Dingdong Dantes wants time off from personal questions after confirming breakup with Karylle

Dingdong Dantes wants time off from personal questions after confirming breakup with Karylle

After his confirmation of the breakup, Dingdong pleads: “…hihilingin ko po sana na huwag na munang iungkat o pag-usapan kung anuman ang nangyari because I would like to deal with it sometime later on. Sana huwag dito sa panahon na may pelikula at maraming presscon, because ayoko namang mabigyan ng ibang kahulugan. Ayoko rin silang magambala sa mga bagay na hindi sila concerned.” By “sila,” he means the cast and crew of his upcoming movie, One True Love.

Eksaktong isang linggo pagkatapos kumpirmahin ng PEP ang breakup nina Dingdong Dantes at Karylle, pormal nang in-announce ng dalawa ang kanilang paghihiwalay sa The Philippine Star, na lumabas ngayong araw, November 5. (CLICK here to read related story.)

Gaya ng naisulat na rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), walang third party sa breakup nina Dingdong at Karylle. Wala rin daw kinalaman ang screen partner ni Dingdong na si Marian Rivera sa kanilang paghihiwalay, na nakasaad din sa artikulo ng PEP noong October 29.

Walang sinasabi ang PEP na hindi malapit sina Dingdong at Marian. Sinasabi nga naming may espesyal na pagtitinginan ang dalawa, dala na rin marahil ng palagian nilang pagsasama sa telebisyon at, ngayon, sa pelikula na rin. Isang pagsasamang masaya na’y tanggap na tanggap pa ng publiko.

Ngunit sinasabi rin ng PEP na naniniwala itong walang pormal na usapan ang dalawa. Walang commitment sa pagitan nila. Kaya hindi nagsisinungaling si Dingdong pag sinasabi niyang labas si Marian sa paghihiwalay nila ni Karylle.

Kagabi, November 4, bago lumabas ang kumpirmasyon mula kina Dingdong at Karylle sa pahayagan, nakausap pa si Dingdong ng entertainment press, kasama na ang PEP. Ito ay nangyari sa press visit sa second to the last shooting day ng pelikulang One True Love—ang pelikulang pinagbibidahan nina Dingdong at Marian, with Iza Calzado—sa Vermont Park, Antipolo City.

Hindi pa direktang kinumpirma ni Dingdong ang breakup nila ni Karylle noong mga oras na ‘yon, dahil mas pinili niyang hintaying lumabas ang kanilang pagsisiwalat sa naturang daily broadsheet. Ngunit kagabi pa lang ay alam na ng press na ang ihahayag ni Dingdong at Karylle kinabukasan ay ang breakup nila. Ito ay base na rin sa nilalaman ng pananalita ni Dingdong during the press visit.

KARYLLE IS NO MORE DINGDONG’S ONE TRUE LOVE. Sino ang maiko-consider niyang “one true love” in real life?

“Well, iba-ibang level ‘yan, e. Iba-ibang antas ng pagmamahal. Siyempre, hindi puwedeng ibuhos lang ang pagmamahal sa isang bagay o sa isang tao lang. Like ako, sa ngayon, talagang ang pagmamahal ko sa pamilya ko, never mawawala ‘yon. That will always be there.”

Kapag sinabi kasing one true love, this is associated with somebody romantically linked sa isang tao. So, sino ang somebody na ‘yon para kay Dingdong?

“Basta, I’m inspired,” halatang umiiwas na sagot ni Dingdong.

Iba na ba ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon? Si Marian na ba?

“Hindi naman. Basta hindi siya nabago,” matipid na sagot ng binata.

So, si Karylle pa rin ba?

“Basta hindi siya nabago. I’m inspired,” patuloy na pag-iwas ni Dingdong.

Dati kasi ay direkta at mabilis na nasasabi ni Dingdong na si Karylle ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya na hindi niya kadugo. Bakit ngayon ay hindi na niya ito masabi?

Paliwanag ni Dingdong, “Kasi napakahirap magsabi ng napakaimportanteng tao, especially at this point. Like what I’ve said, marami talaga akong tao na binibigyang halaga, lalo na ngayon. At hindi mawawala diyan ang pamilya ko, mga katrabaho ko, mga kaibigan ko, all the people who stick with me throughout the years. That’s why siguro hindi ko rin masabi ng direkta, ng ganun, because right now sila talaga yung mga importanteng mga tao sa akin.”

Sa sagot na ito ni Dingdong ay mahihinuha na hindi na nga si Karylle ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya ngayon. Pero binibigyang halaga pa ba niya si Karylle?

“Binibigyang halaga… Siyempre, hindi puwedeng hindi mangyari yun. We have so many good things together. That will always be there,” sagot ni Dingdong.

May time pa ba siya kay Karylle?

“Wala ngayon, e, because we’re shooting almost every day,” aniya. Halatang hirap sa pagsagot si Dingdong dahil totoong hindi na nila nabibigyan ng oras ang isa’t isa dahil nga sa sitwasyon.

THE BREAKUP. Manggaling na sa kanya, hiwalay na ba sila?

“Gaya ng sabi ko before… Last presscon kasi, sabi ko magkakaroon ng sort of confirmation, which will come out tomorrow [November 5] sa Philippine Star. Because yun ang napag-usapan namin [ni Karylle]. Basta it will come out tomorrow,” giit ni Dingdong kagabi.

So, kukumpirmahin na nilang hiwalay na sila?

“Hintayin na lang natin,” sagot niya. “Ayaw ko naman kasing ma-preempt. Sa akin kasi, I value kung anuman yung napag-usapan namin. Ayokong masira yung pinag-usapan namin about that.”

Gaya ng nabanggit na namin, lumabas na ngayong araw ang kumpirmasyon ng dalawang artistang naging magkasintahan din ng tatlong taon.

Pero kagabi, nakiusap pa rin si Dingdong sa press na anuman ang malaman ng lahat ay ibalato na lang muna sa kanya ang mga bagay-bagay. Huwag na muna raw siyang tanungin tungkol dito.

Pakiusap ni Dingdong: “Pagkatapos ng mga mangyayaring ‘yon, hihilingin ko po sana na huwag na munang iungkat o pag-usapan kung anuman ang nangyari because I would like to deal with it sometime later on. Sana huwag dito sa panahon na may pelikula at maraming presscon, because ayoko namang mabigyan ng ibang kahulugan. Ayoko rin silang [cast and crew ng One True Love] magambala sa mga bagay na hindi sila concerned.”

Ano ang gusto niyang hingin sa mga tao?

“Wala akong puwedeng hingin sa kanila because I cannot control their interpretations. Basta ako, I’m always for the truth. At the end of the day, the truth will come out.”

ANG PAGDIDESISYON. Mahirap na desisyon ba sa kanya at kay Karylle ang pag-aming wala na sila?

“No naman, it’s just a matter of right timing siguro,” sagot ni Dingdong.

Masakit ba ang ginawa niyang paghahayag ng kanyang tunay na damdamin?

“Hindi naman,” aniya, “because we’re being asked, and I just answered. Kasi kung hindi naman ako tanungin, I will not say anything.”

Nagkausap ba muna sila ni Karylle, bago nila ginawa ang paghahayag na ito?

“Matagal na. Siguro mga last week pa.”

Marami ba ang masasaktan kapag nabasa ang kanilang ihahayag?

“Siyempre, hindi ko masasabi ‘yon.”

Is he hurt by what’s being said about him at this stage?

“Well, because of the fact na maraming different interpretations, because I’m not divulging any information at this point… sa mga sinasabi ng mga tao, yes, it is very hurtful. Pero tatanggapin ko na lang yun. I will remain this way. Because I believe, para sa amin, it is better to keep that privacy,” saad ni Dingdong.

Nasasaktan siya sa mga naglalabasang isyu. Nasasaktan din ba siya para kay Karylle?

“Pareho,” mabilis niyang sagot. “Pero kung tatanungin n’yo ako ng feelings niya, siyempre siya ang makakasagot noon. Hindi ko rin naman alam what’s really happening to her and how she’s handling this right now.”

Magkasosyo sina Dingdong at Karylle, kasama ng ilan pang mga kaibigan, sa itinayo nilang negosyo, ang Centerstage Family KTV at Circle Cafe sa Timog, Quezon City at sa Jupiter St., Makati City. What will happen to their business partnership?

“Wala, tuloy pa rin,” paniniguro ni Dingdong.

May lumalabas na isyu na lilipat na raw ng ABS-CBN si Karylle. Alam niya ba ito? Ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Hindi, hindi ko alam,” ani Dindong. “Ngayon ko lang nalaman ‘yan. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko kasi wala pa naman talagang announcement.”

MARIAN IS NOT A THIRD PARTY. Bagamat itinanggi na nina Dingdong at Marian noon, pilit pa ring iniuugnay ang pangalan nila sa isa’t isa. Kaya tinanong ulit ng entertainment press kung wala ba talaga silang relasyon ni Marian.

“Wala!” tahasang sinabi ni Dingdong.

Kaya lang, sinasabi pa rin ng iba na si Marian ang third party at dahilan ng breakup nina Dingdong at Karylle. Ano ang totoo?

“No, not at all, definitely,” diin ni Dingdong. “Like what I’ve said before, kung anuman ang… Kahit lumalabas noon na may issue about us, she has nothing to do with it.”

Ano ang magiging reaksiyon ni Dingdong kapag sinabing nakipag-break siya kay Karylle, at si Marian ay nakipag-break din sa kanyang boyfriend na si Ervic Vijandre, tapos sila rin pala ang magkakatuluyan? Ito ba talaga ang plano nila?

“No,” tanggi niya. “Siyempre, given the fact na sabihin natin na ganun talaga yung mangyari, siyempre you can’t avoid people would think that way. That’s why we’re here to answer questions and to clarify.”

Pero may chance na maging sila ni Marian?

“I would like to maintain the status quo at the moment. We’re good, we’re okay. We believe that yung partnership namin is working well this way. So, ayaw naming sirain ito,” pahayag ni Dingdong.

ONE TRUE LOVE, THE MOVIE. Siyempre, dahil nasa set kami ng One True Love, napag-usapan ang tungkol sa pelikula.

Sina Marian Rivera at Iza Calzado ang leading ladies ni Dingdong sa movie. Bago nakatambal ni Dingdong si Marian sa mga teleserye na Marimar at Dyesebel, nakatambal muna ni Dingdong si Iza sa fantaserye na Atlantika at sa mga pelikulang Moments of Love at Eternity.

Paano niya ide-describe sina Marian at Iza?

“Si Iza, she has always maintained her warmth at saka yung pagkalalim niya as a person, na nagre-reflect sa kanyang pag-arte at sa character niya. Kumbaga, yung mainit na pagmamahal niya sa mga tao. Hindi lang sa akin, pati sa mga tao sa paligid niya, ay mararamdaman mo talaga,” paglalarawan ni Dingdong kay Iza.

At kay Marian naman, pagkukumpara ni Dingdong, “Whereas, si Marian, yung kanyang pagiging free-spirited, pagiging bubbly at masayahing tao, ay nagre-reflect yun sa kung paanong pamamaraan ipinakikita niya yung pagmamahal niya.”

With Iza and Marian as leading ladies, Dingdong has the best of both worlds dito sa One True Love. Ano ang pagkakaiba ng kissing scenes niya with Iza and Marian?

“Yung kay Iza, it’s more intense. And then yung kay Marian, it’s more of familiarity. Kumbaga, yung kay Iza, may pananabik dahil nga long-time girlfriend ko siya na nagkahiwalay kami. Yung kay Marian naman, masaya.”

Kumusta ang love scene nila ni Marian sa pelikula?

“Isa sa pinakamahirap na eksena para sa akin,” pag-amin ni Dingdong. “Kasi medyo comedy. Hindi ko kasi ginagawa yung ganun sa totoong buhay. Iba, iba siya, e. It’s also a different kind of me, na hindi nakikita sa TV at pelikula. Mahirap siya.”

Isa rin daw sa aabangan ay ang ginawa niyang pagsasayaw. Bakit, nag-macho dancing ba siya rito, nag-striptease?

“Hindi naman!” natatawa niyang sabi. “Comedy siya siyempre. Ayaw naman nating hindi makapanood ang mga batang fans namin.”

Pero more than the kissing scenes at love scenes sa kanyang dalawang leading ladies, ano pa yung puwede niyang maipagmalaki sa pelikula?

“More than the kissing scenes and love scenes, it’s the experience of working with them [Iza and Marian] in one film that makes me proud. It’s great to be working with two of the best actresses in showbiz now,” saad ni Dingdong.

Ano ang feeling na matatapos na yung movie nila?

“Ang bilis!” bulalas niya. “Actually, mas okay sa akin yung araw-araw na shooting kasi hindi kami nagda-drop character. So, matutulog ka lang tapos yun ulit. Hindi ka mahihirapan to go back to your role.”

Kinunan kahapon, November 4, ang wedding scene nila ni Marian sa movie. Simple lang daw ito. Kung si Dingdong ba ay ikakasal, ganun din ang gusto niyang wedding?

“Actually, kahit simple o engrande, basta may kasal, okay ‘yon.”

Is he the marrying type of guy?

“Yes, I am,” madiin na sabi ni Dingdong.

May ideal age ba siya ng pagpapakasal?

“Wala, walang ideal age.”

Marrying kind ba si Marian?

“Yes, I believe so.”

Will she be the one?

“I don’t know. Hindi ko masasagot ‘yan,” sagot ni Dingdong.

One True Love is a co-production of GMA Films and Regal Entertainment. The movie, through which the Dingdong-Marian tandem on the big screen will be tested, is directed by Mac Alejandre.

GLEN SIBONGA

Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: