“Survivor Philippines” castoffs Vevherly Gador and Nikki Dacullo sign up with GMA Artist Center

"Survivor Philippines" castoffs Vevherly Gador and Nikki Dacullo sign up with GMA Artist Center

Survivor Philippines Nikki Dacullo (left) and Vevherly Gador (right) are the latest additions to the GMA Artist Center.

Pumirma na ng kontrata sa GMA Artist Center ang dalawang sexy castoffs ng Survivor Philippines na sina Vevherly Gador at Nikki Dacullo. Hindi makapaniwala ang dalawa na matutupad na ang pangarap nilang maging artista after ma-vote out sila sa top-rating reality show ng GMA-7.

Parehong excited sina Vhev at Nikki dahil sa chance na makatrabaho ang mga paborito nilang Kapuso stars. Dadaan daw muna sila sa ilang acting workshops para maging handa sila sa anumang project na ibigay sa kanila. Type daw na makatrabaho ni Vhev si Richard Gutierrez, samantalang si Nikki ay kahit na sino raw na sa GMA-7 na mabait na katrabaho.

FARMER’S DAUGHTER. Pinaka-excited si Vhev dahil never daw na pumasok sa kamalayan niya na papasukin niya ang mundo ng showbiz. Laki sa Alcantara, Cebu, si Vhev at sanay siya sa buhay sa probinsiya. Anak siya ng magsasaka, at bata pa raw siya ay natuto na siyang magsaka ng kanilang lupain gamit ang bolo.

“Hindi kami puwedeng gumamit ng kalabaw at araro kasi bulubundukin ang lupain namin, kaya bolo ang gamit namin sa pagtamin ng palay,” kuwento ni Vhev.

Pero sa kabila ng kanyang pagiging farmer’s daughter, nagagawa pa rin niyang sumali sa mga local beauty contests sa Cebu. Kinoronahan nga siya bilang Miss Criminology sa University of Cebu, kung saan siya nag-aaral ng kursong Criminology. Isang taon na lang daw ay matatapos na siya.

May plano si Vhev na tapusin ang kanyang pag-aaral at gusto niya sa Cebu pa rin ito ipagpatuloy dahil miss na raw niya ang kanyang mga classmates at professors.

Ikinuwento rin ni Vhev na maayos na ang naging gusot nila ng kapwa niya castaway niya na si Emerson Diño. Kung matatandaan ay galit na galit si Vhev kay Emerson dahil minura-mura raw siya nito noong isang challenge nila. Nag-deny naman si Emerson na minura niya si Vhev, at hindi raw niya ‘yon magagawa.

“Hindi ko naman actually nakita o narinig na minura ako ni Emerson,” sabi ni Vhev. “May nagparating lang sa akin na isang kasamahan namin na minura daw niya ako kaya nagalit ako. Ang mali ko ay hindi ko muna siya kinausap muna bago ako nagalit sa kanya. Kaya sobrang nag-emote ako sa sama ng loob kay Emerson.

“Nalaman ko naman ang totoo noong sabihin ni Emerson na hindi siya ang nagmura sa akin. In fairness, bago ma-vote out si Emerson sa Tribal Council, nagkausap kami at naayos na namin ang anumang gusot between us. Ngayon close na kami ulit kasi parati kaming nagkikita ngayon dito sa GMA-7.”

CALL-CENTER AGENT. Pang-sexy naman ang dating ni Nikki Dacullo, na isang call center agent sa Cebu City, pero ipinanganak at lumaki sa Tacloban City.

Malaki raw ang pinayat ni Nikki noong nasa isla siya for Survivor Philippines. Noong una raw siyang dumating sa isla ay mataba siya, at noong ma-vote out siya, maraming timbang ang nawala sa kanya.

“Nagulat ako kasi iba na ang measurements ko noong makauwi na ako,” ngiti ni Nikki. “Mas confident na akong mag-two piece bikini, di ba?”

Sanay ring sumali sa mga local beauty pageants si Nikki, kaya naman hindi kataka-takang pasukin din niya ang showbiz. Handa na ba siyang magkaroon ng sexy image after Survivor Philippines?

“Depende po ‘yon sa GMA Artist Center. Sila po ang bahala sa gagawin nila sa magiging career ko. Okey lang naman po mag-sexy, pero huwag naman po all out,” sabi niya.

Lumaki palang walang ama si Nikki. Hindi nga raw niya nakilala ang kanyang father dahil baby pa raw siya noong iwan nito ang kanyang ina.

“Wala talaga akong nakilalang ama. Ayaw naman magkuwento ang mommy ko tungkol sa kanya. Ni wala nga siyang picture sa amin. Okey lang, kasi nabuhay naman kami na wala siya,” saad niya.

Paano kung biglang may tumawag sa kanya at sabihin na siya ang kanyang ama? Ano ang gagawin niya?

“Ngayon pa ba siya magpaparamdam kung kelan maayos na ang buhay namin?” sagot ni Nikki. “Siguro for the sake na makilala ko lang siya. Tama na siguro iyon. Malaman ko lang na may ama ako sa tunay na buhay, that’s enough. Wala naman kaming puwedeng pag-usapan dahil hindi ako lumaki na kasama siya. Tama na ‘yung makilala ko siya at mag-move na kaming pareho.”

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: