Jace Flores overwhelmed by public welcome after being voted off “Survivor Philippines”

Jace Flores overwhelmed by public welcome after being voted off "Survivor Philippines"

“Hindi ko naman binalak na maging artista after Survivor Philippines. I auditioned for the reality show because it’s a test of physical strength, endurance, and skills. I really think na bagay ako sa show because of what I do,” says Jace Flores, who is a gym instructor.

Na-overwhelm ang latest Survivor Philippines castoff na si Jace Flores sa magandang pagtanggap sa kanya ng maraming tao nang magkaroon siya ng live interview sa Showbiz Central last Sunday, November 2.

Nagulat si Jace dahil pinagkaguluhan siya ng mga nasa loob ng Studio 5 ng GMA Network Studios, at walang sawang nagpa-picture sa kanya. Hindi raw ini-expect ni Jace na ganito ang maging turnout ng pagsali niya sa Survivor Philippines—isang reality adventure program na, ayon sa latest release ng AGB Nielsen Philippines television ratings, ay nangunguna sa Mega Manila.

Ngayon ay kinuha na ngang artista si Jace, isang gym instructor, dahil nakakontrata na siya sa GMA Artist Center. Para sa unang project niya ay isinama siya sa cast ng upcoming GMA-7 primetime series na Luna Mystica, na pinagbibidahan ni Heart Evangelista.

Sa second week of November na magsisimulang mag-taping si Jace. Magkakaroon muna raw siya ng acting workshop para hindi siya mailang sa kanyang mga makakasamang mga artista.

“I’m still in shock because it all happened so fast,” sambit ni Jace nang makausap siya ng PEP. “Hindi ko naman binalak na maging artista after Survivor Philippines. I auditioned for the reality show because it’s a test of physical strength, endurance, and skills. I really think na bagay ako sa show because of what I do.

“But I discovered that it’s more of a mind game than the physical challenge that Survivor offers. You will never know whom to trust. Kahit na siguro kaibigan mo na, puwede ka pa rin baliktarin, lalo na if he or she is also eyeing for the three-million prize.”

Ang tinutukoy ni Jace ay ang pagboto sa kanya ng inakala niyang kakampi niya na si JC Tiuseco. Dahil sa boto na ‘yon ni JC, si Jace ang napauwi imbes na ang katunggali niyang si Kiko Rustia.

“To put it bluntly, I was betrayed by JC,” sabi ni Jace. “He made me believe that he was going to vote for Kiko. From the very start kasi, kami na nila JC at John [Lopez] ang may binuo na pact.

“Whatever happens to anyone of us, yung maiiwan na dalawa will still stay together. Nauna ngang mapauwi si John, so I thought that JC was still with me. Kasi the night before the Tribal Council, nagkausap pa kami ni JC, and we had an agreement. But it turned out na he voted me out. But it’s okay, because we’ve talked about it and he explained why he did that. It’s still a game and everyone wants to win. Nagkataon na hanggang doon na lang talaga ako,” lahad ng Survivor castaway.

ROMANCE WITH VERN. Tinanong din ng PEP si Jace kung nami-miss ba niya ang ipina-partner sa kanya sa Survivor na si Veronica Domingo. Nagka-develop-an ba talaga silang dalawa ni Vern sa isla?

“Hindi naman po,” ngiti ni Jace. “Si Vern, I consider her as a sister. Yung nakikita nilang mga sweet moments daw namin, it’s just a normal conversation between me and Vern. It just so happens na ang location namin ay nasa may beach, naglalakad kami together, tapos nakukunan pa kaming magkatabi and nagse-share ng iisang unan. Gano’n lang talaga kaming dalawa. Walang malisya ‘yon.”

Dagdag niya, “Nagkataon kasi na we are both athletic and sports-minded individuals. ‘Tsaka I can talk to Vern about anything na hindi ako naiilang dahil babae siya. Para ngang kausap mo ay kapatid mo. So there’s really nothing going on between us. Para lang kaming magkapatid lang ni Vern.”

Kung si Jace ay gym instructor, si Veronica naman ay isang taekwondo coach.

FROM A BROKEN FAMILY. At tulad ng ibang Survivor castaways, galing din ang 19-year-old na si Jace sa isang broken family. Nag-iisang anak lang si Jace ng kanyang parents bago naghiwalay ang mga ito. May sariling pamilya na raw ang kanyang biological father, at inaamin niyang mas close siya sa kanyang stepfather.

“I grew up with my stepfather, and siya ang itinuring ko na real father,” sabi ni Jace. “He was there for me and my mom sa lahat ng mga pinagdaanan namin. And he treated me like his own flesh and blood.

“My biological father naman is here in the country, but I don’t get to talk or see him that much. May mga pagkakataon na nagkikita kami, pero bihirang-bihira talaga. I don’t even know nga if he watched me sa Survivor Philippines. To be honest, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. But I hope that he’s doing good at sana alam din niya na nandito na ako at okey naman ako.”

FIRST MEMBER OF THE JURY. Si Jace ang kauna-unahang miyembro ng Jury ng Survivor Philippines, na may privilege na iboto kung sino sa tingin niya ang karapat-dapat na manalo bilang first Pinoy Sole Survivor.

Hindi naman itinago ni Jace na ang gusto niyang manalo ay si Nanay Zita Ortiga. Nakita raw kasi niya ang dedikasyon ni Nanay Zita, isang labandera, sa lahat ng mga pinagdaanan nila sa isla.

“Despite her age, nakita ko how Mommy Zita took care of us at itinuring niya kaming mga anak niya. Pagdating sa mga challenges, kaya niya kaming talunin lahat. Tinalo pa nga niya ako sa Immunity Challenge, na kahit ako nahirapan talaga at nagkasugat-sugat pa ako sa likod. Kaya if there’s someone who deserves it, it’s Mommy Zita,” pahayag ni Jace.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: