Pia Guanio does not need to guard Vic Sotto when he is filming

Pia Guanio does not need to guard Vic Sotto when he is filming

“Ngayon pa ba ako magseselos, e, ilang beses na nga kaming nabalitang ikinasal, di ba? Kami naman ni Vic, we respect each other’s work at kung sino ang nakakatrabaho namin. That’s how our relationship goes. We both have trust and respect for one another,” says Pia Guanio.

Hindi pala kasama si Pia Guanio sa bagong pelikula ng kasintahan niyang si Vic Sotto, ang Iskul Bukol… 20 Years After, na official entry sa 2008 Metro Manila Film Festival. Ang kapareha ni Vic sa pelikula ay ang beauty queen-turned-actress na si Carlene Aguilar.

Sinabi ni Pia sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na okey lang na hindi siya makasama sa bagong pelikula ni Vic. Sa huling pelikula kasi ni Vic with Dolphy, ang Dobol Trobol, ay naging guest naman siya.

Paliwanag ni Pia, “Before naman yung Dobol Trobol, nag-guest star din ako sa isa pa niyang movie, yung Enteng Kabisote 3. Hindi naman siguro sa lahat ng pelikula ni Vic ay nandoon ako, di ba?

“Dito kasi sa latest movie niya, he stars with Tito Sotto and Joey de Leon. Balik ang trio ng Tito, Vic, and Joey, kaya mas concentrated ang takbo ng istorya sa kanilang tatlo. Kumbaga, reunion movie nila ito after so many years. Kaya wala namang love angle or anything romantic sa movie. It’s an all-out family comedy.”

May nagsasabi na kaya kinuha si Carlene bilang leading lady ni Vic ay dahil chinita rin ito gaya ni Pia. Ano ang masasabi ni Pia rito?

“Kailangan ba talaga chinita rin ang i-partner kay Vic?” tawa ni Pia. “I read nga that Carlene is going to be Vic’s partner sa movie. That’s good because Carlene is doing good now, lalo na after ng Celebrity Duets.

“I’ve met Carlene and she’s a nice person. Maganda itong first movie niya because it’s going to be with Tito, Vic, and Joey. Magandang exposure ‘yon for anybody.”

Hindi kaya matsismis na nagbabantay si Pia sa set ng Iskul Bukol kapag may eksena si Vic with Carlene?

“Do I need to do that ba?” ngiti ni Pia. “Magkasama naman kami ni Vic every day sa Eat Bulaga, tapos may taping pa kami ng Ful Haus. Tapos may Showbiz Central pa ako every Sunday at 24 Oras from Monday to Friday. Magbabantay pa ba ako sa shooting ng movie niya? Hindi naman yata tama ‘yon. Magpapahinga na lang ako!”

Pagpapatuloy niya, “Unang-una, I have full trust in Vic at alam ko naman na trabaho lahat ‘yan. Kung sino man ang leading lady niya ngayon, wala namang magiging problema on my part. I am very supportive sa mga projects niya at never naman akong nakikialam talaga.”

Never daw magseselos si Pia sa sinumang babae na ipareha kay Vic.

“That’s right! Ngayon pa ba ako magseselos, e, ilang beses na nga kaming nabalitang ikinasal, di ba? Kami naman ni Vic, we respect each other’s work at kung sino ang nakakatrabaho namin. That’s how our relationship goes. We both have trust and respect for one another,” saad ni Pia.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: