John “Sweet” Lapus maintains good working relationship with ABS-CBN

John "Sweet" Lapus maintains good working relationship with ABS-CBN

Comedian-host John “Sweet” Lapus enjoys the trust and confidence of both ABS-CBN and GMA-7. In fact, John is included in the ABS-CBN-produced live comedy series dubbed Da Spooftacular Showdown, which will run for the entire month of November at the Music Museum.

Natatawa na lamang ang comedian-host na si John “Sweet” Lapus sa bagong monicker na ikinakabit sa kanya ng ilan niyang malalapit na kaibigan. Last Thursday, October 30, sa press conference na inihanda ng ABS-CBN para sa upcoming comedy show na Da Spooftacular Showdown, tinawag ng direktor na si Phillip Lazaro si John na certified “crossover star.”

Ang nasabing bansag ay patungkol siyempre sa rare privilege na kasalukuyang meron si John. Kabilang kasi si John sa iilang artista na malayang nakakapagtrabaho sa magkabilang rival networks na GMA-7 at ABS-CBN.

Originally ay nagsimula si John sa ABS-CBN bilang researcher back in 1993. Hindi nagtagal ay napansin ang natural flair ni John pagdating sa hosting at comedy, dahilan para kunin siya bilang talent ng istasyon. Dahil dumalang ang projects noong 2006, napilitan itong lumipat sa GMA-7, bagama’t nanatili siyang nasa ilalim ng pangangalaga ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Sa kasalukuyan ay dalawa ang humahawak sa career ni John—ang Star Magic at manager-columnist na si Ricky Gallardo. Ang  Star Magic ang nag-aasikaso ng lahat ng deals ni John pagdating sa live shows at movies, samantalang hawak ni Ricky ang anumang transaction na may kaugnayan sa GMA-7.

BUSY SCHEDULE. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John matapos ang press conference. Nabanggit namin ang titulong “crossover star” na iginawad sa kanya.

“Hindi naman,” nakangiting sabi ni John, “baka maging big deal pa tuloy.”

Sobrang hectic ng schedule ni John dahil bukod sa paghu-host ng Showbiz Central tuwing Linggo at sa mga rehearsals para sa Da Spooftacular Showdown, sinisimulan na rin niyang mag-taping para sa upcoming GMA-7 soap, ang Luna Mystica, na pagbibidahan ni Heart Evangelista.

Wala na ngang pahinga halos si John dahil sa trabaho. Kuwento ni John, “Supposed to be MWF ‘yong Luna Mystica, but since may Friday nga ako in November for Spooftacular, so nag-commit ako ng Monday, Wednesday for Luna, and the rest of the days is committed for Spooftacular Showdown.”

FAIR AND SQUARE. Hindi naman maitago ni John ang lubos na kasiyahan dahil patuloy pa rin siyang kinukuha ng ABS-CBN para sa ilang mga projects. Ang Da Spooftacular Showdown ay project ng ASAP Live!, na siya ring producer ng live comedy shows na PoohKwang at Rock Da Vote at the Museum.

Paliwanag ni John, “ASAP Live!…they’ve always believed in my talent. Sa hindi po nakakaalam, staff ako dati ng ASAP during its first year. Eventually kasi naging artista na ako. So, from being a staff, after a few years nun, lagi akong co-host ng ASAP. So, ito na nung nagkaroon ng ASAP Live!, naging suki na ako ng mga shows nila. So, hanggang ngayon, kahit na nasa GMA na ako, kinukuha pa rin nila ako to perform for them. So, di ba, what an honor? It is a privilege, di ba?”

Makakasama ni John sa Da Spooftacular Showdown sina Jon Santos at Candy Pangilinan, samantalang special guests naman sina Pokwang, Pooh, Vice Ganda, K Brosas, at iba pang ASAP ’08 stars.

Kahit pagod every rehearsal ay magaan pa rin ang trabaho para kay John. Pawang mga kaibigan daw kasi niya ang kanyang mga kasama sa nasabing live comedy concert na magsisimula na ngayong Friday, November 7, sa Music Museum. Tatakbo ang show sa lahat ng Biyernes at Sabado ng buong buwan ng Nobyembre hanggang ika-5 at ika-6 ng Disyembre.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang mga characters na gagampanan nila John, Jon, at Candy. As expected, muling bubuhayin ni John ang karakter ni Kris Anino, na siyang parody ng game-show host/actress na si Kris Aquino. Si Candy naman ay gaganap bilang si Charos Pempengco. Samantalang bukod sa kanyang trademark Vilma Santos impersonation ay ipapakilala ni Jon sa publiko ang sikat na American talk-show host na si Okra Winfrey.

“Maski mga guests namin na batang-batang mga stand-up comedians, mga kaibigan ko lahat ‘yan. So masaya para sa ‘kin. Working with friends is something big and masaya,” sambit ni John.

Palibhasa’y pareho-parehong may mga pangalan sa larangan ng stand-up comedy, hindi maiiwasang isipin kung may sapawan bang nangyayari sa pagitan ng bawat isa.

“Wala, parang ang tanda na naming tatlo para makipagsapawan,” mabilis na depensa ni John. “Kasi iba-iba ‘yong material namin, that’s one. Two, ‘yong mga scenes na magkakasama kami, like ‘yong si Kris Anino would interview Candy as Charos Pempengco, and si Jon papasok siya as Okra.”

Mismong si John ay excited sa mga bagong comedy skits na ipapakita nila sa show. “Maganda ‘yong script and ‘yong rapport namin,” pagmamalaki niya.

Wala rin daw problema pagdating sa exposure dahil pantay-pantay naman silang lahat. Although, aminado si John na mas lamang si Jon sa bilang ng karakter na gagampanan.

“Mas magaling naman siya sa amin,” pag-amin ni John. “Kumbaga, mas kinailangan kasi mga characters niya. I think I would have three characters, kami ni Candy tatlo, and Jon would have four.”

BONG GODINEZ
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: