Karylle’s reported transfer to ABS-CBN confirmed

Karylle's reported transfer to ABS-CBN confirmed

Karylle and her new management team, STAGES, have announced the transfer the singer-actress to ABS-CBN. This comes a few days after confirming her breakup with Dingdong Dantes.

Sa official statement na ipinadala ng STAGES sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through email, nakumpirma ang balitang lilipat na ang singer-actress na si Karylle sa ABS-CBN. Ang STAGES ang talent management na humahawak ngayon sa career ni Karylle.

Pero bago man makakuha ng kopya ang PEP ng official statement ng STAGES, isang GMA-7 insider ang nagsabi sa amin na lilisanin na nga ni Karylle ang Kapuso network.

Ayon sa source ng PEP, pumunta si Karylle at ang kanyang tumatayong manager na si Carlo Orosa sa 7th floor ng GMA Network Center. Pormal nang nagpaalam ang singer-actress sa big bosses ng GMA-7, partikular na sa SVP for Entertainment TV na si Ms. Wilma Galvante.

Pinabulaanan naman ng aming source ang lumabas na report na nagpaalam na rin daw si Karylle sa Sunday musical-variety show na SOP. Wala pa raw kasiguraduhan kung sa darating na Linggo, November 9, na ang huling pagkakataon na mapanood si Karylle sa SOP.

May mga trabaho pa raw si Karylle na kailangan gawin at tapusin bago siya makalipat sa Kapamilya network, kabilang na ang pagkanta niya ng Philippine National Anthem sa laban nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya sa December 7 (Philippine time).

Bukod sa SOP, napanood din si Karylle sa mga sumusunod na GMA-7 primetime series: Twin Hearts, Encantadia, Etheria, at Kamandag. Lumabas din siya sa ilang episodes ng Love To Love at Magic Kamison. Naging co-host din siya ng Pinoy Idol Extra.

Sa pag-alis ni Karylle sa bakuran ng GMA-7, hindi maiiwasang iugnay ang nakumpirma nang breakup nila ng dating boyfriend na si Dingdong Dantes. Labis sigurong nasaktan si Karylle sa kinasapitan ng relasyon nila ni Dingdong, kaya mas madaling maghihilom ang kanyang sugat kung magkaiba na sila ng network ng dating kasintahan.

May nagsasabi rin na dahil priority ng Kapuso network ang loveteam nina Dingdong at Marian Rivera, marahil ay naramdaman ni Karylle na hindi siya gaanong mapuproteksiyunan ng network.

Bago inilabas ng PEP ang mga impormasyong ito, hiningan muna namin ng kumpirmasyon ang bagong talent management ni Karylle, ang STAGES, sa pamamagitan ng publicist nito na si Oliver Oliveros.

Nagpapasalamat ang PEP dahil mabilis ang naging tugon ni Oliver at nagsabing ipapadala raw niya sa pamamagitan ng email ang kanilang official statement tungkol sa paglipat ni Karylle sa ABS-CBN.

Ayon sa official statement na ipinadala ng STAGES, naging maayos naman ang pagpapaalam ni Karylle kay Ms. Galvante. Sinabi rin ng GMA-7 executive na bukas pa rin ang Kapuso network kay Karylle kung sakaling magdesisyon siyang bumalik.

Nakahanda na rin daw ang mga show na lalabasan ni Karylle sa ABS-CBN. Posibleng ang isa sa mga ito ay ang katapat na musical-variety show ng SOP, ang ASAP ’08, kung saan kabilang ang ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla.

Narito ang kabuuan ng official statement ng STAGES:

“Karylle Tatlonghari receives the blessing of Wilma Galvante, GMA-7 SVP for Entertainment, and Darling de Jesus, GMA-7 AVP for Magazine/Musical/Variety, to do television projects with ABS-CBN.

“The decision to move to ABS-CBN has been initiated by STAGES, Karylle’s new management team.

“‘As Karylle’s new partner in the industry, we’ve been exploring the best projects for her, in and out of television networks, that will continuously hone her singing, acting and hosting skills. She’s got incredible talent that is yet to realize its full potential,'” says Carlo Orosa, Business Head, STAGES Talent Group.

“Karylle is very grateful to GMA-7 for all the opportunities the network has given her. GMA-7 has been behind her success since the early years of her career.

“Galvante wishes her the best, and leaves the door open if she decides to return to GMA-7 someday.

“Karylle will finish her commitments in GMA-7 including her appearances on SOP, Kakasa Ka Ba sa Grade 5, and her singing the Philippine National Anthem at the Manny Pacquiao-Oscar de la Hoya boxing match at Las Vegas, Nevada on December 6.

“Karylle, warmly welcomed by ABS-CBN executives Cory Vidanes and Deo Endrinal, will be seen in ABS-CBN’s musical variety shows, and soap operas. She is set to record a new album, and reprise her critically-acclaimed portrayal of Maria in STAGES’ production of hit Broadway musical, West Side Story, in 2009.”

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: