Jake Cuenca: “Hindi ko kayang manakit ng kahit na sinong babae, lalo na ng isang babaeng minahal ko.”

"Hindi ko kayang manakit ng kahit na sinong babae, lalo na ng isang babaeng minahal ko."

Weeks after news about a confrontation between ex-sweethearts Jake Cuenca and Roxanne Guinoo broke, stories are coming out on what really happened in Guam.

Ilang araw pagkatapos makabalik ng Pilipinas ang grupo ng ASAP ‘08 mula sa show nila sa Guam last October 11, may mga naglabasang balita na nagkaroon daw ng confrontation sa pagitan ng dating magkasintahan na sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo. Dawit din sa isyu ang nali-link ngayon kay Jake na si Bea Alonzo, na kinumpronta rin daw ni Roxanne sa Guam.

Parehong pinabulaanan nina Jake at Roxanne na may mga gano’ng insidente. Ayon pa nga kay Roxanne sa isang interview nito, basta “masaya lang” sila doon.

Pero ilang araw pagkatapos ng interview ni Roxanne ay lumabas naman ang mga larawan ng aktres sa isang tabloid, kung saan kitang-kita ang mga pasa niya sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Dito na nagsimula ang espekulasyon na “sinaktan” o “binugbog” diumano ni Jake si Roxanne.

Sa pictorial ng Shake, Rattle & Roll X, ang entry ng Regal Entertainment sa 2008 Metro Manila Film Festival, noong October 21, sinubukan ng ilang entertainment press na kunan ng pahayag si Roxanne tungkol sa mga lumabas na litrato. Pero ang sinasabi lang ng aktres ay ayaw na muna niyang magsalita tungkol sa isyu. Dahil dito, lalo pang lumakas ang usap-usapan na baka nga totoong si Jake ang may kagagawan ng mga pasa ni Roxanne.

Pagkalipas ng ilang araw ay nagpa-interview ulit si Roxanne. Itinanggi niya na si Jake ang may kagagawan ng mga pasa niya. Galing daw ang mga pasa niya sa katawan sa huling taping niya para sa Ligaw na Bulaklak, ang katatapos lang na afternoon soap niya sa ABS-CBN.

Sa lahat ng ito, nananatiling tahimik si Jake. Pero isang malapit kay Jake ang nagsabi na kapag ang aktor na ang nagsalita at nagkuwento ng totoong pangyayari, siguradong kawawa si Roxanne.

WHAT REALLY HAPPENED. Kailan lang, may mga nagkuwento sa reporter na ito ng halos buong detalye raw ng naganap sa Guam. Ayon sa kanila, marami raw talagang nakasaksi sa totoong pangyayari na nagsimula pagkatapos na show ng ASAP, hanggang sa after-party ng grupo sa bar ng hotel na tinuluyan nila, at hanggang sa kuwarto ni Roxanne.

Ayon sa kuwento ng isang source, dahil nagkakasayahan na at napapansin na hindi nag-uusap sina Jake at Roxanne, marami raw ang nagbuyo sa dalawa na mag-usap. Yun nga lang, nang magkausap na ang dalawa, tila nakulitan daw si Jake kay Roxanne na paulit-ulit na lang ang sinasabi dahil nakainom na nga ang aktres.

Nang iba na raw ang kausap ni Jake, napansin nilang bigla na lang nawala si Roxanne. Isa raw si Jake sa natokang maghanap sa ex-girlfriend, kasama pa ang ibang staff ng show. More than one hour daw nila hinanap si Roxanne na ang ending, nandoon lang pala sa kitchen ng bar at may mga kausap at umiiyak. Obvious daw na apektado na ang dalaga dahil sa nainom.

Ayon pa sa source, nag-volunteer pa raw si Jake na ihatid na si Roxanne sa kuwarto nito. Pero pagdating daw sa hotel room, naganap ang hindi magandang engkuwentro sa pagitan ng dalawa.

Dinig na dinig daw sa labas ang boses ni Roxanne. Kapag may kumakatok daw, inuunahan ni Roxanne si Jake kung kaya’t hindi makalabas ang huli. Sinisigawan din daw ni Roxanne ang mga kumakatok at sinasabihang iwanan sila.

Pero imbes na umalis ang mga tao, mas dumami pa raw ang mga tao sa labas ng kuwarto ni Roxanne. Nang makakuha raw ng tiyempo ay saka lang nakalabas si Jake sabay bilin sa mga tao sa labas na puntahan at huwag iwanan si Roxanne. May mga pagbabanta na raw kasi si Roxanne kay Jake na gagawin niya once na iwanan siya nitong mag-isa sa room.

Nang makaalis na raw si Jake sa room, mas lalo pa raw ang pagwawala ni Roxanne. Halinhinan na rin daw nagpa-pacify kay Roxanne ang iba pa nilang mga kasama sa Guam.

Ayon pa sa kuwentong nakarating sa amin, paulit-ulit din daw sinasabi ni Roxanne na “mahal pa rin” niya si Jake. Pero ang huli, since their breakup last December, talagang friendship na lang daw ang gustong mamagitan ni Jake sa kanila. Pero hindi raw ito tanggap ni Roxanne.

Naaawa ang source namin kay Jake dahil sa mga pangyayari, lalo na sa pananahimik ng aktor. Tila sa mga naglalabasan, hindi maikakailang si Jake ang lumalabas na negatibo, lalo pa nga’t normal sa kulturang Pinoy na sa isang relationship, ang babae ang madalas lumabas na kawawa.

Tahimik lang daw si Jake dahil alam nito na sa dami ng taong nandoon sa Guam, sila mismo ang nakakaalam ng totoong kuwento.

Ilang sources na rin ang nakausap namin at nagpahayag ng halos parehong istorya gaya ng isinulat namin, kaya’t minabuti namin na ilabas ang sinasabing “totoong kuwento” na naganap sa Guam.

JAKE’S SHORT STATEMENT. Tiyempo naman kanina, November 3, sa Podium, Ortigas Center, ay nakita ng PEP si Jake. Pero kahit ito ang nadidiin sa isyu, hindi pa rin ito nagbigay ng mahabang pahayag sa mga naglalabasan. Direktang lang niyang itinanggi ang haka-haka ng ilan na siya ang may kagagawan sa nakitang pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Roxanne.

“Walang nangyaring ganoon,” sabi ni Jake. “Hindi ko kayang manakit ng kahit na sinong babae, lalo na ng isang babaeng minahal ko. Never akong nanakit at never akong mananakit. Hindi ko kaya yun.”

Nang mag-request ang PEP kay Jake ng mas mahabang oras at interview, nag-beg off na ito at nagsabing may tamang oras at lugar naman daw para sa mas mahabang interview.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: