyang pangalan.

Si Marian ang itinuturong “third party” sa breakup nina Dingdong at Karylle, pero pinabulaanan na ito ng tatlo sa magkakahiwalay na interviews. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin ang naniniwala na may kinalaman si Marian sa paghihiwalay ng kanyang ka-loveteam na si Dingdong at sa dating girlfriend nito na si Karylle.

Lalo pang umigting ang usap-usapan sa namamagitang relasyon diumano nina Dingdong at Marian nang umamin ang aktres na break na rin sila ng kanyang dating boyfriend na si Ervic Vijandre. Tumagal ng halos walong taon ang relasyon ni Marian at ni Ervic, na dating varsity player ng San Sebastian Recoletos at ngayo’y isang modelo.

Isang official statement ang ipinadala ni Marian sa Showbiz Central kaninang hapon, November 9. Dito ay inamin ng aktres na naaapektuhan na siya sa mga naglalabasang balita na siya ang dahilan ng breakup nina Dingdong at Karylle. Pero iginiit niya na walang silang seryosong relasyon ni Dingdong.

Narito ang kabuuan ng official statement ni Marian:

“Aaminin ko na po na naaapektuhan na ako sa mga usap-usapan na ako ang dahilan ng breakup nina Dingdong at Karylle. Please lang po, huwag naman sanang gano’n.

“Kahit ako o kahit sino siguro sa atin, walang makakaalam, makakaunawa, at higit sa lahat walang dapat manghimasok sa pinagdadaanan nilang dalawa. Silang dalawa lang po ‘yan. At kahit ako nga, walang nalalaman sa totoong namagitan sa kanilang dalawa.

“Ang katatagan po ng kahit anong relasyon ay nakabase sa kung paano kayo makisama sa isa’t isa, at kung paano ninyo haharapin ang mga pagsubok. Puwede kayong mag-fail o puwede kayong mag-stick together lalo. Nasa inyo na po ‘yon, di ba?

“Kung tunay at wagas ang pagtititnginan ninyo sa isa’t isa, at you can stand the test of time, hindi kayo maghihiwalay. Pagsubok kasi ‘yan. Walang isa na may kasalanan o masisisi pag nagkahiwalay. Alam ko po ‘yan dahil naranasan ko din kasi.

“Masakit mapagbintangan, lalo na’t hindi totoo. Sinasabi ko nang hayagan, wala po kaming serious relationship ni Dingdong. Ang meron kami ay isang magandang loveteam, isang magandang samahan, na salamat sa Diyos ay naging effective naman at tinanggap ng mga nanonood sa amin. Gusto ko pong alagaan at ipagpatuloy ‘yan hangga’t binibigyan kami ng pagkakataon.

“Maraming salamat.”

ERWIN SANTIAGO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: