Survivor Philippines panis sa Pinoy Fear Factor

Nagkaroon ng press preview ang Pinoy Fear Factor noong Lunes at naloka ang mga reporter sa napanood na first three episodes ng show.

Talagang super exciting ito at nandiyan ang shock factor!

Mapapangiwi ka na lang habang nanonood kasi nakikita mo talagang nagkakasakitan dahil sa mga mahihirap na stunts na ipinapagawa sa immunity challenges.

Siguradong maglalaway din ang viewers once na makilala na nila ang 12 participantes sa PFF.

Kasi naman puro hunks at babes ang mga kasali rito.

Super boobsy si Gail na winner ng Bikini Summit ’07. Si Savannah naman ay super kikay na mala-Ethel Booba ang dating. Isa siyang ledge dancer at maaga siyang “naglandi” at nagka-crush kaagad kay Ram.

Si Janna naman na galing sa Wowowee ang pinakabata at 18 at pinaka-cute sa grupo. Siyempre kilala na ng lahat kung sino sina LJ at Phem na pareho pa ring maganda at sexy hanggang nga-yon at parehong 27 years old.

Wala ka ring itulak-kabigin sa mga kalalakihan. Nandiyan si RJ na isang kargador na taga-Parola, Tondo.

Half-French siya tulad ni EJ ng PBB Teen kaya naman guwapings siya kahit moreno. At 20 years old ay may asawa na siya at dalawang anak. Among the 12 parti-cipantes ay siya ang “nangangailangan” nang husto sa P2M cash prize.

Si Jose naman ang tisoy sa grupo kasi may dugo siyang Español. Si Elmer naman ang hunky veterinarian at si Marion ang 21 years old na balikbayan mula sa Austria. Nandiyan si Ram na Century Tuna Bikini winner na isa ring ex-basketball player ng Baste. Siya ang pinakamatangkad at may pinakamagandang katawan sa mga lalaki.

Si Manuel naman ang struggling businessman na may anak sa pagkabinata. At si Jommy ang ating resident playboy na habulin ng mga babaing may asawa na.

We could see why dahil napaka-charming niya. Siya rin ang “joker” sa grupo.

Bigla tuloy napanis sina JC, Jayce, John, Kiko at Rob ng Survivor Phils sa hunks ng Pinoy Fear Factor. Promise!

We could hardly wait to watch the show on Monday, Nov. 10.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: