Katrina Halili talks about nude pictorial with Dr. Hayden Kho

Katrina Halili talks about nude pictorial with Dr. Hayden Kho

“Ano po, back-to-back kami. Magkatalikuran naman po kami. At saka may mga shots din kami na magkahiwalay. At saka nandoon po naman lahat, si Dra. Vicki Belo at mga staff,” relates Katrina Halili about her nude pictorial with Dr. Hayden Kho for the Belo Medical Group.

Naurong ang pag-alis ng sexy actress na si Katrina Halili patungong Amsterdam, Netherlands, para sa shooting ng solo movie niyang Miss X. Dapat ay aalis na siya ngayong Nobyembre, pero dahil kailangan din siya para sa shooting ng One Night Only, nagpasya ang OctoArts Films, producer ng dalawang pelikulang nabanggit, na next year na lang simulan ang shooting ng remake ng Vilma Santos film.

At press time, wala pang leading man si Katrina sa Miss X. Kasalukuyan pa raw pinag-iisipan ng OctoArts kung sino ang ipapareha sa kanya. Nang tanungin namin sa young actress kung sino ang Top 5 niya na gustong makatambal, buong-ningning niyang sinabi ang mga pangalan nina Piolo Pascual, Sam Milby, Mark Anthony Fernandez, Dennis Trillo at John Lloyd Cruz.

Nalungkot naman si Katrina sa hindi pagkakatuloy ng special appearance ni Gov. Vilma Santos sa Miss X. Hindi naman daw siya nasaktan nang mapabalitang tinanggihan ito ng Star For All Seasons. Naiintindihan daw niya na baka busy ang governor ng Batangas.

“Siyempre, gusto ko rin po siyang makatrabaho. Pero siguro po, wala lang talaga siyang time. Pero sana magkatrabaho rin kami someday,” saad ni Katrina nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng One Night Only sa Grand Polo Hotel sa Antipolo City.

Habang kausap namin si Katrina, kinukunan naman ang eksena ng kasama niya sa pelikula na si Jon Avila, na naka-briefs, tumatakbo sa labas ng hotel. Ano ang reaksiyon ni Katrina kay Jon na naka-brief lang na tumatakbo?

“Wala … Niloloko ko lang yung mga makeup artists. Hindi naman ako sanay makakita ng ganun!” natatawang sabi ni Katrina.

NUDE PICTORIAL WITH DR. HAYDEN. Pinag-usapan din ang nude photo nina Katrina at Dr. Hayden Kho para sa website ng Belo Medical Group, na nasa banner ad din ng PEP.

“Opo, na-shoot po namin yun early this year, o last year pa yata yun,” sabi ni Katrina. “Actually, sa website lang po yun talaga. Kasi nung i-offer sa akin ni Dra. Belo, sabi nila may ganun silang plano, na isang lalaki at isang babae na naka-nude.”

Ang nude pictorial nina Katrina at Dr. Hayden Kho ay sabay kinunan. Nagkailangan ba sila?

“Ano po, back-to-back kami. Magkatalikuran naman po kami. At saka may mga shots din kami na magkahiwalay. At saka nandoon po naman lahat, si Dra. Vicki Belo at mga staff,” kuwento ng aktres.

Pabirong tinanong siya kung may nasilip siya kay Hayden.

“Wala po akong tiningnan kasi pagdating namin doon, nakatakip naman po kami!” natatawang sabi ng StarStruck alumna.

Yun ba ang umpisa ng pagkaka-link niya noon kay Hayden?

“Actually, nagsama po kami dati sa Celebrity Duets. Tapos minsan may mga events po sila, lagi nila ako ini-invite. Hindi ko nga rin po alam kung ba’t kami na-link. At saka pag nagkakausap kami, kaming tatlo po talaga nina Dra. [Vicki] Belo talaga.”

Kung wala ba si Dr. Vicki Belo, girlfriend ni Dr. Hayden, puwede ba silang mag-click kung sakaling ligawan siya ng doctor turned actor?

“Huwag naman! Si Kris [Lawrence] na lang!” natatawa niyang sabi.

KATRINA’S INSPIRATION. Si Kris Lawrence ang singer na nali-link ngayon kay Katrina. Aminado si Kat na inspired siya ngayon at ang taong nagbibigay ng inspirasyon sa kanya ay si Kris. Si Kris daw ang pinaka-special na lalaki ngayon sa buhay niya

“Basta I’m happy sa buhay ko ngayon, I’m blessed and inspired,” deklara niya.

Malamang na manood si Kris ng concert ni Katrina, Katrina 4 D First Time, sa November 15, sa Metro Bar, West Ave., Quezon City. Ito ay pag maagang makarating ang male singer mula sa States.

Kasama rin sa Katrina 4 D First Time sina Hayden, Erik Santos, Joross Gamboa, Ronnie Liang, at Mark Herras. Gagamitin naman ni Katrina ang Route 66 Band.

First time makakasama ni Katrina ang apat na guests niya sa isang show. Sa lima ay sina Mark, Joross, at Dr. Hayden ang kilala na ni Katrina. Although kilala naman niya sina Ronnie at Erik, hindi pa raw niya nami-meet ang mga ito.

“Excited na nga po akong ma-meet sila,” sambit  ni Kat.

Puwede kayang magkaroon ng Erik-Katrina gaya ng  Rufa Mae Quinto-Erik relationship, o kaya ma-link kay Ronnie Liang?

“May singer na po ako, e!” sambit ni Katrina.

ROLDAN CASTRO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: